Prologue

142 2 0
                                    


"Sandali lang ate Jenny napapagod na ako katatakbo pahinga muna po tayo sandali" nahahapong sabi ni Elizabeth sa kanyang ate Jenny.

"O sige pahinga muna tayo, pagod na din ako kahahabol sa inyo" nahahapong sabi ng kanyang ate Jenny sabay upo sa damuhan.

Kanina pa sila naglalaro ng mataya-taya ng kanyang ate kasama ng kanyang mga pinsan sa loob ng kanilang bakuran dahil Sabado ngayon kaya walang pasok sa eskwela. Nasa grade 4 na si Elizabeth sa kanyang paaralang pinapasukan samantalang grade 6 naman ang kanyang ate Jenny.

"Ate Jenny iinom lang ako ng malamig na tubig sa loob ng bahay nakakapagod po kasi yung nilaro natin."paalam ni Jenny sa kanyang ate "At saka itatanong k okay nanay kung anung merienda natin" saka tumalikod papunta sa kusina.

Pagdating sa kusina uminom agad siya ng tubig pagtapos uminom ng tubig hinanap niya ang kanyang nanay sa likod bahay. Mayroon kasi silang taniman ng gulay dun baka namimitas na naman ang kanyang nanay ng kanila mauulam.

Habang naglalakad siya mapunta sa kanilang taniman ng gulay nagpalinga linga siya upang madali niyang makita ang kanyang ina. Medyo may kalakihan din kasi ang kanilang taniman ng gulay. Nang nasa pinakagitna na siya at di pa rin makita ang kanyang ina tinawag niya na ito.

"Inay? Inay asan ka po?" tawag niya sa kanyang ina habang siya ay palinga linga. Pero wala siyang narining sa sagot mula sa ina " Baka wala si nanay dito,baka nasa kwarto si nanay" bulong niya pa sa sarili saka pumihit pabalik sa loob ng bahay.

Hindi pa siya nakakalayo sa kanyang pinanggalingan ay may napansin siyang isang babaeng nakatalikod nilapitan niya ito sa pag-aakalang ito ang kanyang ina.

"Inay kanina ko pa po kayo tinatawag pero hindi po kayo sumasagot" tanong niya sa kanyang ina ng medyo malapit na siya dito "Itatanong ko po sana kung ano po ang merieda natin nga--"napahinto siya sa pagsasalita ng makitang hindi ito ang kanyang ina.

Nagmamadaling nagtatakbo siya papasok ng kanilang bahay dahil sa takot. Dahil nakita niya ang mukha ng babae napuno ng dugo at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Pagdating sa loob ng bahay nagtatakbo siya papunta sa sala at dun nakita ang kanya ina kasama ang ate Jenny niya at ang kanyang mga pinsan.

"Nanay may nakita po akong multo sa likod bahay nakakatakot po ito puno po ng dugo ang buong mukha at katawan saka nanlilisik ang mga mata" nanginginig sa takot na kwento niya sa kanyang ina sabay yakap.

"Anu ba yang pinagsasabi mu? Walang multo anak" hindi naniniwalang sabi ng kanyang nanay "Kahilig mu kasing manood ng horror movies kaya kung anu ano na-iimagine mu"

"Pero 'nay-"mangangatwiran pa sana siya ngunit ngsalita ulit ang kayang nanay.

"O siya totoo na kung totoo, umakyat na kayo ng ate Jenny my sa taas at maglinis ng katawan bago kayo magmerieda" pinal sa sabi ng kanyang ina.

Walang nagawa si Elizabeth kundi pumanhik sa kaniyang kwarto at naglinis ng katawan

*****

Ilang linggo na ang lumipas ng makita niya iyong nakakatakot na multong babae sa likod bahay, Hanggang ngayon tandang tanda pa rin niya kung gaano nakakatakot ang itsura nito. Buti nalang at hindi na ito nagpakita ulit sa kanya.

Nasa eskwelahan siya ngayon at naghahanda na para sa uwian nila. Nang lumabas ng ang kanila teacher ay saka nagmamadali na siya lumabas ng kanilang classroom dahil nag-aantay na sa kanya ang kanyang ate. Pagkarating sa ate niya ay sabay na silang naglakad pauwi kasabay ang ilang kaklase ng ate niya.

Bago makarating sa kanilang bahay ay may madadaanan muna nila ang kambal na puno ng mangga. Bago sila lumagpas dun ay may nakita siyang magandang babae na nakatingin sa kanila. Kinalabit niya ang ate niya  para makita din nito ang magandang babaeng nakikita niya.

"Ate nakita mu ba yung magandang ale dun sa may malapit sa puno?"tanung niya sa ate niya ng pansinin siya nito.

Nilingon muna  ng ate niya ang puno kung san ko itinuro yung magandang babaeng nakikita ko saka nagtatakang lumingon sakin si ate at nagtanong "Saang babae? Wala naman akong nakikitang magandang babae  bunso e"

Nilingon ko ulit ang puno at nakita ko ulit yung babae pero ang pinagtataka ko di siya nakikita ni ate anu yun imagination ko lang yung magandang ale?

"Ay wala nga" kunwari nagkamali lng ako ng nakita "Guni-guni ko lng siguro yun ate gutom na kasi ako e"

Mula noon lagi na akong may nakikita o di kaya makararamdam ako ng may malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Hindi ko nlng 'to pinapansin.

Mabilis na lumipas ang araw, buwan at taon na ganun ang nangyayari may nkikita ako at nraramdaman pero hindi ko nalang pinapansin. Pagtungtong ko ng kolehiyo kusang tumigil ang mga nagpaparamdam at nagpapakita sakin ng mga ligaw na  kaluluwa, kaya naisip ko n baka nga dala lang ng kanyang kabataan kung kaya't kung ano-anung imahenasyon ang nakikita ko.

Dahil nasa koliheyo na ako itinutok ko na lang sa akin pag-aaral ang buong atensyon ko para makatapos...

****

To be continued.....

I hope you like my story.

**Lilmalditah 25** 

My Creepy ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon