Chapter 3- My Story

32 2 0
                                    

"Maybe we're meant to be" whut?! Ano daw? Anong meant to be pinag sasasabi nito?

"Ha? Paano mo naman nasabi na meant to be nga tayo?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Tss. Di ko nga sya kilala e. Paano kami magiging meant to be.

"Dahil alam kong, kahit ilang araw, buwan o taon tayong hindi magkita. Hahanap at hahanap ng dahilan ang tadhana para magtagpo tayong dalawa."

Luh? Naka shabu ba 'to? Gwapo sana, kaso mukang humithit 'to ng katol.

"Di nga kita kilala e. Tapos sasabihin mong meant to be tayo? Ngayon lang kita nakita boy!"

"Art Paul Kim. Nice meeting you." Abot langit nyang ngiti.

"Di mo pa nga ko kilala e."

"Faith, samahan moko." Halaaaa! Alam nya pangalan ko! Ghad! Ang creepy naman!

"Huh? Saan? Sino ka ba talaga?"

"I'm the one you're wishing for."

Nagising ako ng pawis na pawis. Ghaddd! Anong panaginip yun? Nag sitaasan ang balahibo ko ng maalala ang sinabi nya.

Di kasi ako nag pe-pray pag gabi e. Hayyyy!

Naglinis ako ng kwarto ko bago ako bumaba para kumain.

"Good morning Jess" bati ko sa kapatid ko na kumakain sa hapag. "N-nasan si Mama?" Tanong ko at pinalibutan ng tingin ang bahay namin.

Nagtataka ako kung bakit hindi kumikibo si Jess. Nakakaba naman, baka kumuha lang ng labahin sa kabilang kanto.

"Ate, si mama." Bigla akong kinabahan

"Oh? Anong meron kay mama?"

"Pumunta kay papa."

Nanlaking mata akong pumunta sa harap ng kapatid ko at niyugyog ang balikat nya.

"Huh? Anong sinasabi mo? Saan pumunta si mama?"

Living with A Fictional Character (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon