Chapter 11

72 3 3
                                    

Chapter 11:

INGRID NATASHA AUSTRIA

"Ingrid. Will you-- will you be my girlfriend?"  Halos hindi na ako kumukurap habang pinapantayan ang intensidad ng kanyang mga tingin. Kinabahan ako bigla.

"Dark." Tanging sagot ko. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sa kanya. Nakaluhod pa rin ito kung kaya nakatingala ito sa akin habang nakatungo naman ako para tingnan. Sya. Oh God help me.

I don't know what to answer.

"Please? Will you be my girlfriend?" Tanong nito sa nakaluhod parin na pwesto.

"Dark please, tumayo ka na. Joke na naman ba ito?" Shet! Ano ba yang sinasabi mo Ingrid? Sa tingin mo joke lang ito? Napapikit ako ng makita kong tumulo na ang luha ng lalaking nagsisilbing clown dahil sa lagi akong napapatawa nito. I felt pain. Damn it Ingrid! What did you do?

Pero nakahinga na ako ng maluwag ng tumayo na ito. "Ha. Ha. Joke pa rin ba ito para sa iyo Ingrid?" May halong pait at sakit ang tinig nito ng sabihin nya iyan.

"I--i-- i'm sorry Dark. I did--"

"Shh, i want your answer Ingrid. Kung ano man yan. Tatanggapin ko. Wag kang mag-aalala, kung ano man ang magiging sagot mo nakahanda ako." Nakuha pa nitong ngumiti sa akin habang pinupunasan nya ang sarili nyang luha.

Hindi mo ba alam na mas nasasaktan ako sa ginagawa mo Dark? Mas nasasaktan ako dahil sa nakikita kong ang lalaking syang nagpapasaya sa akin ay nasasaktan ng dahil sa akin. Nasasaktan ako Dark. Nasasaktan din ako.

"Please, wag kang umiyak Ingrid. Hindi ako natutuwa na makita kang lumuluha. Pinapahirapan ba kita sa tanong ko? Okay lang naman na bastedin mo ako ngayon ee. Liligawan parin naman kita bukas, bukas, o sa susunod pang mga bukas. Hanggang sa sagutin mo na ako." It hurts seeing him hiding his tears into smiles and laughters.

"Dark naman." Tanging sambit ko. Sya na nga itong nasasaktan ako parin ang iniisip nya. How could you do that Dark? You're hurting yourself. Your damn hurting yourself! Walang ampat na ang pagtulo ng luha ko.

"Pinapaiyak ko lang yata ang prinsesa ko." Pinupunasan nito ang luha kong patuloy na naglalandas sa pisngi ko.

"Ano ba Dark! Hindi na luha ko ang binubura mo. Pati narin siguro ang pisngi ko. Kainis naman ee!" Natawa pa kami sa sinabi ko. Mukha na siguro kami siraulo sa pinagagagawa at pinagsasasabi namin. Dagdag pa ang mukha naming iyak tawa iyak tawa ang ginagawa.

"Sorry lang." Natatawa rin ito. Can't we just be like this? Yung tumatawa lang? Walang tension and pressure? Ganito nalang sana.

"Hindi mo ba talaga kayang sagutin ang tanong ko Ingrid?" Biglang tanong nito ulit.

"I'm sorry Dark." Hindi ako makatingin sa mga mata nya. Nasasaktan ako.

"Sabi ko na nga ba ee. Sya pa rin ba?" Nagulat ako sa tanong nito.

"Huh?" Tanging nasambit ko.

"Siya pa rin pala talaga. Bakit kasi hindi nalang ako Ingrid?" This time, hindi nya na itinago pa sa mga ngiti nya ang sakit at pait na nararamdaman nya. Dark heartbreak. Is also one of the most heartbreaking scene for me. Ayaw ko man saktan sya pero eto at nagagawa ko. Nadudurog ang puso ko.

"Dark, i like you okay? I like you. You're an amazing guy, handsome almost perfect. Pero hindi ako ang babaeng nababagay sayo Dark. I believe na may darating na babaeng mas bagay sayo. Mas mamahalin mo ng higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay para sa akin. May darating pang perpektong babaeng magpapasaya at mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. At kapag dumating ang araw na yun ay ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Ako ang magiging pinakamasayang babae kung makikita ko na ang lalaking minsang nagpasaya sa akin ay masaya sa babaeng para sa kanya. Dark, mahal kita. Kaya hindi ko gustong ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. Kaya ko sinasabi sayo ito kasi para habang mas maaga pa hindi na tayo mas magkasakitan pa." Banayad kong hinawakan ang pisngi nya at marahang pinunasan ang kanyang nakatakas na luha sa pisngi gamit ang thumb ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soldier's Girlfriend (Girlfriend's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon