"Mama! May cake ba ko?" Omooo! Gusto kong cake! Ano kayang masarap?
Hmmm.
Ah! Alam ko na!
"Ma! Pengeng pera ako na lang bibili ng cake ko." Sabi ko kay mama at ngumiti ng napaka lawak.
"Ano?! Lakasan mo boses mo di kita marinig!" Narinig kong sigaw ni mama galing sa kusina. Nag luluto kasi sya ng paburito kong hipon.
"SABI KO MAMA, PENGENG PERA! BIBILI AKO NG CAKE!"
"Aba! NANINIGAW KA NA?!"
Patay na.
"Kuha na lang ako sa wallet mo ma heh?"
"Bahala ka sa buhay mo."
"I love you mama!" Sarcastic yun hmp. Pero jok lab ko talaga si mama kahit pinaglihi yun sa sama ng loob ni Lola.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa Trixie Mae's Bakeshop. Medyo malapit lang yun sa bahay kaya ilang minuto lang nakarating narin ako 'don.
"Magandang Buhay!" Bati sakin ni Archie, na nasa counter. Suki ako dito kaya kilala ko na mga nag titinda. Wala share ko lang.
"Momshie Carls?!"
"Ay oh! Grabe 'tong batang itu, por que ganto ang sexy kong katawan, sasabihan mo na kong Momshie Carls. Huhuhu" kaloka talaga 'to si Archie. Buti di sya napapagalitan ng amo nya sa lakas ng boses nya. HAHAHAHA
"Sexy ka?" Pabiro kong pagtataray sa kanya.
"Eh kung palabasin kita?"
"Joke lang, eto naman hindi mabiro." Bukod sa pagiging cashier nya dito sya narin ang gumagawa ng layout ng cake at pati na rin ang timpla nito. Kumbaga head na rin sya dito, dahil yung amo nya nasa main branch ng bakeshop na 'to.
"Oh? Anong kailangan mo bruha?"
"Suklay at suyod meron kayo?" Sarkastiko kong sagot. Maka bruha 'to as if na ginaya ko si Pipay na ishinampoo ang pH Care.
(A/N: Shout out kay Owwsic crush po kita hehez)
"Kadiri ka! Ano kasing kailangan mo?"
"Malamang cake! Wala naman siguro kayong ibang tinda maliban 'don diba?" Hays. Minsan talaga umaandar ang pagiging pilosopo ko.
"Nako Hyadriss! Masusupalpal na kita ng spatula!"
"Caramel cake. 2 layers tapos lagyan mo ng mga lalaki ha? Nagbabasa ka naman siguro ng wattpad. Jsl ka diba?"
BINABASA MO ANG
Living with A Fictional Character (ON-GOING)
FantasyOnce upon a time- I fell in love with a Fictional Character.