Kakarating lang nila nanay mula sa business trip. I used to lived in that way.
Hindi ako nagtatampo o nagagalit kapag palagi silang wala, masyado na akong mature mag isip para magalit pa sa kanila dahil lang sa palagi silang wala.
They make time for us kaya hindi na masama. Kahit na mga kapatid ko e palagi silang naiintindihan.
Masarap makinig sa kanilang dalawa kapag nag uusap sila. Like when Nat says "para naman sa atin kung bakit sila nagtratrabaho. Wala namang magulang ang gustung mahiwalay sa kanilang mga anak. " Like wth hahaha kung ako lang nanay ng mga to nakutusan ko na to char !
Kasi naman naiiyak ako sa mga pinag uusapan ng mga kapatid ko.
Ang lalim ng mga usapan nila azzz in. Haha I thank God for making me so lucky. Sa mga kapatid palang na ganyan ka popogi e.
Sobrang mapagmahal pa, kaya once na nagka girlfriend yang mga yan, naku ! Ako talaga dapat muna ang kumilala sa mga babae, baka kasi saktan sila.
Pero kung sabagay, kakambal naman ng salitang pagmamahal ang sakit e. Yuck ! Hahaha saan ko nakuha yun ? Drama kasi ng mga to.
Bigayan sila ng mga advices sa bawat isa.
So cute it is. Makaalis na nga.
When I take a one step going back papunta sa room ko, Tan says a word that makes myself shakes while crying.
"wala din namang kapatid ang gugustuhing nahihirapan ang kapatid nila diba ? Nahihirapan na ako para kay ate. Kung pwede lang nga na ako nasa kalagayan nya ginawa ko na. I don't know how to ease her pain. Nagpapanggap lang syang masaya para di tayo maapektuhan sa nararamdaman nya." ow boy, pinaiyak mo ng sobra nag ate mo.
God, if you ask me kung papalitan ko ba mga kapatid ko. I said NO in a million times.
Nat and Tan are too enough for me.
I didn't ask for anything, yet you gave me everything. Shocks ! I cried really really hard. Magkahalong saya at the same time lungkot dahil sa hindi lang pala ako ang nahihirapan. Pati pala sila nahihirapan na sa akin.
Sobrang saya ko kasi alam ko na mahal na mahal ako ng pamilya ko.
Hayaan mo Tan, gagawa na ko ng paraan gumaling lang si ate.
Para hindi kana rin nahihirapan ng ganyan.
I tried to compose myself para pumunta sa kwarto nina tatay.
I will take every path one step at a time.
Bumaba na ako papunta sa kwarto nila
(Knocks)
"Nay,tay. Can I come in ?"
"Ow sure iha. What do you want ? "
I sat in their bed and calm myself para masabi ko sa kanila ang gusto kong gawin.
They are looking seriously at me that makes me a little bit tremble.
Nandito na ako kaya wala ng atrasan pa.
"Nay, tay. I want to find those five guys who can help me.
You know, the other five who can see me too. Gustung -gusto ko na po gumaling.
Please let me."
Kinakabahan ako na baka ayaw nila akong payagan o pigilan nila ako sa gusto kong mangyari. Kalma Nae ! Papayag yan ! Papayag ! Papayag yan !
"Then ? "
Napatingin ako kay nanay at napa Ha ?? ako sa isip ko. Joke ba yun ?
Ang haba ng sinabi ko tapos " then" lang ang isasagot sakin ?
Kabadong kabado na nga ako dito oh. Okay ! Magpaliwanag ka Nae!
"Ganito kasi yan nay, I want to separate. Gusto ko pong manirahan muna mag isa.
Hindi naman po ganun kalayo sa inyo. Uuwi pa rin naman po ako. I just wanted to be serious in that matter at makapagfocus na din. Malay nyo po nasa paligid ko lang pala yung mga yun. Lalabas po ako palagi para naman mahanap ko sila. Palagi po kasi akong nandito sa bahay kaya wala talagang makakakita sa akin maliban sa inyo. Payagan nyo naman ako nay , tay. Please" (with puppy eyes look)Waaah ang tagal nilang di umiimik.
Naiiyak na ako.
Feeling ko ngayon lang nila ako hindi susuportahan huhuhu. Tan, Nat helpppppp. Ngayon ko kailangan ang drama nyo para mapapayag sila.
The room was eaten by silence. Aalis na nga lang ako. Haysss."Sige po, mukhang di naman kayo papayag e."
Ngayon, mas lalong di ko na alam ang gagawin. Litong lito na ako.
Papunta na ako sa may pinto ng biglang magsalita si tatay.
"Okay. I trust you! Make sure makikita mo silang lahat.
Wala ka namang hindi kinakaya e."
"Hon !" nanay ko yan haha may banta ang pagtawag e"Suportahan nalang natin ang anak mo, you know how painful it is for her. Kung meron mang unang makakaintindi sa kanya, tayo yun. Understand her hon." that's my tatay.
Ugh, ilove you na hahahaha oh diba wala ng nagawa ang nanay ko. Takot !Nagsimula ng magningning ang mata kong kagaganda. I ran towards them with full of happiness and excitement in me.
"Salamat nay, tay ! Kaya love na love ko kayo e."
"Ilove you too nak, nandito lang kami para sayo. Kahit ano pa yan, we'll make sure na gagabayan ka namin."Gusto kong umiyak sa kasweetan nila pero huwag na muna, tinatamad ako.
Bukas na bukas lilipat na ako sa isang paupahang bahay na kami rin ang may-ari. Nakapuwesto yun sa mismong gitna ng bayan kaya naman makakauwi parin ako kahit kailan ko gustuhin.
Isang sakay lang naman mula sa bahay hanggang doon.
Sinabi din kasi ng mga magulang ko na doon na lang daw muna ako tumira, syempre nga naman mahihirapan ako maghanap ng matutuluyan as if may makakakita sakin. Simpleng paupahan lang iyon, hindi ganun kalaki kumpara sa iba.
Mas kumportable kasi ako sa mga bagay na simple lang.
I'm not a materialistic type.As I was packing my things para bukas, naisipan kong dumaan muna sa kwarto ng mga kapatid ko para ipaalam sa kanila ang desisyon ng maganda nilang ate.
Saktong sakto na magkasama silang dalawa habang naglalaro sa kwarto ni Nat.
Wala ng katok katok pa, kapatid ko lang naman tong mga to. Haha bashtosh."Hoy mga kulugo, aalis na ate nyo bukas. Magpapakabait kayo ah. Mag-aral na kayong maglaba ng mga damit, palagi ninyong huhugasan ang mga pinagkainan nyo."
Mga nakatitig lang sakin ang mga ungas. Sarap pektusan eh.
Maya maya pa ay tumakbo silang dalawa papalapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Bakit kailangan mong umalis? Hindi mo na ba kami mahal ? " si Nat yan, may pagka engot minsan. Hindi nya ba alam na hindi lahat ng umaalis hindi na agad mahal ? Pwede namang kaya umaalis e napagod lang. Hanudaw ? Bwiset kasi to si Nat e, kung anu ano tuloy nasasabi ko. Ayun, nakatikim ng isang kutos sa gorgeous nyang ate."Ang engot mo Nat! Syempre mag aala Dora ang ate mo noh. I'll explore everywhere. Charot! Hahanapin ko sila para sakin at para sa inyo. Alam ko naman na nahihirapan na din kayong dalawa ni Tan e."
"Make sure ate Nae na babalik ka agad ah kapag gumaling kana." and that's Tan with his serious yet super sweet voice.
I hug them tighter, yung yakap na sakanila ko palagi binigigay.
"Yes mah baby boys, at babalik ako huwag kayong OA"
and we laugh in chorus.
I go back to my room to check kung may naiwan pa akong gamit na kakailanganin ko. Sa palagay ko naman wala na, kaya matutulog na ako para maaga ako magising bukas.Hello Monday~
Pagkababa na pagkababa ko, nakita kong ang daming pagkain sa lamesa.
Hindi ako nainform na fiesta pala, idagdag mo pa yung nandoon silang lahat pati na ang dalawa kong bestfriend.
"Anong meron ?"
"Aalis ka kasi kaya dapat kumpleto tayo.
Ako nadin ang tumawag at nagsabi sa mga kaibigan mo about sa desisyon mo. Inunahan na kita, nakatulog ka kaagad kagabi e."
Ang lupet ng nanay ko ah. Buti hindi busy tong mga baliw na to.
"Ngayon ko pa lang naman sana sila kokontakin nay e. Isasama ko naman sila sa paglipat, syempre dapat ihatid nila ako. Guard ko yang mga baliw na yan e. Teka, bakit parang ang dami nyan ?
" Yung tetee? Saan ba ako pupunta? Ang alam ko kasi magbubukod lang ako nga bahay habang naghahanap, like wth. HINDI AKO MAGFIFIELDTRIP!
"Ang gaganda naman naming guard. Gaga ka ha! Anong madami ka dyan ? Konti pa nga yan e. Sa lakas mo ba namang kumain, sigurado ubos agad yan. Tsaka di namin kinalimutan yung maraming kape, yun pa naman nakakabuhay sayo. Haha"
okay ang sama nito ni Lhev sakin promise. Sarap ahitan ng buhok hahaha.
"K"
pinagtawanan lang naman nila akong lahat. Once kasi na "k" na lang ang sinabi ko, it means na suko na ko.
Wala na akong palag sa kanila. Oh diba ? Ikaw kaya ang pagtulungan.
Anim laban sa isa. Huwawwww!
After kumain, we decided na umalis na.
Gusto pa nga ako ihatid nina nanay kaso I decided na mga kaibigan ko na lang ang isasama ko sa paglipat.
We chose to use my car, si Erise na lang ang nagdrive just to make sure na ligtas kami. Ayaw na ayaw nyang nagdadrive kami ni Lhev , gusto nya pang mabuhay ng matagal. Ayaw ata nitong mamatay sa kaba sa sobrang bilis naming magpatakbo HAHA
Finally, we reached our destination.
Kanya kanyang na kaming baba sa sasakyan at kuha ng mga gamit na ipapasok sa loob.But wait ------
Sa akin ba sya nakatingin ? OMG !!!
o baka naman tagos lang talaga sya tumingin ?
Ang gandang nilalang naman nito Lord. Kung isa man po sya sa limang hinahanap ko, ampogi naman po ata ? Sobra nyo ba akong pinagpala ? Haha
But one thing is for sure, sobrang ganda ng mga mata nya at isa lang ang alam ko sa mga oras na to,---- sa mata ko sya nakatingin.

YOU ARE READING
Faded
FantasyTatanggapin nyo ba ako kahit na ganito ako ? Sana. Hindi ko naman ipipilit e, nagbabakasakali lang. Help me to find them. Please-