DI BALE NA LANG
Araw-araw na lang sa eskwelahan,
Pahara-hara ka sa aking dinaraanan,
Sa mga kaibigan ko'y pilit kang nakikipagsabayan,
Ang tangi mong dahilan ay upang ako'y masilayan.
Chocolates dito, flowers doon,
Tila di ka napapagod maghapon,
Kulang na lang sambahin mo ako na parang poon,
Sabi mo'y maghihintay ka kahit matagal na panahon,
Sa iyong pagsuyo'y nalalapit na akong bumigay,
Nalalapit ng tanggapin pagsinta mong iniaaalay,
Ngunit dagli kong natuklasan ang iyong pakay,
Sapagkat ilan pa kaming sinisinta mo ng sabay sabay..
Ang tulad mong higad ay dapat inaasinan,
Wagas na pagsinta mo'y di bale na lang,
Isaksak mo sa baga mo pati sa iyong lalamunan,
Nakakagigil ka! Ang sakit mo lang sa bangs!
_____________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Katha
PoetryKapag malamig ang simoy ng hangin, Mabini ang mga patak ng ulan, Tahimik ang daigdig sa gabi, Isulat mo ang iyong damdamin.