Twenty Six

61 4 1
                                    

"Kuya ano bang pwedeng bilhin ko kay Justin na nasalubong?" tanong ko kay Kuya habang nandito kami sa isang pasalubong shop sa Laguna.

After kasi nito uuwi na kami kaya sinugurado ko na ring makakabili talaga ako ng mga pasalubong mauuwi para na rin may makain kaming pagkain sa kotse mamaya.

"Anything would be nice, Sohye. Alam mo naman si Justin naaappreciate naman niya lahat ng ibibigay mo eh." sabi ni Kuya na ngayon ay pumipili din ng mga bibilhing pasalubong.

Tumango naman ako bilang sagot.

Namimili na ako ng mga bibilhin ko at nagpasyang buko pie, shing-a-ling at espasol nalang ang iuuwi kong pasalubong para kay Justin pero dinamihan ko na rin ang bili para may makain pa kami mamaya sa kotse.

"Asan pala si Woojin?" I asked Jihoon dahil katabi ko siya ngayon, pumipili rin siya ng maiuuwing pasalubong

"Nasa kotse, di naman lumabas." kaswal na wika nito

"Ah pahawak muna nito." pinahawak ko sakanya ang mga binili kong pasalubong at lumabas muna ng store na iyon. Pinuntahan ko si Woojin, baka sakaling may gusto siyang ipabili.

I took a deep breathe before talking to him

"Woojin?" I said and he immediately looked at me

"Hmm?"

"Baka may gusto kang ipabiling pasalubong?"

Umiling lang siya at tumutok ulit sa cellphone niya.

"Libre ko nalang sayo. Ano bang gusto mo?"

"Wala."

I sighed.

"Kahit isa wala kang gusto?"

"Wala nga."

Tumango nalang ako at bumalik sa loob ng shop.

Binayaran ko na agad ang mga binili ko at pumunta na ulit ako sa kotse para mas makasama na si Woojin dahil namimili pa ng ibang pasalubong sila Kuya.

Nagulat nalang ako nang biglang magring ang phone ko.

Calling... Justin

"Hello?"

"Sohye, mamaya na daw uwi niyo galing Laguna? Excited na akong makita ka ulit." wika ni Justin sa kabilang linya

"Oo, actually on the way na kami eh nag-stop over lang saglit, excited na rin akong makita ka."

"Dapat na ba akong kiligin?" biro ni Justin

"Oo naman, isang Sohye gusto kang makita, aba dapat lang."

I hear him laugh "Hays, mas lalo tuloy kitang namimiss. Mamaya ah?"

"Oo naman, madami akong baong kwento sayo syempre."

"Yun oh. Sige, aabangan ko yan. See you later."

"See you din."

And then I ended the call.

Pagkatapos niyon ay nagpasya akong matulog nalang, ang tagal kasi nilang bumili ng mga pasalubong eh.

Shy | Park WoojinWhere stories live. Discover now