Gaano nga ba nakakabaliw ang magmahal?
Bakit madaming taong isinasabak ang sarila nila para magmahal,
pero sa huli'y masasaktan din lang?
Sa isang daan tao, 70 sa kanila ang nabibigo at nasasaktan..
Ngunit bakit di sila nadadala?
Matatag ba talaga ang kalooban nila,
o sadyang may katigasan lang ang ulo nila?
Gaano ba kahiwaga ang pag-ibig?
Bakit madami ang di nagsasawang umibig?
Nakakapagtaka lang...
Madaming atat magmahal,
yan tuloy, parang atat din silang masaktan..
Magkanong load ang mauubos nila sa katetext,
pasalamat na lang, tipid at may unlitext..
Ilang oras ang gugugulin nila sa kaka-chat,
hanggang sa mag-offline at log out na ang isa?
Ano bang kapalit ng lahat ng ginagawa nila,
yung simpleng kilig at tuwa ba?
Paano kung masaktan lang sila?
Yung hapdi at sakit ba eh mapapawi ng ganun ganun na lang?
At ang salitang "MOVE ON", magagasgas na naman..
Sabagay, sino bang niloloko nila?
Sarili naman nila di ba?
Hay...ewan ko lang.
Sabi nila, di naman natuturuan ang puso,
at di mapipigilan ang muling pagtibok nito..
Sana lang, wag silang magmahal ng todo todo..
Para kapag sila'y nabigo,
may matitira sa kanila kahit kapiraso..
__________________________________________________________________________
tanggap ko pag sinabi nyong wala tong kwenta.. conversation lang namin to ng friend ko.. feeling ko kasi (oo, ako lang ang nakakaramdam) na may sense din naman to kahit papano XD
BINABASA MO ANG
Katha
PoetryKapag malamig ang simoy ng hangin, Mabini ang mga patak ng ulan, Tahimik ang daigdig sa gabi, Isulat mo ang iyong damdamin.