~The Taste of Death Is Sweet~

86 3 2
                                    

How do you kill a monster?

Do you drop it from a high place? No, it will reanimate itself. Do you drown it? No, the monster doesn’t need to breathe so it can simply stop breathing under water. Do you slash its wrist, wound it? No, it will heal. Do you burn it? How? Apparently, the sun couldn’t hurt it.

But after trying to kill the beast, Althea realized she just weakened her sane mind.

And so she learned that there’s no way she can kill herself. She learned it the hard way.

MATUTULIS ang mga bato sa lupa, ngunit hindi nasusugatan ng mga iyon ang mga paa ni Althea.

            Sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ay inihiwa niya ang matalim na batong hawak niya sa pulso niya, bumuka ang laman niyon, umagos ang dugo, pero sa isang kisapmata lang ay naghilom ang sugat, ang tanging bakas ay ang dugong naiwan sa ngayon ay makinis na uling pulso niya.      

            Gusto niyang umiyak, pero walang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

            Nanunuyo ang lalamunan at nanghihinang gumapang siya pabalik sa kuweba. Sa kabila ng paghihilom ng mga sugat niya ay latang-lata siya. Siguro ay dahil sa pagkauhaw niya.

            Sinapo niya ang lalamunan niya. Nahihirapan na siyang lumunok at kahit napakarami niya nang ininom na tubig ay hindi pa rin naibsan ang uhaw niya. May ideya na siya kung bakit, at kung ano ang makakatighaw roon, pero isipin niya pa lang ang bagay na iyon ay nandidiri na siya.

            Blood.

            Nakita ni Althea ang pag-inom ng dugo ng halimaw na iyon mula sa leeg ni Stephen. She knows what it was:

            Isang bampira.

             Parang isang napakasamang panaginip lang ang lahat ng nangyayari; na pinatay ang pamilya niya, na naroon siya sa masukal na lugar na iyon at isang bampira. Pero sa lahat ng pagsubok niyang magpakamatay, natiyak niyang totoo nga ang lahat.

            Kumurap-kurap si Althea dahil unti-unting nanlalabo ang mga mata niya—na kanina lang ay napakalinaw. Madilim sa kuweba dahil sa palagay niya ay hapon na, pero ngayon ay talagang madilim na iyon sa paningin niya. She’s starting to have a tunnel vision.

            Maybe there’s a way to kill a beast.

            Maybe she just needs to starve it.

            Ngumiti si Althea sa kabila ng pagsakit ng lalamunan at pagdidilim ng paningin niya. She will welcome death happily.

Mabango ang hangin. It smelled enticing. Lalong humapdi ang lalamunan Niya. Pero hindi na iyon dahil sa uhaw. This pain is welcome. Dahil dulot iyon ng nakakatakam na amoy na tinatangay ng hangin.

            She stood up and walked fast. Kahit nanghihina Siya ay nagawa Niyang makalabas nang mabilis para hanapin ang mabangong amoy.

            Dinala Siya niyon sa kakahuyan. Dahan-dahan Siyang naglakad palapit at nakakita Siya ng tent at siga. At sa gilid niyon ay may nakatayong malaking lalaki.

            “Putsa! Ikaw na kaya ang maghiwa dito? Sinabi ko nang hindi ako marunong! Nahiwa na ako, o!” anang lalaki.

            Mula sa loob ng tent ay may sumagot na babae. “Kaya mo na 'yan. Sarapan mo ang luto mo!”

            “Ang tamad mo talaga, Queenie! Pinapagod mo ako, paano pa kita matatrabaho mamaya kung papagurin mo ako?”

            Humakbang pa uli Siya. At isa pang tent ang nakita Niyang nakatayo sa di-kalayuan. Ibinalik Niya ang atensiyon sa lalaking duguan ang daliri—ang pinagmumulan ng masarap na amoy.

            Nakita Niya ang paglabas ng isang halos hubad na babae mula sa tent. Nasalubong niyon ang tingin Niya—at namutla iyon sa takot. The girl must’ve sensed her impending demise.

            “B-Baldo, m-may babae s—”

            Pero bago pa man matapos ng babae ang sinasabi niyon ay nakalapit na Siya sa likuran ng lalaking kasama niyon. Dinaklot Niya ang batok ng lalaki. Perhaps She did it more forcefully because his neck snapped.

            Kasabay ng pagkagat Niya sa leeg ng lalaki ay tumili nang malakas ang babae. Nakakakulili ang boses niyon. And because the girl distracted Her, the blood She was drinking spilled in her dress. It pissed Her off.

            Kaya nilapitan Niya ito at kinagat sa balikat. At least the screaming girl’s blood made up for the noise she was making—and she quieted soon enough. She pushed the girl’s dead body aside—and she heard bone snapping.

            Pero dahil sa ingay na ginawa ng babae ay naalerto ang mga nasa kabilang tent; nagpulasan palayo ang mga iyon.

            But no matter. The blood invigorated Her enough and Her senses sharpened again. She could hear two sets of footsteps.            

            Walang pagmamadaling kumilos Siya—pero para Siyang lumulutang dahil sa ilang hakbang lang ay naabutan Niya na ang isa pang lalaki.

            Nanlalaki ang mga mata niyon sa takot. He tried to fight Her off; itinulak Siya niyon. At nang ni hindi Siya matinag ay sinubukan Siya niyong suntukin sa tiyan.

            Wrong move. Because it didn’t hurt Her and it just pissed Her more. Hinila Niya ang braso niyon—na humiwalay agad sa katawan ng lalaki. Blood oozed from the gaping wound. She lapped and sucked the precious blood. But soon enough She sucked him dry.

            She wants more. She needs more.

            Kaya sinundan Niya ang isa pang tumatakbo—isang babae. Mas mabagal na ang takbo niyon. Naririnig Niya rin ang pag-iyak niyon mula sa kinatatayuan Niya.

            Hinawi Niya muna ang buhok niyang tumakip sa mukha niya at saka siya naglakad—o sumayaw ba?—pasunod sa babae.

            Nagawa nang makalabas ng kakahuyan ng babae—at tumatakbo na iyon palapit sa isang bako-bakong kalsada habang sumisigaw ng “tulong!”

            The girl led Her to a small community.

            Nang bumukas ang ilaw ng bahay na nilapitan ng babae ay napangiti Siya.

            The girl provided more blood for Her.

           

BLOOD. SO MUCH BLOOD!

            Althea tasted something sweet. Para iyong pinaghalong tamis ng mansanas at honey. Lumunok siya. The sweet and tangy liquid slid in her throat.     

            And then she heard a loud thump. And then her vision cleared.

            Red.

            Napaurong si Althea. At napaupo nang may matapakan siya.

            Isang kamay ang nakita niya sa kaliwa niya, at may putol na ulo sa tabi niyon. Natutop niya ang bibig niya—at nabasa iyon. She looked at her hands—her bloody hands.

            At bigla ay parang nag-replay sa isip niya ang lahat nangyari.

            Pumunit ang malakas na tili niya sa katahimikan ng gabi. 

{aori_lila}

Althea of The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon