Kabanata 4

8 0 0
                                    

Kabanata 4

Hawak hawak  ngayon ni John ang ka may ko at malalim itong nakatitig saakin. Ngumiti ako dito sa kabila ng sakit ng nararamdaman ko.

Hinila ko pataas ang blusa ko at tiningnan ang peklat ko. Napabuntong hininga ako ng nakita ko ang peklat na iyon. Naiyak talaga ako ng naramdaman ko ang sakit na yun. Ngayon  lang talaga nakaramdan ng ganong klaseng sakit. Inaalagan ako ng mabuti ni papa at mama. Ni minsan hindi ako nakaramdan ng ganong klaseng sakit.

Inalis ko ang mga luha saaking pisnge at tiningnan si Jasmine sa hospital bed. Napangiti ako sa kabila ng lahat na nangyari. Mabuti at walang nasugatan sa kanila.

"Salamat Joana. Paniguradong hindi na kami humihinga ngayon kung wala ka." ngiti lang ang sinagot ko kay Zoe.

"Walang anuman Zoe..... Kahit sino naman ililigtas kayo." I smiled at her then pat her shoulder. Umiiyak na siya that's when I decided to give her a hug. I can't feel anything except happiness. Hunger is not an option right now. Why am I doing this to strangers.

Pero nawala ang kasiyahan na yun nga natandaan ko sina papa at mama. Napalaking problema nanaman ang ipinasok ko. Bakit ganito pa kasi ang kailangan mangyari kung sana'y hindi ako nakita ni morine wala along proproblemahin ngayon.

Kahit ramdam na ramdam ko ang sakit, pinilit ko pa ring bumangon at sinikap na harapin sila ngunit hawak hawak pa rin ang gilid ng bewang ko.

"Teka! Aalis ka na? Ipapagamot muna natin ang sugat mo." Nag-aalalang umalalay sakin si Tom saka hinawakan ang bewang ko. Inalis ko ang kamay niya't hinarap siya. Silang lahat.

"Pasensya na at hindi ko na mahihintay na magising si Jasmine. Sa  tingin ko'y hinahanap na ako ni Papa." Mahabang sinabi ko sakanila. Napatingin ako kay John na ngayon ay tinitingnan ako. Alam kong may naglalaro sakanyang isipan. Pinapapili siya kung anong  paniniwalaan niya. Nginitian ko siya saka inilahad ang kanang kamay sakanya.

"Sa tingin ko ito na ang huli nating pagkikita. Sobrang nagpapasalamat rin ako dahil tinulungan niyo ako Kahit pwede naman kayong tumakbo." Tumawa pa ako ng nasabi ko ang huling salita na iyon.

"Hinding hindi ko kayo makakalimutan.... Iniligatas niyo ako----"

"You also saved our ass from shits. We want to thank you. Can we meet in the future and get a long---" Pinutol ko na ang gustong sabihin ni Joseph. Pinipigilan ko na rin ang mga luha long nagbabadyang tumulo. Please don't fall.

"Sana hindi na tayo magkita sa hinaharap. At kung Sana.... Kalimutan niyo na lang na meron kayong nakasamang Joana. Ayaw ko rin sanang kumalat na naging kasama niyo ako nung mga oras na yun."

"Yun ang huli kong ihihiling sainyo." Tinalikuran ko na sila at naglakad palayo. Pero ng akma ko nang bubuksan ang pinto at May isang kamay na huminto saakin na gain yun.

"John..." bulong ko

"Paano namin kakalimutan ang taong nagligtas saamin? Your wish is very hard to command Joana. We want to thank you and thank you even more in the future. Yun lang naman ang gusto naming---"

"Pero buhay ko ang kapalit dito! Buhay naming lahat! Ng pamilya ko.... Sana naman sa ganitong paraan niyo ako pasalamatan. Aalis na ako." hindi ko na pinatagal at nagpasya akong umalis na. Huminga ako ng malalim saka sumakay sa isang bus. Medyo malayo layo pa ito saaming bayan kaya dito ako sasakay. Napatawa ako ng mapait ng maalala ang mga ginawa naming anim sa gubat. Masaya silang kasama at kung Sana may pagkakataon akong makasama silang lahat ay ikinagagalak ko. Pero buhay ng minamahal ko ang kapalit kalaban ang kaligayahan ko.

Alam kong walang permanente sa mundo. Mga alaala lamang ang mabubuhay dito hanggang sa mabura kami sa mundo. Pero Sana wag ngayon kailangan na kailangan ko nang kakampi.... Pamilya.

Ma, Pa mahal na mahal ko kayo.


Nang nakarating ako nakita ko si papa ng nakahawak sa noo niya bahagyang minamasahe yun. Huminga ako ng malalim saka Ngumiti nang pumasok. Dali dali kong niyakap ng mahigpit si papa. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't humikbi ako. Naramdaman Kong niyakap ako pabalik ni papa.

"Pa.... Mahal na mahal ko kayo." panay ang taas baba ng palad ni papa sa likod ko bumilis ito ng bigla bigla. Nagtaka ako kaya hinarap ko siya.

Nahinto ang pintig ng puso ko. "Papaaaaaaa!" napuno ng sigaw ko ang silid namin nagulat ako ng nakita ko na may kutsilyo na hawak si papa. Yun ang tinataas baba niya saaking likod. May tumutulo sa likod ko. Kinapa kapa ko yun at nanlaki ang mata ko ng nakakita ako ng dugo.

Napatingin ako kay papa. Hawak hawak niya ang kutsilyo at kinukuskos yun sa ka yang braso.

"Pa? Papa... Wag ka naman ganyan. PAPAAAA!" Sumigaw ako ng napakalakas ng nakita Kong tumaktakbo saaking direksyon si papa nakatutok saakin ang kutsilyo.

Pinikit ko ng mariin ang aking mata.

And I started saying

"Panaginip lang to.  Panaginip lang to.
Panaginip lang to. Panaginip lang to.
Panaginip lang to."

Ilang sandali ang lumipas at biglang tumahimik kaya't dahan dahan Kong minulat ang aking mga mata.

Isa...

Dalawa...

"Mamatay ang kayong lahat!" kaagad akong napatakip saaking tenga pero kitang kita ko pa rin si Morine na nakagapos gamit ang isang metal ng pumupula. Nasusunog siya. Marami siang sugat. Ang mga luha niya'y nagging dugo.

"Morine?" Lalapitan ko na Sana siya ng nakaramdan ako ng bagay na humawak saaking braso.

"AAAAAAHHHHHHHH!" agad inilibot ang paningin sa paligid. Nasa kwarto ako. Napatingin ako sa mga kamay na nakahawak sakin.

Si mama at papa.

Agad akong napaiyak. Morine? Ano bang kasalanan namin sayo? Pabayaan mo na kami please?

"Anak? Shhh. Nanaginip ka lang. Nanaginip ka lang. Wag kang mag alala. Nandito lang kami ni papa mo."

"Mahal na mahal ka namin" 

At tuluyan na akong napaiyak ng malakas.


A/N: So yun! Walang update yung walang kwentang author niyo. Short update yan. Alam niyo kung bakit? Walang readers eh. Charot anong oras na kaya? Tsaka tinatamad ako. De joke. It's 12:32 like duh. Ayokong pumangit lalo kaya magtiis kayo. Pinilit kasi akong mag ud. Eh sa wala akong gana. Kaya ayan!

I appreciate niyo rin to sa cellphone ako nag update eh sa mahina ako mag type sa keyboard na touchscreen ang laki kasi ng daliri🤣😂

Two Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon