Neutral #2

22 1 0
                                    

Pagkadismiss ng klase agad akong nag-ayos ng gamit ko ,
Pagkalabas ko ng University napahinto pa ako sa mismong gate .Ang lakas ng ulan buti na lang nakasuot ako ng jacket sinuot ko ang sapin nito sa ulo bilang proteksyoN

Dumaan ako sa eskinita at napadaan sa isang bookstore maliit lang yun hindi tulad ng isang national bookstore.

Tinanggal ko ang jacket ko ,

"Good evening Mrs. Carroll"bati ko sa may-ari ng store at ngumiti naman ito, kumuha ako ng mga bagong publish na libro at inilapag ito sa counter.

"Kukunin mo na ba ang lahat ng to?"tanong ni Mrs. Carroll. Tumango naman ako kaya agad niya itong iniscan.

"Mukhang magkukulong kananaman sa kwarto mo sa dami ng librong binili mo"nakangiti niyang sabi. Mahina akong tumawa.

"Yung iba para Kay Nikki..kaya dapat po may discount"pabiro  Kong sabi na kaagad naman niyang ikinatawa .

"Sige libre na ang isang libro ,basta ba dadalhin mo si Nikki dito sa isang linggo..."sabi niya habang inilalagay sa paper bag ang mga ito.

Agad ko itong kinuha at ibinigay ang bayad.

"Makakaasa po kayo Mrs. Carroll sa uulitin.."paalam ko sakanya,at agad na inilagay sa bag ang mga libro sinuot ko ang jacket ko at sumuong sa lakas ng ulan.

Habang naglalakad ako palabas ng maliit na eskinita nakarinig ako ng ilang hakbang na papalapit saakin lumingon ako sa likuran ko pero gaya ng inaasahan ko wala naman talagang tao.
Binilisan ko ang lakad ko at narinig Kong mas bumibilis din ang hakbang na naririnig ko ,halos lakad takbo na ang ginagawa ko hanggang sa...

*bogsh*

Nalaglag ang bag ko at dahil medyo nakabukas ito nalaglag ang ilang gamit sa loob. Nakita Kong huminto ang nakabangga sakin nakaitim ito ,itim na pantalon itim na T-shirt na may nakapatong na itim na leather jacket. Basang-basa ito ng ulan medyo may pagkakulay brown ang buhok na nasisilaw ng ilaw may  maliit na tattoo sa leeg
Matangkad at maputi ang description ay GWAPO .

"Matuto kang mag-ingat"sabi niya at di man lang ako tinulungan ,sa halip na pansin pa siya ay  mabilis Kong inayos ang mga gamit ko ,buti na lang at nakabalot ang mga libro at hindi nabasa.

The Neutral AngelWhere stories live. Discover now