Phase 1

30 2 1
                                    

Kanina pa ako nandito sa kwarto ko. Waiting for some foods to come. Hindi ako tamad o kung anuman, gustung gusto ko kumain kasama ang pamilya ko. But not now, may bisita kasi sina tatay. You heard it right. TATAY, I used to call them in that way, kahit na nasa mayamang pamilya kami.
Ang ganda lang kasi pakinggan. Inggit na inggit kasi ako sa mga anak na ganun ang tawag sa kanilang magulang, it sounds so unique and classy for me.
So I decided to count myself as one of the people who used to call their parents in that way. Hindi naman sa ayaw nila akong ipakita sa iba, hindi lang talaga ako nakikita ng iba. Weird right ? But that's the hella truth! Others can't see me depende na lang kung pamilya kita o totoong kaibigan kita o isa ka sa lima na hinahanap ko.
Kahit na bumaba ako at magpakita sa mga bisita nya, they can't. Magtataka lang sila kung bakit may isang plato na wala namang tao. Kaya sa tuwing may dumadating na katrabaho o kaibigan sina tatay at nanay, dinadalhan nalang nila ako ng pagkain sa kwarto ko.

"Nak, kain kana oh." You can see the pity in her eyes always, and it makes me feel sorry for myself too.
Kaya naman sa tuwing ganyan ang pinapakita nila. I pretend to smile, a genuine one to ensure them that it's not their fault.

"Salamat nay, kanina pa ko nagugutom e." I tried to change the mood. Ayoko naman palagi nila akong kaawaan dahil sa sitwasyon ko.

"Sige na, kumain kana at bababa na ako. I love you nak." and that's the magic word that fades away all the pain I felt.

"I love you too nay."

May palaging sinasabi ang iba na sa isang pagkakamali mo, lahat ng mabuti mong ginawa di na naaalala. Sa sitwasyon ko naman, ang palagi kong iniisip e sa dinami dami ng sakit na nararamdaman ko, isang mapagmahal na pamilya lang sapat na ko. Nawawala yung mga hinanakit ko sa buhay, tumitigil yung mga tanong na what if? bakit ako? nagkulang ba ko ? pangit ba ko? kapalit palit ba ko ? HAHAHAHA si Liza na pala yun.

Basta alam kong nandyan lang sila para sakin, masaya na ko. I am not a rebel kagaya ng nababasa nyo sa iba, na dahil mayaman e nagrerebelde kung di man masunod ang gusto nila. Mabait akong anak at kapatid. Kaya nga mahal na mahal namin ang isa't-isa, kapag kulang kami nararamdaman ng bawat isa yung pakiramdam na kapag sa isang magkakaibigan e wala yung isa parang there's some pieces that are missing.
Ang lalim ng mga salita ko, siguro ganun talaga kapag mag isa ka lang sa kwarto at walang kasama. Ang tagal naman kasi umalis ng mga bisita na yan. Palagi kong iniisip kung paano ba ko gagaling, I mean paano ko sisimulang gumaling. Alam ko na naman kung paano kaya lang hindi ko alam kung paano sisimulan. Ang hirap ! Like what the hell ! Saan ko sila hahanapin diba ? Kaiyak ! Alam kong wala kayong naiintindihan sa mga pinagsasasabi ko. Maiintindihan nyo din pagdating ng araw. Haha Well, saka ko na poproblemahin yan.

Change topic na ko, so ayun nga tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay tas dalawang sumunod sa akin dalawang lalaki. We used to have a bond everyday kapag nakauwi na sila sa school at tuwing holidays.
Kung tatanungin nyo ako kung nag aaral ako. Oo. Dati. I stopped when this incident happened to me. It's almost a year since I stopped. Nag-aral ako sa pribadong paaralan. I have a bestfriend named Erise and Velia who I can truly count on.

Ang sarap sa pakiiramdam na may masasandalan ka sa tuwing wala ka ng matatakbuhan pa. We make everyday extra special, yung sila lang okay na.

Kilala sila ng parents ko, yung tipong once na nagpaalam ka ang palagi nilang tanong "kasama mo ba bestfriends mo? Kapag hindi huwag kana tumuloy" kahit hindi naman nila sabihin e, ayoko din naman umalis ng di sila kasama. Bestfriends are the best when it comes to three kaya super saya ko kapag kasama sila.
They know how to make me laugh in just a simple ways. Mahiyain din kasi akong tao kaya naman minsan pinipili ko na lang na sa bahay nalang kami kaysa lumabas pa. Masyado akong takot sa tao Hahaha. Alam nila kapag ayoko talagang lumabas kasi naman mas gugustuhin ko pang manood habang nagkakape sa bahay kaysa makita ng tao. Mapapagod lang ako sobra.
Kung tatanungin nyo kung nakikita ako ng mga bff ko, YES they can see me. Magulo ba ? Pero yun ang totoo.
They used to visit me every weekend o minsan napapadalas pa kapag hindi sila ganun ka busy. Gustung-gusto na nga nila na gumaling na ako para daw magkakasama na kami palagi. Sweet right ? Pero baliw yang mga yan. Their craziness give spices to our friendship. Simula nung nangyari to sakin, palagi nalang ako nasa bahay. Aral, linis, luto, lahat as in lahat ginagawa ng isang kasambahay kaya kong gawin. Kaya nga sinabi ko kina tatay na ako nalang ang bahala sa bahay e, tutal palagi din naman silang wala kaya ako na ang gumagawa ng lahat.
Ayaw man nila wala silang magawa kasi mapilit ako. Kaya kong ipilit kahit ang sakit sakit na char ! Minsan may sayad ata ako sa utak kasi kung anu ano na sinasabi ko hahaha hayaan nyo na atleast mabait naman ako. Gusto kong simulan ang pagpapagaling ko kaso mukhang mahihirapan ako. Marami akong bagay na gustong gawin na di ko naman magawa dahil sa kalagayan ko. Pero isa lang alam ko, handa na akong magsimula sa paghahanap. I can do anything no matter how hard it is. Kaya naman kakausapin ko na sina Tatay about sa plano kong paghahanap. Alam ko namang susuportahan nila ako sa lahat. Kaya i'll do everything just to make my oldself back. Even though the road was too hard, try me. I didn't know the word giving up.

I will be responsible in every act I take and find those people who will help me. Hoping that I will not fall too hard. Tapos walang sasalo. Shaket hahaha
Kung pogi man yan, go ! Charmel haha
Basta ang alam ko, handa na ako makita sila. Hindi na ako makapaghintay makilala sila isa-isa. I know na hindi ito ganun kadali, wala naman kasing madali sa panahon ngayon e.

Mas matagal, mas napag iisipan ng maayos. Live your life na parang huling araw mo na. Parang ang sama pakinggan. Haha

I, Naeshilyl Rem Costalla, make myself a strong person in every tough situations.

FadedWhere stories live. Discover now