Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 03 part 2: Used to be

34.5K 1.8K 872
                                    

***

Hindi lang si Ivan ang tao sa Room 515 nang kumatok ako sa pinto niyon kinabukasan. May dalawa pang lalaki na sa tingin ko ay mga kaklase niya. Nakahilera silang tatlo sa pagkakaupo sa likuran ng silid, sa pagitan ng mahabang mesang patungan at matangkad na display case ng mga makina. Naglatag lang sila ng picnic mat yata 'yon. Each of them has an opened laptop. Bawat isa rin, naka-earphones.

"Hello. I'm here," sabi ko na nakatingin kay Ivan.

Tumingala siya sandali sa'kin bago tanggalin ang earphones sa tainga niya. "May klase ka ngayon?"

"Wala."

"Nagmamadali ka?"

"Uhm... Hindi naman."

"Good." Pinagpag niya ang tagiliran niya. "Sit if you want. Tapusin ko lang 'tong pinapanood ko."

Bago pa 'ko makakilos ay ibinalik na ni Ivan ang earphones sa tainga niya at ang atensyon sa laptop. He was watching about turbochargers. May five minutes pa sa video.

Is he interested about cars?

After about a minute, I felt like an intruder in their hideout. Nasa video lang ang atensyon ni Ivan at ang hirap tumayo lang sa tagiliran nila. Sa tuwing napapatingin sa'kin ang dalawa niyang kasama, nginingitian ko lang. It was awkward.

Napatingin ako sa tabi niya. He told me to sit by the mat, right?

Ibinaba ko ang shoulder bag ko sa paanan ng display case at nag-indian sit sa tabi niya. Nang bumaling siya sandali sa'kin, ngumiti lang ako. Nakikinood na 'ko nang i-pause niya ang video. May dalawang minuto pa 'yon.

"Kukunin mo lang 'yong video sa phone ko, 'di ba?" aniyang bahagyang nakangiti.

"Yes."

"Okay." Kumapa siya sa bulsa niya. Nagkalkal sa backpack. Pagkatapos, bumaling siya sa mga kasama niya. " 'Yong phone ko?"

Nagtanggal ng earphones ang dalawang lalaki sa silid. 'Yong nakaupo sa pinakasulok, natatawa. 'Yong katabi naman ni Ivan, seryoso lang ang mukha.

" 'Di ko nakitang hawak mo 'yon mula kanina," sabi no'ng seryosong lalaki.

"Kailan ba 'yan humawak sa cellphone niya?" sabi naman no'ng lalaking magaan ang ngiti.

Nakipagngitian ako. Uli. Na awkward na talaga dahil hindi ko sila kilala.

"Saan ko ba nilagay 'yon?" tanong ni Ivan, na parang para sa sarili niya.

Natatawa ako na naiiling sa kanya. Kung may sariling paa ang cellphone niya, iisipin kong nilayasan na siya no'n sa sama ng loob.

"Baka naglayas cellphone mo, brader. Binoycott ka. Naghanap na ng ibang magmamahal sa kanya," sabi ng lalaking nakaupo sa dulo bago tumawa.

Nakitawa ang katabi ni Ivan. Ako naman, nagpipigil na makitawa sa kanila. Lalo na dahil seryoso ang mukha ni Ivan sa pag-iisip kung nasa'n ang cellphone niya.

"Parang nasa bulsa ko 'yon no'ng nag-lunch tayo. Kasi nga, may kukuning video 'to si Pfifer," sabi ni Ivan. Nagkalkal uli siya sa bag niya, bago sa ilalim ng mahabang mesa, bago sa bag ng katabi niya. "Baka nailagay ko sa bag mo, Hakob."

"Wala diyan."

"Sa'yo, Jepoy?"

"Wala, brader."

Napatango ako. So, we have Hakob and Jepoy in the room. I'm guessing, mga kaklase niya 'yon. I'm also guessing, hindi marunong magpakilala ng tao si Ivan De Vera.

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon