Nagising ako ng makarinig ako ng tunong ng alarm clock. Teka? Wala naman kaming alarm clock ah?
Teka, ba't sobrang lambot ng hinihigaan ko?
Malabo ang mata ko ng dinilat ko ito kaya kinusot-kusot ko muna para malinawan.
What the?!
Nasaan ako?!!!!
Pinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan nitong kwarto. Gash, sabi na ba eh! Eto ba ang epekto ng wattpad sakin?!
Ang ganda ng kwarto!!! May queen size bed na syang hinihigaan ko ngayon. Tapos ayos na ayos ang gamit, may malaking aparador at tatlong pinto sa loob!
Hala? Kaninong bahay 'to?! Ano bang ginawa ko kagabi? Nag inom ba ko? Tapos nalasing kaya inuwi ako ng isang estrangherong lalaki tapos...
Omayghad!!!! Tiningnan ko ang suot ko at nagulat ako dahil...
Yun parin. Akala nyo nag bago noh! Mwehehe.
Ano ba yan?! Nakukuha ko pang mag biro e nasa ibang bahay ako. Baka nga ni rape ako ng nag dala sakin dito.
Kawawa na ang bataan ko!!!! Huhuhuhu!
Pinagmasdan ko ulit ang silid at sobrang ganda talagaaaaaa!!!!
Tumayo ako at nag lakad papunta sa may sliding door. Binuksan ko yun at hinawi ang kurtina na nakalagay. At laking gulat ko ng makita ko ang isang magandang balcony. Wow! Ang yaman siguro ng may-ari nito. Andaming bulaklak. Ang sarap tingnan!!!!!
Pagkatapos kong pagmasdan ang balkonahe na 'yon ay dahan-dahan ulit akong pumasok sa kwarto at binuksan ang isa pang pinto, bumungad sakin ang isang simpleng banyo, pero hindi basta simple kasi may sofa sa loob non!!!!
Tapos may bathtub at shower pa. Grabe ang swerte naman. Nakita kong may isang pinto sa loob ng CR kaya pinasok ko 'yon, at bumungad sakin ang isang magandang walk-in closet.
Kanino ba kasing bahay 'to? Lumabas na ako doon at dahang dahang pumunta sa kama.
"ARAY!!!!"
"Anak?!" Narinig kong sigaw ng boses babae, nasa labas ata sya ng kwarto. "Okay ka lang ba?!" Narinig ko ulit na sigaw nya.
Patay pano na 'to?
Ansakit!! Ba't ba kasi di ko napansin na may basag palang salamin dito. Shit naman e.
Andami ng dugong dumadaloy sa paa ko. Anong gagawin ko nito? Akala siguro nung babae ako ang anak nya. Baka sabihin pa nun akyat bahay ako! Anong gagawin ko.
Unti-unti na kong nanghihina. Di ko na kaya. Nanlabo ang paningin ko at doon kona lang namalayan ang pag baksak ng talukap ng mata ko.
"Hoy Hyadriss!" Hala? Sino yung nag sasalita?
"Sino ka? Nasaan ako?" Puro puti kasi paligid ko, baliw na ata ako.
"Matagal ka ng baliw." Luh? Nakakabasa sya ng iniisip ko? "By the way. Wag na nating patagalin 'to." Sandaling nawala yung nag sasalita. "Ngayon natupad na ang kahilingan mo. Kailangan mo namang pag tagumpayan ang misyon na ibinigay ko sayo. May mga bagay na hindi natin inaasahan. Mga bagay na nag babago, ikaw na ang bahala kung paano mo hahawakan ang pagbabagong ito. Kailangan mong mapagtagumpayan ang misyon mo, kung gusto mo ng makabalik sa iyong mundo"

BINABASA MO ANG
Living with A Fictional Character (ON-GOING)
FantasíaOnce upon a time- I fell in love with a Fictional Character.