Chapter 1 -Pintuan

56 0 0
                                    

 Chapter 1-Pintuan

[Freyr Slutte's SIDE]

Ano bang meron sa mga kpop? eh mapuputi lang naman sila, tapos yung mga steps nila sa mga MV nila eh ang we-weird, mga bakla pa, parang mga alien hindi maintindihan yung mga pinagsasabi, nakakaumay yung mga mukha pagtinitigan, di pa marunong mag-english at higit sa lahat hindi sila naliligo.

haaaayy fan na fan talaga siya ng kpop. Kailan ko kaya ulit siya magiging fan. Magaling naman ako sumayaw kesa sa EXO na yan, mas magaling naman ako kumanta. Yung mga classmate namin na babae ayun hinawaan siya.

Nung hindi pa niya alam yung tungkol sa mga kpop, kinukulit niya ako lagi na kumanta at sumayaw. Nakakatampo, nagtatampo na ako sa girlfriend ko. 

Yung kwarto niya imbes na mga picture ko at picture namin yung mga nakadikit sa pader eh puro kpop.

Nandito kami ni Ella sa canteen, hindi ko siya kinakausap, ayoko muna siyang kausapin dahil nagtatampo ako, ihahatid ko nalang sya mamaya sa kanila pag-uwian na.

May dahilan ba para magselos ako? Kapag nagalit ba ako, ano magiging reaksyon niya? Paano kung papiliin ko siya kung ako o yung bwisit na EXO na yan??

--------

[Ella's SIDE]

Hinatid ako ni Freyr dito sa bahay kanina. Pero never niya akong kinausap habang nasa byahe kami pwera dun sa sinabi niyang "IHATID NA KITA". May mali sa kaniya eh hindi ko alam kung ano o bakit?

Oo nga pala siguro dahil dun sa kaninang mga tinatanong niya. 

Nahihiwagaan parin ako dun sa mga taong ginagawa nilang big deal yung artificial faces ng mga korean stars. Or it could also be that those people are simply jealous? Parang ambabaw naman ng mga taong yun?

Well kung isa sa mga taong yun si Freyr. Matuturn-off ako. 

Hindi ko alam kung bakit niya naitanong sa akin yun eh at kung paano niya nasabi yung mga word na yun. 

Nagbukas ako ng fb at binisita ko yung fb ni Freyr. 

KAILAN KAYA BABALIK YUNG NUMBER 1 FAN KO?

yun yung post niya.

Bakit parang tinamaan ako sa tanong niyang yun? Sa pagkakaalam ko ako yung Number 1 fan niya eh. Hindi naman ako umalis ah. 

"Hindi ba talaga?" sabi ng isang side ng utak ko.

*clung* [tunog po yan ng fb pag may nagchat XD]

Freyr Imperial: Punta ako jan sa inyo bukas kailangan kitang makausap. Sige out na ako pahinga muna ako. I LOVE YOU.

Bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang ang seryoso ng dating ng chat niya sa akin?

Bumalik ako sa homepage ng fb. At nakita ko yung post nung Matsuho Migaru. Bestfriend ni Freyr yan na may gusto sa kaniya.

"NAAAWA AKO SA BESTFRIEND KO DAHIL YUNG DATI NIYANG NUMBER 1 FAN EH NUMBER 1 FAN NA NG KPOP" 

----

[Freyr's SIDE]

Nandito na ako sa harap ng kwarto niya, pinapasok na ako ng kuya niya.

Pintuan palang ng kwarto niya poster na agad ng EXO. At ang malupit pa dun. May nakalagay na EXO's Property.

Kumatok na ako.

"sandali"

maya-maya eh binuksan na niya. Nagulat ako sa mga nakita ko. Puno na talaga ng kpop poster yung kwarto niya compare dun sa last kong punta dito.

Nilibot ko yung mata ko. At di ko alam pero nanghina ako. Mali siguro na dito ko siya kakausapin, pero nandito na ako eh wala na akong magagawa itutuloy ko na to.

"Ano ba pag-uusapan natin Freyr?" tanong niya.

"Gusto kong sabihin na............."

To be continued.

Becoming a KPOP fanboy For You - A 'We Know You - EXO-FanFic' SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon