Chapter 5- The Characters Twist

46 2 5
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Maniniwala ba ko? O hindi? Wala pa kasing nangyayari simula ng mapunta ko dito. Minsan iniisip ko na baka joke lang 'to. Pero hindi e. Ganun parin.
Naisip ko rin at na realize na baka ito ang istoryang ginawa ko, pero imposible naman ata. Ang pagkaka-describe ko kay “Hyadriss Faith Candaza” ay isang simpleng babae na may simpleng pamumuhay. Hindi yung ganito kayaman. Gulong-gulo na talaga ko.

Lahat sila naninibago sakin. Parang takot na takot sila sa tuwing dadalhan ako ng pagkain. Pag naman tinatawag ko sila, sandali nila kong kakausapin, tapos magmamadaling aalis. Ilang araw na kong nandito, nag-iisip, nanonood ng tv, natutulog, kumakain. Sa mga araw na nagdaan, unti-unti ng tinatanggap ng sistema ko ang nangyari, may parte sa isipan ko na, maniwala na lang at tapusin ang kung anong misyon na yun.

Kamusta na kaya si Mama at ang kapatid ko? Baka hinahanap na nila ko dun. Eh si Brandon at Gian kaya? Kamusta na? Hindi ko tuloy maiwasang mamiss sila. Lalo a si Gian. Kaya kailangan kong tapusin ng mabilis ang kung ano mang misyon na sinasabi ng boses na napanaginipan ko, para makita ko na ulit sila.

“M-miss F-Faith may nag hahanap po sa inyo sa baba.” Sabi ng isa sa mga katulong sa bahay na ‘to.

“Ha? Sakin po? Ano daw pong pangalan?”

“Ah. Ma'am hindi na po bago sa inyo na pumupunta sya dito tuwing Sabado.H-hindi nyo nga po sya minsan hinaharap. Pero madalas, bumababa kayo para kayo na ang magpa-alis sa kanya, at sabi nyo nga po—"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Manang. Ahm. A-ahh ganun po ba? Paki sabi po pababa na ko” first time kong makakalabas sa kwarto na'to. Natatakot kasi akong lumabas baka mamaya nasa ibang lugar na naman ako. Pati dahil na rin, sa ilang araw kong pag i-stay dito nag-iisip ako ng mga bagay-bagay.

Inayos ko muna ang sarili ko at tumingin sa salamin. Baka sabihin nung bisita ko ‘daw’ na wala akong manners. Lumabas na ko sa kwarto at pinagmasdan ang daan. Ang ganda talaga ng bahay na ‘to. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat parte nito. Mayaman nga talaga si Hyadriss.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong picture frame na nakasabit sa dingding. Picture ko, ni Mama at ni Papa. Malaki pa ata sakin ‘tong picture frame na ‘to. Kitang-kita ko ang kislap ng pagmamahal sa mata naming tatlo. Teka. Nasaan ang kapatid ko?

“Ma'am hinihintay na po kayo.” Sabi ng katulong na kaakyat lang.

“Ah. Sige po. Pababa na po ko”

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan ng bahay habang patuloy parin sa paglilibot ko ng tingin sa kabuuan nito.

“F-Faith. G-good evening.” Narinig kong sambit ng pamilyar na boses, hindi ako sigurado dahil kung tama ang kutob ko, nagiba ang estilo ng pananalita nya. Nakapikit akong  humarap sa nagsalita, at nang maramdaman kong nakaharap na ko ay tsaka ko dahan-dahang iminulat ang mata ko. “F-Faith? Okay ka lang ba?” sabi ulit nung lalaking nag salita, hindi ko pa sya masyadong maaninag kaya kinusot ko ang mata ko at tsaka ibinalik ang tingin sa lalaki.

Living with A Fictional Character (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon