***
Nakasasakal ang katahimikan sa pagitan namin ni Ivan. Nabobobo ako sa dapat kong sabihin at gawin. It's been three years since I last saw and heard from him. He's an upperclassman in Engineering when I was still in STU. I used to call him Potchi way back. I don't know how or why we drifted apart.
"Uh... So..."
I looked at his... clothes. Or costume siguro. Victorian-era talaga 'yon. Not everyone can rock Victorian clothes in the busy main road of Manila... maybe, unless it's him. His brush-up showed his forehead and made his jaw more angular.
Pero alin do'n ang papansinin ko?
He looked at my dashboard, then at the steering wheel. Pagkatapos, bumaling siya sa'kin.
Nahigit ko ang hininga ko, bago kumurap, bago ngumiti.
"Hey..." My mind also stalled. Oh my God. "Kumusta?"
"Bakit hindi mo binuksan ang flashers mo?" tanong niya.
I blinked. Oh, my flashers, my hazard lights. Hazard.
"Uh... Kasi ano..." Pa'no ko ipaliliwanag si Potchi 17?
Tumingala siya sa roof ng kotse at pinadaan ang daliri niya sa ilaw sa uluhan namin. Tinuktok niya ang sun roof bago lumingon sa backseat. Pagkatapos, sinilip niya ang foot pedals sa ilalim.
Lagot. Knowing him, he'll surely know that...
"This is not a Bipper," baling niya sa'kin. Mababa ang boses niya. Walang emosyon gaya ng mga mata niya.
"Uh... Yes. This is not a Bipper."
This is the part na pagagalitan niya 'ko. I know so. Inihanda ko ang tainga ko sa maririnig ko pero walang dumating.
"Personalized car mo?" aniya.
"Uhm, sort of."
"From the Bipper?"
"Uhm, not really. 'Yong house lang, kinuha ko sa Bipper. Sort of."
He let out a throaty 'hm'. Wala pa ring sermon kung bakit nagda-drive ako ng personalized a.k.a. prone-to-disaster-unless-proven-otherwise car.
"Hindi pa ayos ang flashers mo?" he asked.
"Sabi ng mechanic ko, naka-install na. Just... not yet fixed with the switch. Hindi ko pa talaga na-check." But yeah, I'm driving it right now. Pero kasi, wala naman sa plano kong dumaan sa main road. May tahimik na mga daanan akong tinatagos kanina.
Still, nothing came from him. Ginalaw niya ang switch dapat ng hazard lights sa steering wheel.
"Madali lang 'tong gawin pero baka mabangga muna 'to ng bus bago maayos."
"No! Hindi puwedeng mabangga ang Pot—" I bit my tongue.
"Pot what?" aniya na kunot ang noo. "Ano'ng pangalan ng kotse mo this time?"
Right. Alam niyang mahilig akong magpangalan ng kotse. Gaya niya.
Lumunok ako. Hindi ko puwedeng sabihing Potchi ang PT17 dahil Potchi ang tawag ko sa kanya noon. He didn't seem particularly happy when I slipped and called him Potchi earlier.
"Pot... Pocholo."
Tumiim uli ang mga labi niya. "Pocholo?"
"Yes. Why?" Pocholo, my foot.
Instead of answering me, tumingin siya sa side mirror at nagpakawala ng buntonghininga. Paglingon niya sa'kin, wala uling mababasang anuman sa mukha niya. Not that he's a man I could easily read. Just that... he used to have gentler, warmer expressions before. This man I'm with is a familiar stranger.
BINABASA MO ANG
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
Teen FictionEngineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte