HBNE 2.5

1.4K 81 21
                                    




Nakabusangot si Nicole habang inaayos ang kanilang hapag. Nag-hahanda ng kanilang hapunan. Hindi niya alam kung bakit naging ganito siya. Feeling niya, may kulang. Hindi niya lang malaman kung ano iyon.

Ilang beses na siyang bumubuntong hininga. Kanina pa rin nakatingin si Noline sa kanya, na para bang may ginawa nanaman siyang mali.

Ngumisi ito at napailing. Kumunot naman ang noo niya sa inasta nito.

Nang matapos ang kanyang Kuya sa ginagawa, umupo na ito sa hapag para sabay sabay na silang kumain.

Ilang segundo niya muna tinitigan ang kanyang pagkain bago ito agad ubusin. Pagkatapos, bigla nalang ito tumayo at dali daling tumungo sa kanyang kwarto.

"Hoy, babae! Saan ka pupunta!?" sigaw ng kanyang Kuya.

Hindi niya ito pinakinggan, sa halip nagpatuloy lang ito sa pagtakbo.

"Hayaan mo muna siya, Kuya," rinig niyang sambit ni Noline.

Tumungo siya sa kanyang damitan, at kumuha ng jeans at plain t-shirt. Sinuot niya rin ang kanyang hoodie at mask.

Wala na syang pakialam kung ano pa ang mangyari ngayong gabi. Basta, ang importante, makapunta siya sa gig ngayon. Saglit lang naman siya, aalis din agad siya after one or two songs!

GROUPCHAT
UNKNOWN ALIENS

5:04 PM

Nicolette:
I'm going.

France:
What?
Where?

Nicolette:
To gig.

Leila:
What??????

France:
Are you crazy, girl?

Leila:
Hindi mo alam ang mangyayari pag pumunta ka pa doon, Nicole. Kaya kung ano pa ang pinaplano mo ngayon, wag ka ng tumuloy!

Nicoleid:
May masasakyan naman siguro, ano?

France:
Meron
WAIT
TAENA TUTULOY KA TALAGA?

Nicoleid:
Okay,
Thanks! :D
Gtg!

Leila:
She's crazy.

France:
I agree.

Hindi pa nag-uumpisa ang Black Troubled, sobrang ingay na sa crowd. Hindi naman karamihan ang tao, dahil ang karamihan ay nag-babakasyon. Nasa pinakadulo ito pero kitang kita niya ang stage, kung saan mag-peperform ang BT.

Ngunit hindi niya aasahan ang sobra pa sa ingay kanina.

Halos wala na siya marinig kundi ang mga tilian, at sigaw ng mga babae sa crowd. Kung pu-pwede nga lang siyang umatras. Kaso mahihirapan siya, kung aatras pa siya.

Nakahood at naka mask si Nicole, nasisiguradong walang makakakilala sa kanya sa suot niya.

"Good evening..." pag-uumpisa ni Duke.

Napuno ng sigawan ang buong Crowd. Habang inaayos ni Xavier ang kanyang Mic, nag-salita naman si Lucky.

"Thanks for coming for tonight! Please enjoy!"

Inilibot ni Xavier ang paningin niya sa buong crowd. Yumuko siya ng malapit sa kanya ang direksyon ng pagtingin. Mabuti nalang at pagbalik niya ng tingin sa stage, hindi na ito nakatingin.

Pero napansin niya ang pag-ngisi nito sa malaking screen. Kumunot ang kanyang noo.

Tinawag niya si Lucky at binulungan ito. Ka-agad namang tumango si Lucky sa kanya, at ka-agad nag-salita.

His ReaderWhere stories live. Discover now