LUCAS"Hyung pupunta muna ako ng locker room tutal break naman." Sabi ko.
"Sige lang. Lu." Sagot naman ni Taeyong hyung.
Hayss. Kelan ko kaya siya makikita ulit? Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ko. Nung makita ko siya na may kagat na lollipop dati hindi ko na talaga napigilan na picturan siya. Napakaganda at napakacute niya kasi. Siya lang kasi yung babaeng nakatitiis sa ugali ko. Hindi ko alam kung paano pero sa kanya lang rin ako ngumingiti. Pagkapasok ko sa locker room, may nakita akong babae na may kagat-kagat ng lollipop. May ginagawa siya sa locker ko. Teka, locker ko?! Baka may mawala diyan! Tumingin ako sa kanya nakakunot ang noo ko. Nakakainis.
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa locker ko?" Sigaw ko sa kan'ya.
"A...aa...a-n-nnoo kasi, n-nag-iwan l....l-ang a..ko ng a...ano lo....l...li....pop."
Agad akong kumaripas ng takbo sa locker ko. Baka mawala yung alaala niya dito. Nakakainis. Pero laking pasasalamat ko at hindi naman ito nawala.
"Bakit mo hinawakan ang cellphone ko?! Paano kapag nabasag 'to?! Mababalik mo ba yung mga files ko na mahalaga dito?! Sagot?!" Muli kong pag-sigaw
"......."
Bakit hindi siya sumasagot. Taena, wala ba siyang dila?!
"Ano 'di ka makasagot?! Alam mo, napaka-pakialamera mo talaga kahit kailan! Bakit ba lagi kang nangingialam?! Bakit lagi kang nagsasabi kung ano ang dapat kong gawin?! Bakit hah?! Sino ka ba sa buhay ko?! Umalis ka na sa harapan ko. Baka hindi ako makapagpigil at masapak kita."
Nagdilim na ang paningin ko. Basta kasi kapag gamit ko mahalaga ito sakin kaya kahit NCT Members ay nagagalit parin ako.
Napansin kong umiiyak siya pero wala akong pakialam. Nakakainis na ehh.
"Noona? Noona? Noona gumising ka!" Teka, parang boses ni Jisung yon pero bahala na sila. Badtrip ako. Puta.
"Jisung, dalhin na natin ang Noona mo sa clinic baka kung ano pa ang mangyari sa kanya!" Parang rinig ko rin ang boses ni Taeyong Hyung.
JISUNG
Papunta kami ni Taeyong Hyung sa locker room para kunin ang mga wallet namin at bibili sana kami ng makakain. Nakakapagod kaya magpractice. Nag-uusap kami ni Taeyong Hyung tungkol sa mga dapat naming gawin sa mga darating na araw. Ngunit may nakita akong babae na nakahiga na sa sahig.
"Taeyong Hyung! May babaeng nakahiga sa sahig! Baka kung napano siya!"
Palapit na kami ng palapit hanggang sa napagtanto ko na ito pala ang Min-Jee Noona ko. Inatake na naman ba siya? Puta! Sino namang nagpa-occur ng atake niya?! Tangina! Sasapakin ko!
"Noona? Noona? Noona gumising ka!"
Walang malay si Noona! Puta!
"Jisung, dalhin na natin ang Noona mo sa clinic baka kung ano pa ang mangyari sa kanya!"
Binuhat ni Taeyong Hyung si Noona at dumiretso kami sa clinic. Biruin mo, 4:30 pm na.
🍭🍭🍭
Maswerte kami dahil nandoon ang Nurse.
"Nurse ano po bang nangyari sa Noona ko?"
"It turns out na may Asthma attack siya and sa sobrang takot niya nag-occur din yung trauma niya. Huwag kang mag-alala, kaunting pahinga lang maayos na ang Noona mo. Maiwan ko muna kayo." Pagka-alis nung nurse ay naupo kami sa katapat na kama ni Noona.
"Anong sinasabi nung Nurse na Asthma saka trauma ba yon?"
"Ganito kasi 'yun Hyung. Simula nung mga bata pa kami 'yung Asthma lang talaga ang sakit ni Noona, pero 'yung trauma nabuo noong bata pa kami. Kasi nung mga bata kami Hyung, may isang time na muntik ng makidnap si Noona. Dapat ay nakauwi na kami pero sabi ni Mom and Dad na may sumundo daw kay Noona na lalaki na may bitbit na teddy bear. So naengganyo si Noona na sumama sa kanya. Gabing-gabi na noon, hindi pa rin namin mahanap si Noona. Pero nakita namin siyang nakahandusay rin sa may harap nitong SM High. Akala nga namin patay na siya kasi hindi talaga siya gumagalaw. Tapos the next day, doon na nagsimula yung trauma ni Noona. Kapag natatakot lang siya saka iyon nag-ooccur. Kaya posibleng may nanakot na naman kay Noona. Pero nahuli naman na namin ang gumawa noon sa kan'ya."
Napatango-tango si Taeyong Hyung habang pinaliwanag ko ang mga pinagmulan ng mga sakit ni Noona.
"Pero mabuti na nga't nakita natin agad ang Noona mo, mas mabuti rin na hanapin natin para makasiguro kung sino man yung nanakot sa Noona mo."
THIRD PERSON
Habang nag-uusap si Jisung at Taeyong tungkol sa nakaraan ay nakikinig lamang si Lucas sa labas ng clinic. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o kung anuman ang dapat niyang maramdaman. Natatakot siya para sa kanyang sarili, natatakot rin siya sa mga NCT Members lalo na't kapatid pa ng Maknae ang nasaktan niya.
BINABASA MO ANG
Lollipop | w.yk
Фанфик[NCT E P I S T O L A R Y S E R I E S # 1] "Magka-diabetes ka sana kaka-lollipop mo." In which a boy typically falls inlove with a girl who likes lollipop. Language: Taglish ( English, Tagalog) Started: 04/06/2018 Ended: 05/01/2018 Status: Complete...