Chapter 3

43 2 0
                                    

Chapter 3: Meet her family






August 26, 2014

"Punta ka dito. Ayusin natin 'to. I can't lose you." Basa ko sa text ni Axle.

Nakikipagbreak kasi ako sa kanya dahil nakikipag-away na naman sya kanina.

I don't know kung anong kinaiinis nya. Basta bigla nalang syang naging cold sa mga text nya. Kaya ayun, nainis ako at inaway ko sya, inaway nya rin ako kaya nag-away kaming dalawa.

"Break na nga tayo. Kaya bakit pa ako pupunta sa inyo?" Pagtataray ko naman sa kanya sa text.

Nasa classroom kami ngayon at naglelecture sa Araling Panlipunan.

"No, hindi ka makikipagbreak sa akin. Pupunta ka sa dito. I'll pick you up from school mamayang uwian." Bakas sa text nito ang finality sa sinasabi nya.

I sighed.

Mahal ko naman talaga 'to. Ewan ko. Basta, konting away lang namin. Nakikipagbreak agad ako o di kaya ay sya.

Napakaimmature naming maghandle ng relationship kaya ayun, on and off ang relationship namin.

Well, actually. Most of the time ako ang laging nakikipagbreak kapag nagkakatampuhan kami. Sya ang laging nag-aayos so basically, ako ang immature but i'm still glad. He loves me kahit na ganito ako.

Pagsapit ng uwian namin mga 4:00 pm. Ayun na nga sya sa labas nag aabang sa akin. Nakaupo ito as usual sa kanyang itim na motor.

Pansin kong may dala itong isang Red Ribbon na lalagyanan ng cake. Probably, cake ang nakabalot dyan. Ano peace offering? Ba't parang masyadong malaki naman?

Tinaasan ko lang ito ng kilay ng tiningnan nya na ako.

Lalampasan ko na sana sya ng mahawakan nya ang kaliwang braso ko.

"Sasabay ka sa akin. Ayusin natin to." Nakatiim bagang sabi nya. Why do i feel like inuutusan nya ako. Parang hindi sya nakikipag-ayos ee. Para syang nakikipag-away.

"Why would i----"

"Please?" Hindi ko na naituloy ang pagmamatigas ko when i saw his pleading look...

Nagulat ako ng hindi kami sa Cabisera papunta kundi papunta ito sa ibang direksyon.

Papuntang Rancho Ledesma Village..

Sa lugar namin. Anong gagawin namin dito? Mas lalo akong nataranta ng huminto ang sasakyan nya sa harap ng aming bahay.

Gahd! Anong ginagawa namin dito?!

"Oy Axle, anong ginagawa natin dito sa bahay namin?" Natataranta kong tanong sa kanya. Pinanlakihan ko pa ito ng mga mata.

"Magpapakilala na ako sa mga magulang mo na ako ang boyfriend mo." Seryoso nitong saad.

"Huh? Teka lang naman Rain! Di pa ako ready ee." Pinigilan ko syang makapasok sa gate namin ng papasok na sana ito.

"So? Ako ready na." Seryoso pa rin nitong sabi sa akin. Parang hindi man lang ito kinakabahan.

"Teka lang naman Axle Rain! Baka magalit sila Mama. Next time nalang please?" Nag-aalalang sabi ko sa kanya. Natatakot talaga ako. Baka magalit sa amin sila Mama.

"No. Wala ng next time. Nandito na ako oh. Tsaka ano bang kinakatakot mo? Ako ang ipapakilala mo. Pagkatapos nito ipapakilala din kita sa mga magulang ko." Sabi naman nito na pilit akong pinapakalma pero hindi ko parin sya pinayagang makapasok.

Soldier's Girlfriend (Girlfriend's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon