Chapter 9: DATE
INGRID NATASHA AUSTRIA
Ilang araw na kaming naging magkachat ni Shan Bridgette. Yung bagong girlfriend ni Rain. Bagong girlfriend ng taong minahal at sinayang ko. Tanga ako ee. Sobrang tanga.
Pinapakita nya sakin yung mga pictures nila. Mga moments and dates na dapat kami ang magkasama. Mga pictures kung saan nakaholding hands sila. Yakap at halik ni Axel sa noo at pisngi nya. Thank God wala namang kiss on the lips baka naibato ko na tong cellphone ko papuntang Manila. Ipakain sa kanilang dalawa. Nabubuwisit ako. Nagseshare ng kung ano ano about sa ISANG TAON nilang relasyon.
Labas masok sa kampo si Shan kaya gustuhin nya mang makita si Axel ay magagawa nya. Tss. O edi sila na masaya! Sila na may lovelife! Pakialam ko ba?
Nananahimik na nga ako ee.Lagi itong nagchachat sa akin, nanghihingi ng advice kuno about sa relationship nila. Tanga ba sya?! O nananadya na sa pambubwisit nya sa kin?
From Shan Bridgette: Bes, nagkita na kayo ni Axel?
Basa ko na naman sa chat niya. At talagang kinareer nya ang 'bes' uh? Para sabihing napakafriendly nya daw. Tss. Ang plastik na man. Sounds like ahas.
To Shan Bridgette: Huh? Hindi pa. Bakit?
From Shan Bridgette: Wala naitanong ko lang. Baka kasi nagkita na kayo tapos wala syang sinasabi sakin.
Napaarko ang kilay ko sa tinuran nito. Like what the hell? Possessive? Kala nya naman aagawin ko si Axel e akin naman este, wala na akong pakialam dun. Duh!
To Shan Bridgette: Haha! Napakapossessive mo naman. Wag kang mag-aalala hindi ka lolokohin nun. Kilala ko si Axel. Loyal yun ee. Kung magmahal, sa iisang babae lang. Mahal ka niya so, wala syang dahilan para lokohin ka.
Gusto kong masuka sa pinagsasasabi ko sa kanya. Like seriously Ingrid? Tss.
From Shan Bridgette: Oo nga, salamat sa advice uh? By the way Bes. Wag mo nga palang sabihin kay Axel na nagchachat tayo ah? Baka pagalitan ako.
'Hmm? Pakialam ko ba. Ikaw lang naman nagchachat sakin.' Gusto sanang isend yan sa kanya. Baka sabihin pa nito na inaaway ko sya. Hindi ko pa naman gusto ang takbo ng utak nung babaeng yun.
Inaamin kong mas maganda at sexy sya kesa sakin pero hindi ko talaga gusto ang babaeng yun. Hindi dahil sa sya ang present ni Axel kundi dahil i feel like there's something wrong with her.
To Shan Bridgette: Sure.
From Shan Bridgette: Yeah, alam mo na. Magagalit yun kapag nalaman nyang nakikipagkaibigan ako sa ex nya. Sorry talaga.
Umarko ang kilay ko sa sinabi nito. Tss. Nananadya ba sya? Anong gusto nyang palabasin?
To Shan Bridgette: Huh? Bakit naman sya magagalit? Akala ko ba move on na sya.
From Shan Bridgette: Yeah, he said he moved on. Wala ka na daw sa buhay nya.
To Shan Bridgette: Good for him. I am happy for you too. Tsaka, mas pabor naman sakin yun. Masaya na din naman ako sa buhay ko.
Tss, nakakabuwisit 'tong babaeng 'to. Kung nakaharap ko lang 'to baka nasuntok ko na sya sa mukha ee. Sobrang kapal! Nakakamura! Nananadya talaga ee! Inaano ko ba sya? Busit!
To Shan Bridgette: Out na ako. May date pa ako ee.
Huli kong chat saka ako nagprepare para sa date na sinasabi ko. Nag aya kasi ng Date si Dark. Hindi pa rin ito sumusuko sa sinasabi nyang 'panliligaw' kuno. Pumayag nalang din ako.
BINABASA MO ANG
Soldier's Girlfriend (Girlfriend's Series 1)
AléatoireI was just a simple girl with wonderful life. They say, i am a cheerful person. I laugh a lot. I thought things would be different when i met him. And so it is, it's not that everything have changed but alam kong maraming nagbago. Hindi lang sa sitw...