Prologue

211 3 3
                                    

"Baby, magtetraining na ako." Seryoso pero nahihimigan ko ang lungkot sa boses nya. Bahagya nyang nilalaro ang dulo ng aking buhok habang nakahiga ang ulo nya sa aking hita. Nilalaro ko din ang kanyang mga buhok na parang isang batang pinapatulog ng kanyang ina.

"Huh? Saan ka magtetraining? Ang dami naman ng training mo." Pabirong sabi ko. Bahagya pa akong natawa pero agad rin akong nagseryoso nang mapansin kong hindi man lang nagbago ang kanyang expression. He's looking at me intently with those pair of beautiful yet sad eyes.

Don't tell me he's serious!

"Pagbalik ko ng Manila, magtetraining na ako para maging sundalo." Seryoso nyang sabi. Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang dibdib ko. Seriously? Magsusundalo sya?

"Gusto mong maging sundalo?" Seryoso ko naring tanong sa kanya. Umalis sya sa pagkakahiga at inayos nya ang pagkakaupo nya.

Nasa tambayan kami ngayon ng bestfriend kong si Naomie Jillie Ferrer. Pitong buwan na kaming magkasintahan ni Axle Rain Raivernsbourne. He's five years older than me. Isa sa mga bagay na gusto ko sa isang lalaki. Ang mas matanda sa akin ng ilang taon and five years ahead is perfect! He's also a gorgeous lad. He had those captivative deep sets of brown eyes, narrow nose, his lips were the most luscious lips i've ever wanted to kiss to. Damn it! Pinagnanasaan ko na naman ba ang gwapong nilalang na ito?

We started our Lovestory through texts and chats. Our relationship? On and Off.

Hindi naman kasi ako seryoso sa kanya at alam kong ganun rin sya. I'm too young for serious relationship anyway!

But when we met personally nung sinundo nila ako sa labasan ng lugar nila. That day changes everything.

Gone is the game like love for us. We both became serious with each other. Actually, he's my first boyfriend personally.

Lahat kasi ng naging kasintahan ko, puro text text lang, through chats and no meet ups. That is also because i promised myself that if i am going to have a boyfriend. It should be memorable, it should be beautiful.

Sino ba namang babae ang hindi gugustuhing magkaroon ng magandang lovestory diba?

Nireserved ko talaga ang pagkakaroon ko ng 'First boyfriend' na dapat, sya na yung lalaking mamahalin ko hanggang huli.

Ayokong matulad sa iba na nasayang lang ang buhay nila sa dahil sa unang pag-ibig nila.

Sabi nila, You're lucky to be his first but to be his last is beyond beautiful.

Pero para sa akin, kung ikaw ang magiging una at huli sa kanya ay sobra sobrang swerte mo na.

Kaya nga ang swerte ng gwapong nilalang na katabi ko ngayon ee. Sya kasi ang unang pag-ibig ko. Di bale ng hindi ako ang unang pag-ibig nya. Ang mahalaga, masaya ako sa kanya at nakikita at nararamdaman kong masaya naman sya sa akin. Ayos na ako dun.

Mababaw na ba ako nyan? So what? Nagmamahal ako ee.

Pero ngayong sinasabi nyang sasabak sya sa training at magiging sundalo sya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Magiging malungkot ba ako dahil mapapalayo kami sa isa't isa dahil sa training nya o matutuwa kasi finally, hindi nalang sya tatambay at may plano na sya sa buhay nya?

Ganunpaman, hinihiling ko lang na sana, lagi syang mag iingat sa tuwing sasabak sya sa gyera at uuwi sya ng walang labis walang kulang.

Alam kong hindi pa kami mag-asawa pero hindi ko maiwasang mangamba sa tuwing maiisip ko na sasabak sya sa field kung saan, maririnig ang iba't ibang putok ng mga galit na baril, Iba't ibang sigawan, mararahas na tunog ng tangke, at nakakabinging tunog ng granada.

I actually never thought that i would have fallen inlove for a soldier. Nung naging kami naman kasi, hindi ko alam na magsusundalo sya.

But, does that matter kung sundalo sya? Kung sinabi nya bang magsusundalo sya, aayawan ko ba sya? No.

I fell for him not because of the profession that he chose but because it's 'him' who i fell inlove with.

It's 'Axle' who i fell for. At hindi ako nagsisising minahal ko sya. Dahil hindi lang ako minsang naging masaya sa kanya kundi lagi nya akong napapasaya.

It's 'Rain' who my heart choses to beat abnormally with.

It's definitely a 'Raivernsbourne' who i chose to give my heart. And i'm glad that he gave me his heart too. Giving me his trust that i would take care of it. I'll definitely took good care of it like what he did to my heart.

He's the most precious thing i wanted to treasure forever. And i'm just so glad that i met him.

I'm glad to be a "Soldier's Girlfriend " ...

--

-QueenMavis

Soldier's Girlfriend (Girlfriend's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon