Kabanata 3

22 0 0
                                    

Kabanata 3


Kinakabahan ako. 

Yan ang tamang salita na talagang nagsasabi kung anong nararamdaman. Obviously they hate us. Sino namang tanga ang hindi magagalit saamin?

Base sa natunghayan ko, Nabiktima ata ang kapatid ni John ng kalahi namin. 

"John... Please umalis na tayo. Hmm?" Nahimigan ko ang paglalambing ng babaeng may mahabang buhok saka kumapit sa bewang ni John at inamoy-amoy ito. 

Oo, ngayon kaya magharutan. Kapalit niyan buhay niyo.

Natutukso na rin ako sa mga amoy nila. Pero tinuruan na rin ako ni papa kung anong dapat gawin para makaiwas sa amoy nila. Wag masyadong lumapit. Yun. Kaya bumigay ako ng medyo malaki na distansya sa kanila. Saka ako nagsalita.

"Kung gusto niyong mabuhay...Sundan niyo ako." I said full of authority. Hindi ko na sila nilingon. Tinahak ko na ang daan kung saan maraming kahoy. My father is the reason why this trees look the same. Simula ng bata kasi ako ito na yung nakasanayan niyang gawin. Umakyat sa tuktok nito saka puputulin yung mga sobrang sanga para magkapareho ang mga itsura ng puno.

Malayo layo ako sa kanila pero rinig na rinig ko ang kanilang pag-aaway. Ito na rin ang aming kakayahan. Ang makarinig at makaamoy ng kalaban at kalahi kahit malayo. Minor power we call.

"Tama ba tong dinadaanan natin?" Napaikot ang sariling mga mata ko. 

"Kung wala kang tiwala, You are free to go on a different path by yourself." I told her. Kaya natahimik siya. Well maarte siya, panay ang kamot niya pag may natatamaang mga dahon sa paa. Ang arte. 

May naramadaman akong tumabi saakin, tiningnan ko kung sino yun. Nang nakita ko, siya nga. 

"Sumunod ka pala?" I asked full of sarcasm. Saka ko siya tiningnan na parang nagtataka akong nandito siya. Iling lang ang sagot niya saakon. Moody. Akala mo babae eh. 

"Malayo pa ba tayo Joana?" Tanong bigla ni Tom. Siya yung lalaking may tattoo narinig ko kasing tinawag nilang Tom ito eh. Lumingon ako sa kanya.

"Malayo pa sa iniisip mo." Yeah. Totoo yun. Inuuna pa kasi yung pag-aaway eh. 

"Kung hindi natin bibilisan maabotan tayo nila." I said out of nowhere. Bigla akong tiningnan ni John.

"Paano mo nalaman?" Para akong tinamaan sa tanong niya. Sana hindi ko na lang sinabi yun.

"Tahanan ko tong gubat na to. Alam ko kung anong galaw ng nakatira dito." There i said it. Mabuti hindi na siya nagtanong ulit. Ipapahamak ko pa ata ang sarili ko dito. 

"Siguro makakatulong to pag naabutan tayo." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Zoe. 

Para akong napako sa kinatatayuan.  Tiningnan ko ang hawak niya. Asin! Oh shit. Sinasabi ko na nga eh. Sana hindi ko na lang sila tinulungan. 

Binabawi ko na yung huling sinalita ko.

"Mas mabuti kung itatago mo yan at ipagpapatuloy natin ang paglalakad. Bilis." I command. I drifted my stares at John. Ang tingin na binibigay niya saakin ay puno ng pagdududa. Hindi ako naging misteryeso please. Don't Doubt. Para sa ikabubuti niyo.

"Wag mong itago Zoe. Kailangan natin yan." John said with a firm voice.

Kailangan niyo yan. Pero pahamak para saakin yan.

Damn Humans.

"Can we just please hurry up!?" Narinig ko naman kaagad yung maarteng boses ni Jasmine. 

Two Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon