~Kiss Of Death~

155 6 0
                                    

1

PIGIL-PIGIL ni Althea ang sarili na tawagin ang mga magulang at kapatid niya pagkapasok niya sa bahay nila. Ang totoo, gustong-gusto niya nang magtitili sa tuwa. Pero gusto niyang sorpresahin ang mga ito kaya sumuntok na lang siya sa ere, saka siya dahan-dahang humakbang papunta sa sala. Pinilit niyang palungkutin ang mukha niya, magpapanggap siyang hindi siya natanggap bilang flight stewardess sa airline na in-apply-an niya, at kapag paniwalang-paniwala na ang mga ito ay saka niya sasabihin na nagbibiro lang siya. Natanggap siya!

            Karaniwan nang sa ganoong oras ay nanonood ng night news ang Dad niya sa sala, at malamang ay kasama nito ang mom at kapatid niya. Pero wala siyang naabutan sa sala. Kumunot ang noo niya. Mahigpit ang Dad niya sa pagtitipid ng kuryente kaya nagtataka siya kung bakit nakabukas ang TV. In-off niya iyon at tumuloy siya sa kusina. Baka nandoon ang mom niya at naghahanda ng snack. Pero wala ring tao roon.

            Nakaramdam ng kakaibang kaba si Althea. Doon niya lang din napansin na napakatahimik sa bahay nila. Kinutuban siya nang masama at iba’t ibang masamang scenario na ang pumasok sa isip niya.

            May nangyari bang masama? Hindi naka-lock ang pinto nang pumasok siya, may nanloob ba sa bahay nila? 

            Then she heard a sharp cry.

            Kumuha siya ng kutsilyo sa knife rack at hinawakan niya iyon nang mahigpit at dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan.

            Napansin niya agad na nakabukas ang kuwarto ni Stephen, ganoon din ang kuwarto niya. Pero nang sumilip siya ay wala siyang nakitang tao sa mga iyon. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kuwarto ng mga magulang niya. Nasa dulo iyon ng pasilyo at bahagyang nakaawang ang pinto niyon. Sumilip siya—at nanigas sa nakita.

            She saw red—literally. There was blood everywhere.

            At nakaharap sa kinatatayuan niya si Stephen, nakahiga ito, namumutla. His eyes were open but they looked lifeless. Nakalungayngay ang ulo nito habang nakasubsob ang mukha ng isang malaking lalaki sa leeg nito na puro dugo rin.

            She stayed there, frozen. Hindi niya maigalaw ang buong katawan niya dahil nanginginig siya. Totoo ba ang nakikita niya?

            She refused to believe so.

            Baka ginu-good-time lang siya ng pamilya niya. Baka nasa isang reality gag show sila at siya ang bibiktimahin ng mga ito. Napakarami pang “baka” na dumaan sa isip niya habang pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili niya na hindi totoo ang nakikita niya. Ngunit habang nakatitig siya sa walang-buhay na mga mata ng kapatid niya ay nasiguro niya, totoo ang lahat ng nakikita niya.

            Her brother had been murdered.

            “Hindi!!!” sigaw niya, dahilan para matuon sa kanya ang atensiyon ng lalaking nakayuko sa leeg ng kapatid niya. Napasinghap siya nang makita niya ang napakaamong mukha nito, pero ang pinakagumulat sa kanya ay ang mata nitong itim lang at ang mahahaba at puno ng dugo nitong pangil. The man even licked his teeth clean and grinned at her.

            Itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo at humakbang para sugurin ito. Pero nakakaisang hakbang pa lang siya ay bumukas na nang tuluyan ang pinto. 

            Isang babae ang nakatayo roon; isang napakagandang babae. Her almost angelic face distracted Althea. The woman stared at her for a while and smiled at her, and then she did the last thing she expected to see: the woman curtsied.

            “At last, Lady Althea. Kanina ka pa namin hinihintay. Come in, join the party. And drop the knife, you won’t hurt us,” anito sa mapanghibong boses.

            Her parents’ bedroom looked like a carnage scene, not a party. Gusto niyang magprotesta, gusto niya ring sugurin ng saksak ang babae. Wala na siyang pakialam kahit alam niyang malaki ang posibilidad na patayin siya nito kagaya ng ginawa ng malaking lalaking kasama nito sa kapatid niya, all she wanted right now is revenge. To kill. Pero hindi sumunod sa gusto niya ang isip niya, sa halip, natagpuan niya ang kanyang sarili na ibinababa ang hawak na kutsilyo at naglalakad nga papasok sa kuwarto.

            And she saw the goriest image she’d ever seen. There are severed limbs in the floor, a two set of torso, and two severed head. Althea stared at the decapitated bodies of her parents. Wala siyang nagawa kundi umiyak. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, pero may kung anong pumipigil sa kanyang kumilos. 

            Humarang sa harap niya ang babae at lalong lumawak ang ngiti nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang paghaba at pagtalim ng mga kuko nito. “I am so honoured to meet you in person, Lady Althea. Allow me to introduce myself, my name is Socorro, and it’s a great honour for me to kill you.”

            Hindi maigalaw ni Athea ang mga kamay at paa niya, hindi niya rin magawang magsalita. Masaklap man, Alam niyang iyon na ang katapusan niya. Ang tanging nagawa niya na lang ay pumikit, at hinintay niya na lang ang kanyang kamatayan.

            And right there and then, she felt a vicious pain in her neck.

            Napahiga siya sa paanan ni Socorro, naghabol siya ng hininga habang nalulunod siya sa dugong sumisirit mula sa leeg niya. Tinitigan niya lang ang nakangiting mukha ng babae, hanggang sa dahan-dahang lumabo ang paningin niya.

            At habang unti-unting namamatay si Althea, umalingawngaw ang isa pang malakas na hiyawan. Humihina na ang pandinig niya kaya hindi siya sigurado kung sigaw ba iyon ng tagumpay at katuwaan.

            Pagkatapos ay isang malambot na bagay ang dumampi sa nanlalamig niya nang noo.

            “You won’t die, Althea. Hindi ko papayagang mangyari iyon,” bulong ng isang malambing ngunit natatarantang boses sa kanya.

            Bago pa tuluyang magdilim ang lahat, may malambot na bagay na dumampi sa mga labi niya.

           

MASAKIT na lalamunan ang gumising sa kamalayan ni Althea. Kasunod niyon ay naramdaman niya ang magaspang at matigas na hinihigaan niya. Hindi dumidilat na kumunot ang noo niya. Nahulog ba siya sa sahig sa sobrang kalikutan niya? Pero bakit parang ang ingay yata masyado? Nakabukas na ba ang stereo ni Stephen? At ano ang amoy-nakakauhaw na iyon?

Dahan-dahan siyang bumangon habang nakapikit pa rin, saka dumilat—saka pumikit din agad. Sumakit ang mga mata niya sa sobrang pagkasilaw. Sumabay sa pananakit ng mga mata niya ang paghapdi ng lalamunan niya. Mas lumakas din ang ingay na naririnig niya.

Sinubukan uli niyang dumilat, sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan. hindi na masakit ang mga mata niya, pero may diperensiya pa rin doon. Bakit napakatingkad ng paligid? At bakit nasa isang hindi pamilyar na lugar siya? Nilinga niya ang kinaroroonan niya. Mabatong pader ang nakikita niya. Kitang-kita niya rin ang iba’t ibang hugis, at kislap ng mga iyon. Ganoon din ang hitsura ng hinihigaan niya.

Tumayo siya—na mas mabilis at maliksi niyang nagawa kaysa sa karaniwan. Parang napakagaan ng katawan niya.

Everything was too weird. Nang maglakad siya ay natuklasan niyang nasa bunganga siya ng isang kuweba—na nasa itaas ng isang bangin. She could see the splendour of a green forest and the sparkling light casted in everything.

            Is this a dream?

            Naglakad si Althea papunta sa likuran ng kuweba, at isang malinaw na sapa ang natagpuan niya roon. Tumingkayad siya sa harap niyon at sumalok siya ng tubig para inumin. Pero natigilan siya nang makita niya ang repleksiyon niya, ang mga mata niyang itim lang. Suddenly, a man’s voice echoed in her ears.

            “You won’t die, Althea. Hindi ko papayagang mangyari iyon...”

            Pumunit ang malakas na tili ni Althea sa katahimikan ng kinaroroonan niya nang bumalik sa isip niya ang lahat ng nangyari. Her family’s death. The monsters who killed them. Her death. And that voice.

            This is not a dream. This is a nightmare. And she was certain, she is a monster.

{aori_lila}

Althea of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon