HBNE 2.3

1.5K 68 17
                                    




Tulalang nakatingin sa pagkain si Nicole. Hindi pa rin nag-sisink in sa kanya ang eksena kagabi. Talaga bang sinabi sa kanya ni Xavier iyon? Talaga bang si Xavier iyon?

Anong kabobohan ang nasa isip mo, Nicole? Kitang kita na nga ng dalawa mong mga mata, eh.

Pero hindi pa rin siya makapaniwala. Paano nalaman ni Xavier na nandito siya?

"Hoy, lalamig 'yang pagkain mo," her brother.

Napatingin siya dito at sunod sunod na tumango na parang tanga.

Kumunot ang noo ng kapatid niya. "Baliw kana ba? Dalian mo, diyan. Para kang tangang tango ng tango. May nangyari ba?"

Mabilis siyang umiling, at sumubo ng pagkain. Bakit ba parang apektado siya sa nangyayari? Kung ano man ang dapat niyang gawin ngayon, dapat ang kalimutan si Xavier. 'Yon lang ang tanging paraan na dapat noon palang, ginawa na niya.

Lumapit si Noline sa kanya, bago pinanliitan ng mata.

"May nangyari, 'no?" muli nitong tanong.

Napatigil siyasa pag kain, bago muling umiling. Ilang beses na syang umiiling at tumatango, ha? Hindi ba alam ng mga kapatid niya na nahihilo na siya sa kakatanong ng mga ito?

Pwede naman kasing mag-salita, bruha.

"Wala?" muli itong bumaling sa kanya. "Sa kinikilos mo ngayon, halatang meron," ngumisi ito.

Hindi niya nalang pinansin ang kapatid, at nag-simula muling kumain.

Nang matapos ang umagahan, siya na ang nag-ayos sa hapag, tinutulungan naman siya ni Noline sa kanyang ginagawa.

"Sigurado namang nakita mo na 'yong bagong lipat sa tapat natin, ano? Kilala mo ba siya? Grabe kasi kung makatingin sa apartment natin..."

Napatigil siya. Nagdadalawang isip kung sasagutin niya ba ang katanungan nito. Ang lalaki talagang 'yon! Hindi niya naman kailangan ipakita na tumitingin siya sa apartment nila!

"Hmm. Unang kita ko palang sa kanya, type ko na siya," tumingin si Noline sa kanya. "Sa tingin mo, bagay kami?"

Napako siya sa kinatatayuan. Ano bang katangahan na tanong na 'yon? Malamang, hindi sila bagay. Tao sila. Tss.

"Ewan," tanging sabi niya ng hindi ito tinitignan.

"Not interested, eh?" pang-aasar nito.

Bakit naman ako magiging interesado sa mga walang kwentang bagay? Sabi nito sa isip.

Bahagyang tumawa ang kapatid. "Siguro kung liligawan niya ako, hindi ko na papatagalin pa. Oh, hindi kaya, ako nalang ang manliligaw sa kanya..."

Uminit ang dugo ni Nicole sa narinig. Kinuha ni Nicole ang plato na dapat na kanyang huhugasan, pero ibinigay niya ito kay Noline.

"Kaysa mag day dream ka diyan, mag-hugas ka nalang plato!" asa naman siya na magiging sila, 'no!

Hindi naman sa nag-seselos sya... basa naiinis lang siya. Bakit siya nag-kagusto sa lalaking 'yon? Ang dami dami pa namang iba diyan!

Hindi talaga?

GROUPCHAT
UNKNOWN ALIENS

9:03 AM

Nicolette:
Sigurado ba kayong nasa states siya?

France:
'Yon ang sabi ng iba.

Leila:
Teka nga,
bakit parang panay ang tanong mo sa lalaking 'yon? May problema ba?

Nicolette:
Wala.

Kahit na malaki.

Humarap s'ya sa salamin at ginulo ang sariling buhok.

Nakakaasar! Ang taong dapat matagal na niyang kinalimutan, mas lalo niya lang naiisip! Bakit ganito? Ang unfair talaga ng mundo!

Sinusubukan niyang tanggalin ito sa isip, pero mas lalo niya lang naaalala. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan. Ano na ang gagawin ko?

His ReaderWhere stories live. Discover now