Kabanata 6
Patakbo kong tinungo ang gym. Mula dito kitang kita ko kung gaano karami ang mga estudyante na nagtipon tipon dahil sa biglaang pagtawag saaming lahat. Meron ring mga estudyante na pareho ko na bagong dating lang. Pero nalipat ang atensyon ko sa isang kamay na winawagayway panigurado kay Mariz yan.
"Del dito!" sigaw niya kaya naman ang ibang estudyante ang napatingin sakanya. Palihim naman akong tumawa sa reaksyon niya nang sa huli nakita niya kung gaano na nakakahiya ang kanyang inasta.
I wave back at her then smile. She is always like this. Energetic,bubbly, and funny person. That's why she is my first friend here. When i was in elementary i didn't dare to be friends with others. Wala naman akong pakelam kung may kaibigan man o wala.
Dati ang ibig sabihin ng kaibigan saakin ay kasama sa recess, kasama pag uwian, kasama sa katarantaduhan, kasama sa kopyahan. Lahat ng nakakahiya na bagay kasama mo. Sa lahat ng masasayang alaala nandiyan sila.
Pero hindi yan ang tunay na eksplenasyon ng pagkakaibigan. Nung tumungtong ako sa highschool 2nd year. Doon ko pa naramdaman na sobrang nakakalungkot kung wala ka palang kaibigan at doon ko rin nakilala si Mariz. Kaka-transfer niya lang nung time na yun. Kaya nakipagkaibigan siya saakin, i gladly welcome her.
Nung tumagal ay nakasanayan ko na rin ang amoy nito. Nakakatukso, Oo. Pero para sa kaibigan ko iwawalang bisa ko to.
Magkasama kami nang namatay ang kanyang ina dahil na rin sa matanda ito. Kadalasan rin kaming nag ka-cutting classes para lang makabisita sa ospital at macheck kung okay lang ang kanyang ina. Nandiyan rin ako nung umiyak siya nung burol ng ina niya. Binilin rin siya saakin ni Tita. Na wag na wag ko siyang pababayaan at iiwan gaya ng ginawa niya.
I cried with her. For her. Nalulungkot ako sobra para sakanya. Ako lang ang kasama niya nung ilang gabi siya hindi kumakain,natutulog. Kahit ako hindi ko siya mapakain. Pero one time umiyak ako dun siya kumain.
Napangiti ako sa biglang pagbalik ng memories naming dalawa. Hindi ko ata makakaya na mawala siya. Isa siya sa naging parte ng buhay ko.
Tumakbo na ako patungo sakanya at pumwesto sa likuran niya. Nakita ko pa nga kung paano niya tinaboy ang nakapwesto sa likod niya. Walang hiya talaga.
"Ano ka ba Mariz! Pwede naman ako dun sa likod eh." Reklamo ko dito sabay hampas sa kaniyang braso. Mahina lang naman.
"So ano? Wala akong ka-Tsikahan dito? Kanina pa kasi kita hinahanap. Nung break time natagalan ako kakahanap sayo. Hindi ka naman kumain. Huhulaan ko na lang kung anong kinain mo. Edi tinapay!" Mahabang lintanya niya habang tumataas taas pa ang kanyang kanang kamay inaaksyonan ang bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig.
"Ang ingay mo. Correction sandwich yun!" I told her and then laugh. Nakita ko namang sumimangot siya. Pikon talaga. Tumawa na lang ako at inilipat ang tingin sa stage kung saan may dalawang matanda na nakikipagkamayan sa mga teachers at principal namin.
Demonteverde's
Sila lang naman ang sponsor ng paaralan namin. Ang laki laki nito halos kalahati ng ginastos sila mismo ang nagbayad. Yan ang balita ko kay Mariz. Si Mariz na namumuno sa mga ganitong bagay.
"Nasaan na ba kasi si Tom baby ko? Hindi ko na siya makita ah." Narinig kong sinabi ni Mariz. May crush kasi siya kay Ethan Tom Aiden. Isa sa mga kasama ng mga Demonteverde sa kanilang business. Yung mga sapatos?
"Ang landi mo masyado..." She even glared at me. What the fuck is wrong?
"Nakakasakit ka te." She even pouted her lips then act like a baby. Mariz talaga.
BINABASA MO ANG
Two Different Worlds
ActionIisang mundo na hinati ng paniniwala, Diyos, Mga bagay na dapat gawin at ang sya namang hindi. Galing sa dalawang magkaibang relihiyon. Iba't iba ang takbo ng utak ngunit iisa lamang ang minimithi na makamit. Kalayaan. Posible kayang magkita ang dal...