Chapter 10: DATE PART II
INGRID NATASHA AUSTRIA
"Ingrid?" I was stunned upon hearing my name. I know that voice. That voice na halos kinababaliwan ko noon. The voice that makes my heart tremble not in fear but in different feeling.
Napatitig ako sa lalaking nakabangga ko. Shet! Bakit mas lalo siyang gumwapo? His well-built body seems so firmed unlike the last time i saw him. Nakaarmy-cut ito that it makes him more attractive and dangerously hot.
Shetness naman Ingrid! Stop drooling over him! Hindi mo na sya pag-aari. May iba na sya. Agad namang dumaloy ang galit, inis o hiya ko. Hindi ko dapat sya nakita. Hindi ko na dapat pa syang nakaharap. Hindi ako handa.
"Axel." Mahinang sabi ko. Ngumiti ito sa akin revealing his perfect set of white teeth na syang halos ikalaglag ng panty ko.
Niyakap ako nito na syang ikinagulat ko. Napabitaw naman ito sa ginawa nya ng mapagtanto nyang wala akong balak na ibalik ang yakap nya.
"Sorry, How are you?" Bati nito.
"Uh--uhm. I'm fine. How about you? Big time ka na uh?" Sabi ko dito. Muntik pa akong mapapikit ng magstammer ako sa pagsagot sa kanya.
"Haha, hindi naman. I'm happy--" naputol ang sinabi nito.
"Babe, nandiyan ka lang pala akala ko naman hinabol mo ako kanina." Napabaling ang tingin ko sa likod at nakita kong naglalakad na pala papunta sa kinaroroonan ko si Dark.
"May boyfriend ka na?" Agad na tanong sakin ni Axel.
"Huh?" Teka, ano bang sasabihin ko? Tsaka ano nga bang pakialam nya ee may girlfriend na rin naman sya. What should i do?
"Babe?"
"Huh?" Napatingin ako kay Dark. Ano nga ba ang dapat kong sabihin. Huh nalang ba talaga ang alam kong sabihin sa mga oras na 'to? Pwede bang lamunin nalang ako ng lupa? Shet naman!
"Sino sya babe?" Agad na tanong ni Dark pertaining to sino pa ba? Edi kay Axel.
"Huh? Uhm. I me-- i mean. Si Axel, Dark. Axel, si Dark." Walangkwentang pagpapakilala. Ano ba dapat?
'Dark si Axel ex ko. Axel si Dark, manliligaw ko.' Ganun ba dapat? Like ang kapal ko naman ata kung ganun.
"Ah, nice to meet you Axel." Si Dark na naunang inilahad ang kamay kay Axel. Halos hindi na ako humihinga dahil sa tensyon at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin. Get a hold of yourself Ingrid. Kinakabahan ako na ewan.
"Same here Pare." Tinanggap naman nito ang nakalahad na kamay ni Dark. Hays. Ano bang akala mo Ingrid magsusuntukan ang dalawang yan?
"Ah, Axel. Mauna na kami ni Dark. May pupuntahan pa kami." I tried my best not to stutter ng sabihin ko yun. And thank God, nagawa ko naman. I try to give him a smile. A smile na hindi naman umabot sa mga mata ko.
"Sige pare uh? May dinner date pa kami ng babe ko. See you around!" Nagkamayan pa sila. "Sige sure. No problem. I need to go narin kasi hinihintay ako ni Mama sa first floor. Bye." Nginitian ko lang sya at ganun rin naman sya.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong hindi humihinga. Eksaherada kong pinapaypay ang sarili ko gamit ang kamay ko. Ba't parang wala namang hangin 'tong mall na to? Wala ng aircon? Nasira?
"Babe, are you okay?" Maagap na tanong ni Dark habang naglalakad kami. Pinagpapawisan narin ang mga kamay ko.
"Huh? Ah oo-- oo naman. Hehe. Don't mind me. So saan tayo next?" Iniba ko nalang ang usapan.
BINABASA MO ANG
Soldier's Girlfriend (Girlfriend's Series 1)
AcakI was just a simple girl with wonderful life. They say, i am a cheerful person. I laugh a lot. I thought things would be different when i met him. And so it is, it's not that everything have changed but alam kong maraming nagbago. Hindi lang sa sitw...