~Masked Knight ~

77 4 0
                                    

Everything happened so fast.

Hindi pa man nakakasinghap si Althea ay nasa harap niya na ang tatlong lalaking bampirang may maiitim na mata kagaya ng naabutan niyang pumapatay sa kapatid niya; ginapi ng mga iyon ang mga kamay niya at idinikdik siya sa nakatayo pang pader. Nanlaki ang mga mata niya nang humaba ang kuko ng isa at ihiwa nito iyon sa leeg niya.

        Kung buhay pa siya ay nalulunod na siya sa dugo niya. Pero walang pumatak na dugo, at sa isang iglap ay naghilom ang sugat niya.

        Totoong ginusto niya nang mamatay, pero hindi sa kamay ng mga bampira! Kaya lalaban siya sa abot ng makakaya niya!

       Nagpumiglas siya at sinikap bawiin ang mga braso niya. Nagulat pa siya nang sa paghila niya ay mabitawan siya ng isa sa mga pumipigil sa kanya—dahil naputol ang braso niyon na nasa braso niya pa rin! Sumigaw at napaupo sa lupa ang bampira.

        Mukhang nagulat din ang mga bampira sa nangyari, kaya sinamantala iyon ni Althea. Sinipa niya ang isa pang gumagapi sa kamay niya at tumalsik iyon pabalandra sa sahig. Inaasahan ba ng mga ito na mamamatay na siya nang ganoon lang?

        Sinugod siya ng isa pang bampira, mahaba na naman ang kuko niyon. He tried to slash her throat again, but she dodged it. Mukhang sa lalamunan ang kahinaan ng mga katulad nito dahil palaging iyon ang pinupuntirya sa kanya. Hindi siya marunong magpahaba ng kuko kaya hinawi niya lang nang malakas ang kamay ng bampira—at mukhang mas malakas ang puwersa niya kaysa sa inaasahan niya dahil naputol uli iyon. Pero hindi na siya basta tumitig lang at naghintay sa pagpalahaw niyon, buong puwersa niyang sinipa sa leeg ang bampira. Lumagpak ang katawan niyon sa sahig, minus the head. Hindi na iyon gumalaw pa kaya natiyak niya, napatay niya iyon.

        Kung ang mga vampire movies ang pagbabasehan niya, ang lakas niya ay dahil sa pagiging “newborn” niya—if that’s what real vampires call a newly created like her.

        Lumakas ang loob ni Althea. Maybe she could do this.

        Kaya sinugod niya ang mga nagulat pa ring bampira at buong-puwersa niyang hinila ang ulo ng mga iyon, hanggang sa matiyak niyang patay na ang mga iyon.

        Pero kakakalas pa lang niya sa ulo ng pangatlo ay may apat pang dumating. Tatlong lalaking bampira na hindi itim ang buong mata kagaya ng mga napatay niya, theirs were bright blue, at isang babaeng... maganda?

        Matangkad ang babae, mahaba ang tuwid na tuwid na buhok, at balingkinitan ang katawan. Mukha itong beauty queen sa perpekto nitong makeup, eleganteng mga alahas, at magarang bestida at sapatos. But there was something more striking about her.

        Ang mga mata nitong nakatutok sa kanya ay kababakasan ng matinding galit.

      Her instinct was telling her she needs to leave. Dahil kahit malakas ang tatlong naunang bampirang natalo niya, mas malakas ang dating ng tatlong lalaking palapit na ngayon sa kanya. Lalo na ang babae.

        Althea eyed the open window in her left. Tatakbuhin niya na sana iyon, pero sa isang iglap lang ay napalibutan na siya ng tatlong bampira, kagaya ng naunang tatlo, pinigil ng mga iyon ang braso niya at ang isa ay nagpahaba ng mga kuko.

        Alam niya na ang mangyayari kaya nagpumiglas siya—pero hindi natinag ang mga bampira.

        Natakot si Althea. Mamamatay siya kapag hindi siya nakakawala sa mga bampira!

        “No!” sigaw niya.

        At sa kung anong dahilan, tumalsik palayo sa kanya ang mga lalaki!

Althea of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon