Neutral #5

13 1 0
                                    

Buong araw nasa bahay lang ako gustuhin ko mang samahan sila Abby sa paghahanap kay Nikki dahil masyado daw itong delikado.

Sobrang bored na ko kaya ,umakyat ako at nagbihis ng T-shirt at jeans.

Pumunta ko sa bookstore ni Mrs. Carroll pagdating ko dun ay halos walang katao-tao.

Napakunot naman ang noo ni Mrs. Carroll ng makita ako. Lumapit ako sa counter para makalapit sakanya.

"Anong ginagawa mo ditoDapat Hindi ka lumalabas alam mong delikado para sayo ang lumabas"nag-aalalang sabi niya nginitian ko na lang siya.

"Hindi na nga po ako pumasok para mabawasan ang pag-aalala niyo at isa pa dito naman ako pumunta kaya dapat matuwa pa kayo"sabi ko napangiti na rin naman siya ,nakita Kong lumabas ang nag-iisang customer sa store.

"Gusto mong pumasok sa loob ng bahay ko?"tanong niya, agad naman akong tumango ,ang tagal ko nang bumibiki ng libro dito pero hindi pa ako nakapasok kelan man sa bahay ni Mrs. Carroll.

Lumabas siya ng counter at nilock ang pinto at inikot ang  sign board sa open to close.

Pinapasok niya agad ako sa loob ng counter at pumasok sa pinto. Medyo madilim ang bahay niya at maraming kung ano-anong nakadisplay.

Napatingin ako sa mga picture frame.

"May pamilya po kayo?" Tanong ko.Nang makita ang pictures.

"Naku hindi...ang totoo mga kaibigan ko sila ,inampon na nila ako dahil wala naman talaga akong pamilya dahil sa nagkatawang tao ako tulad ng iba.... Gusto mo ng maiinom?"tanong niya , ngumiti naman ako at umupo.pinapanood ko lang siya habang nagtitimpla ng juice.

"Ang sabi nila Abby isa kang fortune Angel ibig sabihin,maliban sa ibang kakayahan mo...kaya mo rin bang magbasa ng kapalaran? Kasi ganun yung mga fortune teller dito sa mundo ng mga tao"pag-bibiro ko ,inilapag niya ang juice at umupo narin.

The Neutral AngelWhere stories live. Discover now