IT WAS one of those nights that Althea called “hell.” She was thirsty. And her thirst was taking over her sanity. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad sa madilim na kalsadang iyon, searching for the unlucky fellow she’d come across.
Nanginginig ang laman niya habang patuloy ang mga paa niya sa paghakbang. Her eyes were scanning the dark street. Hindi niya kailangan ng tanglaw ng ilaw para malaman na karamihan sa nasa paligid ay mga lalaking nakatitig sa kanya. And she wasn’t even trying to draw their attention. The first man that would approach her will be her thirst quencher. At sa uri ng transaksiyon na nagaganap sa kalsadang iyon, hindi siya naghintay nang matagal. Isang bansot, mataba, at lalaking sa tantiya niya ay nasa mid-thirties ang umagapay sa paglalakad niya.
“Magkano, Miss?” tanong nito sa kanya. Saglit lang niyang sinulyapan ito bago sumagot.
“Interesado ka?” walang emosyong sagot niya.
“Oo naman. Pag-usapan natin ang presyo.” Halatang-halata ang excitement sa boses nito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, pero sa pagkakataong iyon ay lumiko siya sa mas madilim pang eskinita. “Dito tayo mag-usap,” aniya.
“Sige, how mats?” Nagtatanong pa lang ang lalaki ay narinig na niyang binuksan nito ang zipper ng suot nitong pantalon. Hinawakan nito ang kamay niya. She bet he didn’t notice how cold her skin was. Dahil ang mga lalaking katulad nito ay walang ibang binibigyan ng importansiya kundi ang init ng katawan ng mga ito.
Your sorry life “Kuwentuhan mo muna ako tungkol sa 'yo. Ano’ng pangalan mo? May asawa ka na ba? Madalas ka bang nagbabayad ng babae dito?” tanong niya sa mapanghibong tono. Alam niyang hindi siya nito magagawang tanggihan. At magsasabi ito ng totoo.
“Ako si Santi. May asawa ako. Madalas ako rito, apat na beses sa isang linggo,” agad na sagot nito.
“Bitiwan mo ako,” utos niya at agad itong tumalima. “Bata ba ang gusto mong binabayaran dito?”
“Oo.”
Gusto sana niyang tanungin pa ito pero uhaw na uhaw na siya. “Lumapit ka rito. Akina ang kamay mo,” utos niya rito.
The moment he stepped towards her, she took his hands and unclenched his hand. Never minding his dirty palms, she took it to her mouth and sank her teeth there, sucking the blood gushing out.
Ilang sandali pa ay binitiwan na niya ito. HInayaan niyang bumagsak ito sa paanan niya, saka nagsimulang maglakad palabas ng eskinita roon. That hell of a night is still long, ayaw man niyang pumatay, wala siyang magagawa. For that was the night the devil in her feeds.
{aori_lila}
BINABASA MO ANG
Althea of The Dark
VampireMy heart stopped beating the night my family was murdered, I was dead. I was cursed, I was begrudgingly given a second chance to avenge my murder; My family's demise. My senses sharpened and thirst for murder. I beacame a monster. And with my monstr...