Chapter 1

96 1 0
                                    


Chapter 1

Kakagagraduate niya pa lang ng kolehiyo ng naraang taon at may trabaho na agad nag-aantay sa kanya. Isang taon na siyang empleyado sa kompaya ng branded na pantalon bilang office clerk ng ipatawag siya ng kanya boss.

"Good afternoon Ma'am Anette"magalang na bati niya sa kanyang boss.

"Ms.Dela Torre pinatawag kita dahil gusto ko sana sabihin sayo na sa Maynila ka na naming ipadadala para maassign dun"sabi ng aking boss.

"Pero Ma'am bakit po ako?"naguguluhang tanung ko naman.

"Ikaw ang pinakamagaling kong empleyado dito sa kompanya kaya ikaw ang ipadadala ko dun sa main natin."sabi pa ni boss "At nangangailangan ang main ng HR dun"

"Pero Ma'am di naman po ako sa HR Department nakaassign?"pangangatwiran ko pa

"Oo alam kung di ka sa HR nakaassign as I told you earlier ikaw ang pinakamagaling kong empleyado, Sa isang taon mo dito na patunayan mo'ng karapat-dapat kang mapromote bilang HR"puri pa ng aking boss sakin.

Dahil sa pagkabigla di ako agad nakapagsalita kaya nag patuloy sa pagsasalita si boss.

"At dahil nangangailang ang ating kompanya sa main ikaw ang aking ipadadala dun kung ayos lang sa'yo Ms.Dela Torre"

"Okay lang naman po sakin yun ma'am ang pinuproblema ko lang po wala po akong matutuluyan dun wala po kasi akong kamag-anak dun"pangangatwiran ko pa dahil totoo naman wala ako kakilala dun.

"Walang problema dun ang kompanya ang magbabayad sa apartment na tutuluyan mo,Ikaw na lang ang bahalang humanap ng apartment na tutuluyan mo na malapit lang sa opisina."nakangiting sabi ni boss sakin.

"Ma'am kalian po ako lilipat sa Maynila?"tanung ko kay boss tutal wala na din naman akong magagawa kahit kumontra pa ako after all siya pa rin ang boss ko.

"As soon as possible. Congratulation Ms.Dela Torre isa ka na sa HR department" tumayo si boss at nakipagkamay sa akin "Kaya ngayon magpaalam ka na sa mga magulang mu at pagready ka na ay pwede ka ng magreport sa Maynila."

"Thank you po Ma'am yun lang po ba ma'am pwede na po ba ako bumalik sa table ko"

"Yes Ms.Dela Torre you may go now"pagkasabing pagkasabi ni ma'am na pwde na akong bumalik tumalikod na ako agad.

Habang naglalakad pa balik ng table ko napapaisip ako dahil sa sinabi ng boss ko bigla akong na momblema paano kung di pumayag sila inay at itay ito ang unang pagkakataong mahihiwalay ako sa kanila. Haist sana pumayag sila saying kasi yung opportunity minsan lang ito alam ko pag na promote ay tataas kahit papano ang sahod ko pandagdag tulong din yun kanila inay.

Lumipas ang oras, pero yun pa rin ang naiisip niya kaya para hindi mamoblema itinutok nalang ni Elizabeth ang buong atensyon sa ginagawa.

******

Nang makauwi ng bahay si Elizabeth ay pumanhik agad siya sa kanyang kwarto para magbihis at maghanda para sa kanilang hapunan. Kinakabahan na lumabas na siya ng kwarto ng oras na para sa kanilang hapunan.

Excited siya dahil sasabihin niya na agad ang magandang balita tungkol sa pagkapromote niya sa trabaho at kinakabahan din dahil baka hindi magustuhan ng kanyang magulang na maassign siya sa malayo.

Pagkarating sa kusina ay kompleto na ang kanyang mga magulang at nakaupo na din ang kanyang ate sa upuan nakalaan para rito. Tahimik na umupo na rin siya sa kanyang upuan.

Habang kumakain ay pinakikiramdaman niya ang kanyang mga magulang kung maganda ba ang mood ng mga ito. Nang masigurong maganda ang mood ang mga ito ay saka siya nagsalita.

My Creepy ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon