Days had passed at mas lalo silang naging busy. Kahit na tinutulungan sila ng club members, marami parin ang gagawin. Naloloka na siya sa responsibilities!Ilang buntong hininga na ba ang nailabas niya? Stress na siya masyado dahil may Research paper pa silang tatapusin mamaya. Ngayon, nandito siya sa library para basahin ulit ang mga papeles. Hindi niya alam kung bakit lahat napunta sa kanya ang trabahong dapat inaasikaso ng kanilang club adviser.
But she remembered her club adviser's favorite line, 'May tiwala naman ako sayo eh. Kaya mo na yan.' and sometimes or should I say a lot of times, she hates it. Lahat na talaga napunta sa kanya!
And she's so sorry sa kagrupo niya sa Research paper. Kaunti na lang ang contribution niya sa poject. Mabuti na lang at mabait ang leader nilang si Nainie at naiintindihan nito ang nararamdaman niya dahil music club member ito at Vice president pa.
Tutok siya sa pagbabasa sa papeles nang makarinig siya ng tikhim.
She raised her head at nakita niyang si Nainie na busangot ang mukha. Sa isang taon na magkaklase sila ay medyo nababasa niya ang ugali nito. Nainie is irritated.
"Ang daming ire-revise sa Research paper!" umirap pa ito sa hangin. "As far as I remember, okay na lahat. Approved na nga pero nung tinignan ulit kanina ni Miss, ang dami pa daw dapat baguhin! Edi sana maaga niyang sinabi para maaga rin nating natapos!"
Fea chuckled on Nainie's sudden outburst. Alam niyang hindi mabilis mairita ito pero dahil busy ito sa maraming gawain katulad niya, stress din ito masyado.
"Relax ka lang. Kumain ka na muna kaya? Baka umatake na naman yung sakit mo."
She pouted. "We are so busy na kahit sarili natin nakakalimutan na natin! Argh! I hate this school!" Nagpaalam ito sa kanya na bibili ng pagkain kaya tumango na lang siya at ngumiti. Kahit stress siya, alam niyang mas maraming hawak na responsibilities si Nainie kaya hindi niya na sinasabayan ang init ng ulo nito.
Ilang buwan na lang naman at matatapos na rin ang klase nila. Doon na lang siya kumukuha ng inspiration para tapusin lahat.
At kahit puro sakit sa ulo ang naranasan niya nitong nagdaang araw, she'd still enjoyed it. Feeling niya kaya niya nang humarap sa malalaking hamon sa buhay niya.
Matapos ma-review ang papers ay agad siyang pumunta sa faculty. Pirma na lang ng club adviser nila at they're done. Kumatok muna siya bago pumasok. Hinanap ng kanyang mata ang club adviser na si Miss Ocampo na busy sa pagtipa sa kanyang laptop.
Inayos muna ang sarili para maging presentable bago lumapit kay Miss.
"Miss Ocampo."
Miss Ocampo raised her head at ngumiti sa kanya. "Sanchez! What can I do for you?"
Umupo si Fea sa upuang nakaharap dito at nilapag sa mesa ang papers. "I already read the papers and I signed it, Miss Ocampo. Ang pirma niyo na lang po ang kailangan."
Tumango lang ito at kinuha ang papers. Mabilisang pagbasa na lang ang ginawa bago pinirmahan lahat. She was relieved and happy at the same time. Sa wakas, nabawasan na ang gagawin niya.
Matapos dito ay mabilis siyang pumunta sa auditorium. Hindi na mapuknat ang kanyang ngiti dahil good mood siya ngayon. She even enjoyed breathing the toxic air. Tila nababaliw na siya.
Nang makarating sa auditorium ay abala lahat ng members sa pag ensayo. Sabado ngayon at kahit walang pasok, pumasok silang lahat. She was so thankful dahil nagcooperate sa kanya ang club members at pursigido rin itong gawin ang kanilang makakaya para sa naturang event.
![](https://img.wattpad.com/cover/143743092-288-k172577.jpg)