Chapter 2 - Number 1 Fan
[Freyr's SIDE]
"Gusto kong sabihin sayo na.......
mahal na mahal kita, magbihis ka dali date tayo ^__^" hooooh i can't do it, hindi ko siya iiwanan, ayokong maghiwalay kami dahil mahal na mahal ko siya.
"ah yun lang pala eh, haha mahal din kita, wait lang hintayin mo nalang ako sa sala, bababa nalang ako" sabi niya.
"sige" bumaba na ako at umupo ako dun sa sofa nila.
"pre" rinig kong tawag sakin ng kuya niyang si Exel.
"oy pre haha?" sabi ko. hindi ko siya tinatawag na kuya kasi ayaw niya.
"ramdam ko pre, malungkot ka, si Ella ba ang dahilan?" tanong niya.
"ah..eh hindi ah"
"hindi ako tanga pare, nakita kita kanina sa harapan ng pintuan ni Ella at medyo naluluha ka. Ano bang problema?" tanong niya sakin.
"wala pare, nabasa ko kasi yung nakasulat sa pintuan niya, naseselos ako kasi yung number 1 fan ko, wala na iba na ang sinusupotahan, kapag nagpapatugtog siya ng mga kpop hindi ko nalang pinapansin, minsan naman akala mo hindi niya ko kasama dahil kausap niya yung kaibigan niya na si Sandra na tungkol sa kpop." kwento ko sa kaniya.
"Anong gusto mong gawin natin?" tanong niya.
"hindi ko alam, ayoko naman na pagbawalan siya na makinig sa mga kantang yun at makipagkwentuhan about kpop, kasi alam ko kapag ginawa ko yun magagalit siya sa akin dahil yun yung kaligayahan niya" -ako.
"hayaan mo akong bahala, gagawa ako ng paraan" -siya
"ano namang paraan?" tanong ko.
"basta ako ng bahala" siya.
-----
Dinala ko si Ella sa isang perya. Pero di ko alam na dun pala sa perya na yun eh mas lalo akong nalungkot dahil nakakita siya ng KPOP booth doon. hindi siya umalis dun maghapon, nihindi din siya nakaramdam ng gutom. Hinayaan ko nalang siya.
Nandito lang ako sa tabi ng booth hinihintay na magsawa sya. Inaantok na nga ako eh kaya pumipikit pikit ako.
Pero di ko na talaga kaya.
Tumayo na ako at sinabihan si Ella na uuwi na kami.
"El hatid na kita sa inyo. Inaantok na kasi ako sobra eh" sabi ko.

BINABASA MO ANG
Becoming a KPOP fanboy For You - A 'We Know You - EXO-FanFic' Sequel
Hayran KurguPrologue. Me: Bakit ka nababaliw sa kanila? Alam mo bang mga retokada at retokadong tao sila? Siya: that's why ang gaganda at ang gagwapo nila. Me: pero fake padin sila. Siya: Hayy kpop lang ba ang nagpaparetoke? lahat ba sila nagparetoke? sigurado...