One week na ako dito sa apartment na tinutuluyan ko. So far OK naman ako dito kahit medyo na mi-miss ko sila itay at inay dahil di pa talaga ako sanay na di sila kasama kahit lagi naman akong natawag sa kanila tulad nga ngayon tatawagan ko na naman sila para makausap sila before ako matulog.
~kring kring kring~ (phone ring )
Ilang minuto lang may sumagot na sa kabilang linya..
[Hello Eliza kumain kna ba ng hapunan ? Baka naman ngpapalipas k ng gutom jan]
"Inay wag po kayo mag-alala sakin dito on time po ako kung kumain kahit pagod ako nakain pa rin ako" natatawang sabi ko " saka inay malaki na ako kaya ko na po ang sarili ko kayo po baka nagpapakapagod po kayo jan ni itay?"
[Naku ikaw na bata na wag mu kami alalahanin ng itay mu andito naman ang ate Jenny mu para alagaan kami. Ikw ang inaalala ko ikaw lang mag-isa jan sa Maynila, Paano kung magkasakit ka sinu mag-aalaga sayo napakalayo mu pa nmn samin] nag-aalalang paalala ni inay halata sa boses na malungkot ito dahil sa malayo ako sa kanila.
"Hay inay namimiss ko na po kayo wag po kayo mag-alala pag day off ko o kaya pag nakapagleave ako dadalawin ko kayo jan"
[Naku ikaw na bata huwag na kami nalang ang luluwas jan at ipunin mu nalang ang perang ipamamasahe mu kadaluluwas na dito satin.]
"OK lang naman sakin yun inay kahit papano gusto ko po kayo bisitahin jan. Pero sa ngayon Hindi pa ako makakaluwas jan madami pa po akong trabahong tatapusin" nalulungkot na sabi ko nmn " Pero wag po kayo mag-alala lagi nalang po akong tatawag sa inyo"
[Oh siya sige malalim na ang gabi matulog ka na at baka pagod ka masyado sa trabaho mo. Basta tandaan mu lagi ang bilin ko bago kamatulog magdasal ka muna at ingatan mu ang sarili mu] yan ang laging paalala sakin ni inay kada magpapaalam na siya.
" Opo inay lagi ko akong nagdadasal at wag po kayo mag-alala sakin iingatan ko po ang sarili ko dito. Mahal ko po kayo inay pasabi din po Kay itay na mahal ko din po siya at namimiss ko na po kayo " malambing na sabi ko pa Kay inay .
[Mahal ka din namin anak. Oh siya ibababa ko na para makapagpahinga ka na basta mag- iingat ka jan] sabi pa ni inay saka paputol ang linya.
Hay si inay talaga paulit ulit hahaha makatulog na nga... Naisip ko pa na sabihin
*****
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi, pakiramdam ko may nakatitig sakin pero imposible yun ako lang mag isa sa room ko..
Napadilat ako ng mata at kinapa yung cellphone sa ilalim ng unan ko. Tiningnan ko ang oras..
" Alas dos palang ng madaling araw maaga pa matutulog pa ulit ako"sabi ko sa sarili ko.
Pero bago matulog ulit bumangon muna ako at ngtungo sa kusina para makainom ng tubig at para pumunta sa banyo..
Katatapos ko lang uminom ng tubig ng may Malamig na hangin na dumaan sa harapan ko patungo ako nun sa CR. Napatigil ako dahil ngtaasan ang balahibo ko at bigla akong kinilabutan..
Hay anu yun ?? Sabi ko sa isip ko hay wala yun wag ka matakot hangin lang yun ... Pagpapalakas ko sa sarili ko kahit ang totoo nangingining na ako.
Pagpasok ko sa banyo umihi lang ako at dali daling pumasok sa kwarto ko at ngtalukbong ng kumot.
Ilang minuto n din akong nkatalukbong pero di talaga ako makatulog pakiramdam ko may nagmamasid sakin kaya lalo akong nakaramdam ng takot. Nagdasal na lang ako God tulungan niyo po akong makatulog ulit at sana po gabayan niyo po ako palagi at ilayo niyo po ako sa mga masasamang ispirito Amen...
Pagtapos ko magdasal wala na akong nararamdamang nakamasid sakin kaya na ulit ako...
Simula ng may magparamdam sakin sa apartment na tinutuluyan ko lagi na itong nagpapardam sa akin. Ayos lang naman sa akin yun basta ba hindi sila magpapakita sa akin ay OK lang..
Sa una nagpaparamdam lang nmn sila pero lately nag-iba na. May mga time na kahit kalalagay mu lang ng gamit bigla nalang nawawala pag hinanap mu di mu makikita pero ilang araw ang lilipas at makikita mu din..
Tulad ngayon nagsusuklay ako kasi ka tatapos ko lang maligo ibinaba Ku lang sandali yung suklay nawala na agad haist ... Nasanay nalng ako sa mga nangyayari sakin dito sa apartment na ito..
****
Mabilis na lumipas ang araw at mag-iisang buwan n din ako dito kahit papano may naging kaibigan na din ako na mga nangungupahan lang din sa apartment na ito. Tulad nalang nila Mariz at Judy na magpinsang nagungupahan sa katabing pinto katabi ng akin.
Nakatambay ako ngayon sa kwartong renirentahan nilang mag pinsan nagchikahan lang kami ng kung anu anu ng maalala kung ikwento yung mga nangyayari sakin sa kwarto na inuupahan ko.
"Guys naniniwala ka ba kayo sa multo?" Tanong ko sa kanilang magpinsan.
Nagkatinginan muna sila bago nagsalita si Mariz.
"Oo naman bakit mu na itanong ?" Sabi ni Mariz
"Eh kasi naman parang may multo sa room ko e.. Lagi nga sakin nagpaparamdam e" sagot naman at naramdaman Kong ngtaasan ang mga balahibo ko.
Nagtinginan lang silang magpinsan pero di nagkomento.
" Sa kwarto bang ito walang nagpaparamdam?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan lng sila pero di pa rin umiimik..
"Uy bakit di kayo nagsasalita jan? Dito ba sa kwarto niyo may nagpaparamdam?"Tanung ko ulit sa kanila this time si Judy ang sumagot.
" Sa totoo hindi lang sila samin nagpapardam nagpapakita din sila kay Mariz" sabi Niya kaya nanlaki yung mata ko sa nalaman ko.
"Ha? Totoo ba yan ? Ang creepy naman pala talaga dito akala ko ok dito kasi maganda yung buong compound saka mukhang bagong tayo lang" nangingilabot na sabi ko " grabe sana di sila sakin magpakita baka di na ako makatulog niyan.
" Oo totoo yun. Jan nga sa baba nakita Kong dumaan yung bata e tumatakbo akala ko anak ng nangungupahan din jan sa baba hindi pala." Tumatawang kwento Ni Mariz.
" Hindi Ka ba natatakot Mariz kasi nakikita mu sila?" Tanung ko sa kanya.
"Hahaha natatakot din ako minsan. Saka di naman nila ako sinasaktan kaya OK lang " nakangiting sabi pa ni Mariz
" eh nakakatakot pa rin kasi nung ako nakikita ako dati sa probinsya nmin takot na takot ako.." Kinikilabutang kwento ko.
" Ah may third eye ka rin pala tulad ni Mariz"tanong Ni Judy.
Napaisip ako sa sinabi no Judy saka nasabing " Siguro".
"Hayaan mu lang sila magparamdam di ka naman nila magagalaw eh" sabi pa ni Mariz.
"Sabagay" sabi ko naman.
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu anu saka ako bumalik na ako sa kwartong inuupahan ko..
Kapapasok ko palang ng may nahagip ako na shadow na dumaan papunta sa CR bigla akong kinilabutan dahil dun. Kaya imbis na dumiretso sa tinutulugan ko lumabas ulit ako at nangatok sa kwarto nila Mariz.
Nanginginig ako dahil sa takot lalo pa akong nanginig ng may naramdaman akong nkatingin sakin kaya nilingon ko ito na dapat ay hindi ko nalang ginawa....
To be continue....
******
Anu kaya ang nakita ni Elizabeth ?
Sundan sa susunod kong update "SEE YEAH"
*Lilmalditah25*
BINABASA MO ANG
My Creepy Apartment
ParanormalMula sa pagkabata ni Maria Elizabeth Dela Torre ay nakakaramdam at nakakakita na siya ng mga ligaw na kaluluwa sabi ng kanyang mga magulang ay baka guni-guni o imagination lang niya iyon dala na palagi siyang nanonood ng mga horror movies. Dahil du...