40-Narration

415 16 2
                                    

(A/N: Bold - Mark, Normal - Min-Jee)

Min-Jee's POV

Natapos na ang klase, naging maayos naman na ang pakiramdam ko pagkatapos ng ilang sandali pagkatapos kong mapunta ako sa clinic. Nagpasalamat naman ako kay Mark Oppa kasi hindi niya ako pinabayaan. Buti pa siya nandiyan, ehh si Lucas Oppa. Absent yata. Hindi ko man lang nakita. Haysss. Nakakainis, biglang sweet ulit tas hindi man lang magpaparamdam. Pero heto na nga medyo natagalan ang uwi ko kasi nakatulog ako. Hehe, nanaginip ako ehh. Sorry na, hindi ako agad nakakatulog sa gabi kakapanood ng kdrama. Nagising ako madilim na. Halaaaaaa, natatakot ako. Pero okay lang yan. Kalma lang tayo bessy. Kalma ka lang Min-Jee. Nagligpit na ako ng gamit at nakita ko si Mark Oppa, akala ko si Lucas Oppa. Pero okay lang. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya.

"Hatid na kita. Tulog mantika. Napakatagal mong magising. May tulong laway ka pa."

"Asan?! Omyghad nakakahiya!"

"Joke lang. Wala naman talaga. Tara na nga."

Hinawakan niya yung kamay ko at sinamahan pauwi.

🍭🍭🍭

Huminto kami sa isang convenience store, nilibre niya ako ng ice cream saka lollipops. Yieeeeee. New friend. Hihi. Lumabas na kami sa convenience store. Masaya kaming nag-uusap pero pagdilat ko, natapon ang ice cream at nakakulong na ko sa mga bisig ni Mark Oppa. May dumaan kasi na motor, muntik na ko magulungan. Tinulak ako ni Mark Oppa palayo kaya ngayon ito na ang nangyari. Magkalapit ang mga mukha namin.

"A-araay."

"Hala, sorry Jee. Hindi ko sinasadya. Ayos ka lang ba?"

"Oo naman, ayos lang ako."

"Tara na."

Lollipop | w.ykTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon