~A Guiding Voice~

111 4 1
                                    

Pinanood ni Gavin ang mga naglalarong bata sa hardin mula sa balkonaheng kinatatayuan niya. The children seemed content, happy. Kahit inabandona ang mga ito ng mga tunay na magulang ay alam niyang masaya ang mga ito sa pangangalaga ng Children’s Haven, ang ampunang ipinatayo niya dalawampung taon na ang nakalilipas.

        Children always calmed him. Their laughter eases the violence that swirled inside him. Kaya nga doon siya nagpunta pagkagaling niya sa bahay nina Althea.

         Ah, Althea.

       Kasabay ng paninikip ng dibdib niya ay kumuyom din ang kamay niya. Hindi niya mapapatawad ang ginawa ng mga Flores. Kung inaakala ng mga ito na hahayaan niya lang na patayin ng mga ito si Althea ay nagkakamali ito.

      Althea was his.  And he will always protect her. Kahit pa hindi niya ito magagawang lapitan.

      Pero alam niya rin kung bakit natunton ng mga Flores si Althea—dahil ipinahanap ito ng kanyang ina. He couldn’t help hating her, too.

     Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Ian, ang tanging pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Ito ang kasama niya nang iligtas nila si Althea. Pinasusubaybayan niya rin dito ang dalaga.

          “How is she?”

        “Kagaya ng inaasahan mo,” tipid na sagot ni Ian at tumanaw rin sa mga batang naglalaro sa baba.

           Gavin clenched his fist. He did what he did to save Althea. Pero kung may iba lang siyang magagawa ay hindi niya ito gagawing bampira. Hindi niya iyon gagawin kung hindi nito hihilingin iyon. Hindi man siya natatandaan ni Althea, kilalang-kilala niya ito. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay kinamumuhian nito ang sarili. At siguro ay galit din ito sa kanya dahil sa ginawa niya rito.

            “Did you clean up the scene?”

          “Wala akong iniwang kahit kaunting bakas. Tell me again why you left her. Bakit hindi ka na lang nagpakilala sa kanya?” Binalingan siya ni Ian.

         Sinalubong niya ang tingin nito. “Dahil hindi ito ang gusto kong buhay para sa kanya. Our life is cursed. She deserved better things. Hindi ko siya kayang tingnan nang deretso, hindi ko kayang marinig ang panunumbat niya.”

          “You saved her life.”

          “She’s living a cursed life.”

       “You can guide her. Walang katuturan ang ginagawa mong pag-iwas sa kanya. Why do you need me to look after her? Don’t blame yourself too much.”

         Alam ni Gavin na tama ang kaibigan niya. Pero kailangan niya muna ng panahon. Hindi pa siya handang magpakita kay Althea.

      Dinampot ni Ian ang kamay niyang nakapatong sa pasamano. “You’re bleeding. Kailangang gamutin ang sugat mo.”

            “That’ll heal eventually,” pambabale-wala niya sa sugat niya.

            “You are my friend, Gavin. Pero ikaw rin ang nakatakdang maging pinuno ng lahi natin. We need you healthy. Being immortal doesn’t mean it’s okay to be hurt. Manghihina ka pa rin. Unless you drink blood.”

           “I won’t drink blood. I don’t need it to survive. Keep watching Althea. In the mean time, I want to be alone.”

            “If that’s what you wish, my Prince.”

           Prince?  Gavin smirked. Ano ang silbi ng katayuan niya kung hindi niya nagawang iligtas ang pamilya ng babaeng minamahal niya?

Althea of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon