Kabanata 5
Nandito kami ngayon ni Mariz sa canteen pumipili ng makakain. Nakalipas na ang limang minuto pero nakatingin lang ako sa nakahanda. Nakaramdam na ako ng gutom. Palihim kong tiningnan ang mga kaklase ko na nagkukulitan sa isang mesa habang kumakain. Pinauna ko na Rin kasi si Mariz dun eh.
Tiningnan ko ang sahig. Anong kakainin ko? Lahat naman yan may kasamang sangkap na bawal Kong kainin. Naudlot ang aking pagiisip ng biglang nagsalita ang tindera.
"Hoy! Kung wala kang bibilhin, umalis ka diyan at marami pang naghihintay." Naiinis na wika niya sakin at umikot ang mata. Tinuro ko na lang ang cheese sandwich. Okay lang kaya yan para sa aking tanghalian? Bahala na.
Kinuha ko na yung sandwich tsaka umalis sa canteen. Mamaya makita pa ni Mariz na ito ang kinakain ko papakainin pa ako ng bawal. Naranasan ko na yan mabuti nga nung mga oras na yun pinatawag ako ng biglaan ni Prof. Ang pinagtataka ko lang bakit pa nakabalik yung dating Prof. namin akala ko namatay na siya dahil Kinuha ng iba ang katawan niya. Napailing iling na lang ako kumain na lang kaya ako?
Nang nakakita ako ng isang malaking kahoy sa mini forest namin dito sa likod ng school. Kinuha ko agad yung extra blanket na dala ko. Dala dala ko naman kasi to parati at umupo na. Halos araw araw iyon ang eksena sa canteen. Kumagat ako dito at napaisip sa mga Demonteverde. Kanina nina lang binalita naman sila. Dahil sa kanilang negosyo ng sapatos na ngayon at sobrang sikat na hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Napangiti ako, akalain mo yun? Ang isang tulad ko'y nakasama ang ganyan na matataas na mga tao?
Nang na tapos ako, niligpit ko agad ang blanket tinupi yun tsaka pinasok sa bag ko. Dali dali ko tong isinukbit at patakbong umalis sa mini forest. Nagmamadali ako dahil narinig ko na yung alarm namin para sa susunod na subject. Habang naglalakad napahinto ako bigla ng may malakas na hangin ang dumaan mismo sa aking gilid. Agad ko itong tiningnan pero sa hinding inaasahan na pagkakataon isang pamilyar na tao ang ngayon na hawak sa leeg at May kutsilyo na nakatutok dito.
"Ma...." bulong ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit? Kagabi halos hindi ako makatulog dahil sa mga pinapakitang ilusyon saakin ni Morine. Iba ang pakiramdan ko dito.
Hindi ma wala wala saaking isipan kung paano ako sinigawan ni Morine Habang nakagapos siya. Bakit to nangyayari?
"Natatakot ka ba?" Lumipat ang atensyon ko kay mama na ngayon kung umasta ay parang hindi siya. Patago Kong inalis ang luha saaking mata. Hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko.
Sigurado ako.
Si Morine ang may pakana nito.
I pursed my lips and smiled at her. To my acting mom.
"Alam Kong hindi si mama yan..." I gathered all of my guts to answer her. Morine.
"Oh? Really? Itatanong ko ba saakin kung nasaan si mama mo?" Agad na dumapo saaking sistema ang pagkatakot. Hindi.... Wag si mama.
"Para sa ano? Alam ko kung asan si Mama?" I said like I'm a sort of superwoman.
"Because you care for her. That's a sure thing Deliah. Kaya kung ako sayo tulungan ko akong hanapin ang limang tao na NILIGTAS MO." Tiningnan ko lamang siya na parang isa siyang nawawalang tuta. Poor Morine.
"Bakit pinarusahan ka?" I even laughed at her
" And that's because of you." dugtong niya sa sinabi ko habang kagat kagat ang labi nagpipigil sa maaring magawa.
"Wala akong pakealam sayo." Didiretso na sana ako upang ituloy ang paglalakad paalis sakanya. Morine... Hinding hindi mo na ako mauuto. Hindi na... Pero sa kabila ng lahat na pwersa na binigay ko upang maalis ang kamay nyang nakabalot saaking braso upang matigil ang aking paglalakad.
"Eh sa mama mo? Alam kong meron Deliah. Hindi mo ako maloloko kung gusto mo pang makita ang mama mo. Pumunta ka sa abandonadong gusali malapit doon sa gubat. Kung gusto mo pa siyang makita...." Nabitin sa ere ang huli niya sanang sasabahin ng bigla kong narinig ang tinig ni Mariz. Tiningnan ko siya na ngayon patakbong tumutungo saakin, hinihingal.
"Ano ba Del! Kanina pa kita hinahanap. Pinapatawag tayong lahat. Bahala ka diyan!" Mukhang napikon na ata pagkasabi na pagkasabi niya nun umalis siya at iniwan ako. Napangiti pa rin ako. Nag-aalala talaga saakin si Mariz.
Pero.....
Paano kung malaman niyang.. Hindi ako tao?
Agad akong umiling sa mga iniisip ko.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Morine pero hindi ko na siya nakita. Naiinis ako dahil sa kabila ng lahat na pagbabanta niya hindi ko siya kayang saktan. Kaya ko siyang saktan! Oo! Pero di ko matatanggap ang manakit ng iba.
"Deliah...Tulungan mo ko." Naalarma ako ng narinig ko ang boses ni mama. Agad ko siyang hinanap pero hindi ko siya makita kita. Naramdaman ko na ang mga luha ko'y nagsisimulang pumatak. Shit. Agad na nanlabo ang aking paningin dahil tinatakpan to ng walang hiya kong mga luha. Tinatawag ko ba kayo? Shit.
"Ma? Mama! Nasaan ka?!" Nataranta ako ng narinig ko ang paulit ulit nitong sigaw. Nagmamakaawa siya.
"Fuck!" Napamura ako ng hindi ko man lang makita kahit anino niya.
"Fuck you Morine! Don't play with me! Duwag! Wag mong gamitin si mama! Ako ang harapin mo! Ako ang harapin mo.... Please nagmamakaawa ako." Napaluhod ako sa dahil sa pangangatog ng aking mga binti. Hindi ko makaya ang nadarama ko. Natatakot ako para kay mama at papa. Sila na lang ang meron ako.
Nagsisisi ba ako?
Hindi! Hindi dapat ako magsisi na niligtas ko ang mga tao.
Pero kung sana hindi ko yun ginawa. Hindi to lalala ng ganito.... Kasalanan ko to.
"Morine! Lumabas ka! Ugh! I fucking hate you! Stupid ugly witch!" Puno ng hinanakit na sigaw na may halong mura sakanya. Ni isa ba walang may nakakarinig saakin? Can someone help me find my mom? Shit!
"Magpakita ka mamayang Alas tres ng umaga. Kung hindi mo ako sisiputin. Asahan mo na lang na hindi na humihinga ang nanay mo pag nakita mo siya." Agad kong nakita si Morine na namumula at maraming sugat, paso, at kung ano ano pa. Pero agad akong natauhan sa sinabi niya. Si mama? Morine! I really hate you.
Takbo ako ng takbo, inaasahan na mahahabol ko pa si Morine. Pero nakarating na lang ako sa gymnasium pero walang Morine na nagpakita.
She's evil.
I'm evil.
But not as worst as she is.
BINABASA MO ANG
Two Different Worlds
AçãoIisang mundo na hinati ng paniniwala, Diyos, Mga bagay na dapat gawin at ang sya namang hindi. Galing sa dalawang magkaibang relihiyon. Iba't iba ang takbo ng utak ngunit iisa lamang ang minimithi na makamit. Kalayaan. Posible kayang magkita ang dal...