Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 04: Pretty troubles

38.3K 1.8K 556
                                    


***

3rd year BS Mechanical Engineering
College of Engineering, STU
Tuesday

I was tiptoeing when I reached Room 515. Bahagyang nakaawang ang pinto no'n pero hindi ako sigurado kung may tao.

1:30 P.M. pa lang. Sa loob ng nagdaang tatlong buwan, may klase ako kay Sir Cunanan tuwing Martes at Huwebes ng ganitong oras. But starting today until the semester ends, libre na 'ko. I made arrangements with people I know and dropped his class.

Nakiramdam ako bago dahan-dahang itulak pabukas ang pinto. Wala naman siguro si Ivan sa kuwarto, 'no? Based on our encounters, tuwing Huwebes after lunch siya natutulog dito. Tuwing Biyernes naman after lunch ay long break niya.

But I have to be sure first.

I tiptoed silently to the long tables. Nasilip ko na bago tuluyang makita na bakante ang espasyo.

Nakahinga ako nang maluwag.

Okay lang naman sigurong makihiram ng hideout sa kanya. Wala na 'kong klase pero hindi ako puwedeng makita ng mga kaklase ko na nakatambay sa library o sa function hall namin. Maku-curious sila at magtatanong sa subject na dapat ay tinatapos ko. I don't want answering to curiosities. Ayoko rin namang umuwi dahil walang gagawin sa bahay. Wala ring tao bukod kay Yaya.

I could make better use of my time with the school's wifi. May interesting channels na pinanonooran si Ivan ng mga Engineering at Automotive videos. And of course, today, I brought my own laptop.

Ibinaba ko sa sahig ang shoulder bag ko bago sumalampak ng upo. Good thing, hindi maalikabok ang sahig. I adjusted my slacks and took off my shoes. Then, I took my laptop out of my bag, connected to the school's wifi, and browsed for interesting videos. Sasandali lang ay may earphones na ako sa tainga at nanonood ng video tungkol sa car engine. Nakalatag sa malapit ang plastic ng gummy worms ko.

I was clicking on my second video when a familiar presence filled the room. Tumingala ako kay Ivan na nakatayo sa tagiliran ko, sukbit ang backpack niya. He was wearing a white shirt instead of his uniform. 

"Nandito ka," aniya.

Tinanggal ko ang earphones ko at minadali ang pagnguya sa gummy worms sa bibig ko. Tapos, kumaway ako nang maliit. "Hello. Nandito ka rin."

Bumaba ang mata niya sa sahig na kinauupuan ko.

"Sorry, my bad. My things are in the way," sabi ko. Aayusin ko sana ang mga gamit ko pero kumumpas lang siya para i-dismiss ako.

"Hindi 'yon. Malamig ang sahig," aniya.

"Oh. Yeah. The floor's... uh, a little cold."

"Nandito lang sa kuwarto 'yong picnic mat. Sandali," aniya.

I watched him walked to the display case at the south of the room. Mula sa likod niyon ay kinuha niya ang nakarolyong panapin.

"Mas komportable 'pag may mat," sabi pa niya. "Tayo ka muna."

Inilipat ko sandali as naroong mesa ang mga gamit ko at pinabayaan siyang ilatag ang picnic mat sa espasyong ginagamit namin.

"Tara, upo."

Bumalik ako sa pagkakapuwesto ko sa sahig na nilatagan niya. Mas komportable na. Naglaan ako ng espasyong uupuan din niya.

He sat easily beside me. Isinandal niya lang ang backpack niya sa display case bago kunin do'n ang laptop niya. He easily set-up his laptop and took out his earphones.

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon