Simula

48 1 0
                                    

Ang kwento na aking ilalahad sa inyo ay walang bahid ng katotohanan, tanging kathang isip lamang.

Don't expect too much. I write but perfection is not with me. Welcome!

***


Hinawi ko ang mga maliliit na sanga na syang humaharang saaking dinadaanan. Napadaing ako sa sakit ng nakaapak ako ng isang maliit na tinik galing sa isang halaman. Inilibot ko ang aking paningin at tiningnan ng mabuti ang kapaligaran at nakumpirma ko ang isang bagay na kanina pa naglalaro sa saaking isipan.


Naliligaw ako.


Oo, dahil sa gusto kong maging malaya mula sa mga taong walang ibang ginawa kundi pagmasdan ako. Anak ako ng bagong Mayor ng barangay Guruma. Kaya't nandito ako ngayon dahil sa mga taong nakapaligid saaming bahay na ang tanging ginawa ay ang pag interview saaking Daddy at ang pagtatanong ng mga bagay bagay tungkol sa business saaking Mommy.

Ibinalik ko ang aking paningin sa saaking maliit na sugat na parang libu-libong kutsilyo ang nakasaksak. Kung anong kinaliit ng sugat ay sya pang ikinalaki na sakit na idinulot saakin. Lumuhod ako tsaka inalis ang aking tsinelas glaing saking paa. Hinilot-hilot ko muna ng maibsan ang sakit. Pinitas ko ang dahon tsaka lumapit sa ilog saka ito hinugasan, piniga ko na rin saka ko inipon saaking palad ang katas nito. Minsan ko na tong nabasa sa mga librong pinipilit ni mommy na basahin ko. May silbe rin pala.

Dahan dahan kong inilagay ito saaking sugat, napapikit ako ng mariin dahil sa sakit na dinulot nito. Kalma lang Samuel...

Pero bigla akong napamulat dahil sa ibang pakiramdam. Ang tingin ko'y dumapo sa malaking bato saaking likod di gaano malayo mula saaking kinauupuan. Ewan ko ba't pakiramdam ko'y may nakamasid saakin. Nagkibit balikat ako, sigurado naman kasi akong walang tao ito. Kitang kita ng dalawang mata ko, isa itong tagong lugar. Sinong tao ang titira dito? Siguro Engkanto.

Umupo ako dahil sa pagmamanhid na aking naradaman. Dahil na rin sa pagod sa paglalakbay ko kanina. 

Para sa isang siyam na taong gulang , normal na rin siguro ang mapagod kahit medyo hindi kalayuan ang aking linakad.

"Aray..." daing ko saka napahawak sa bandang likuran. Masakit.

Dali dali akong lumingon nang sa ganon ay mahuli ko ang sino mang tumapon saakin ng maliit na bato. Pero nabigo ako dahil ni anino ay wala akong matagpuan.

Takot kaagad ang yumakap saakin, napakamatakutin kong batang lalaki at hindi ko rin alam kung bakit.

Ang kaninang senaryong tintalikuran ko ay pinasya kong harapin. Babantayan ko na lang kung sino man ang nag-bato sakin, siguro isa naman sa mga tagapag-lingkod ng daddy ko. 

"Hanggang dito pa naman, pinasundan ako." Kaya siguro iba yung pakiramdam ko habang naglalakad parang may nakatingin kasi saakin.

Ito rin mismo ang dahilan kung bakit ako tumakas, dahil pakiramdam ko palaging may nakamasid saakin na parang camera. Bantay ang bawat galaw ko. Ngunit ngayon lang ako natakot ng ganito.

Pero hindi, dapat akong lumaban.

Yan ang tinuro saakin ni Yaya Meling na galing pa sa Iloilo na pinatay dahil sa pinagkamalan siyang aswang.

Nakakatawa kung paano biglang magbago ang mga isip ng tao nang dahil sa tsismis na pinakalat lang. Pinaalis kaagad si Yaya Meling bilang yaya ko nung ako'y limang taong gulang pa lang. Naniwala kaagad si Mommy kaya pinalayas niya ito ng walang dalang pera sa pamilya nya. 

Two Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon