Neutral #3

18 2 0
                                    

Pagkabigay sakin ni Abby ng tubig ay umupo siya sa harap ko ngayon nagtataka talaga ako kung ano ba yung bagay na dapat Kong malaman. Huminga ng malalim si abby bago nagsimulang magsalita.

"Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula pero, yung narinig mong pinag-uusapan namin ni Alice tungkol talaga sa....tunay mong pagkatao" panimula ni abby at tumingin Kay Alice .

"Hindi mo talaga ako pinsan thia...at hindi mo rin kapatid si nikki ang lahat ng tungkol sa buhay mo ngayon ay isang malaking pagpapanggap lang"sabi ni abby napakunot noo ako ano bang sinasabi niya?

"Gusto mo Kong tumawa?"  Tanong ko.

"Hindi kami nagbibiro thianna kung hindi ka din naman maniniwala wala karing magagawa para iligtas si Nikki"sabi ni Alice. Tinatakot ba nila ako? Tumango na lang ako.

"Gaya nga ng sabi ko hindi mo ko pinsan at mas lalong hindi mo kapatid si Nikki imposible yun dahil hindi ka tao....hindi kami tao isa akong anghel si Alice naman ay isang neutral angel"dahan dahang pagpapaliwanag ni Abby hindi ko alam kung matatawa ba ko o mababaliw sa pinagsasabi niya hindi ako makapaniwala.

"Kung anghel ka bakit nandito ka nasan ang pakpak mo?! At anong pagkakaiba ng neutral angel sa isang anghel parehas lang naman yun..ano ba Abby tingin niyo ba may oras pa ko para makipaglaro sainyo?! Ano ba talaga to ha?!"sigaw ko.

The Neutral AngelWhere stories live. Discover now