“Hello Randolf! Nandiyan ka na kaagad?” I answered as my phone rang and he called. “Ang bilis mo naman, teka parating na ako, diyan ka lang.” I replied laughing. “Sige, kita na lang tayo diyan, bye!”
Napangiti ako as soon as I put the phone in my pocket. Mag-hunos dili ka nga Zairynn, para kang abno, wag kang pahalatang kinikilig ka! I thought, giggling inside. Ang landi landi mo talaga, palibhasa ngayon ka lang inaya. My brain seconded. Grabe, paanong hindi ka kikiligin kung ang crush mo simula pa lang 1st year high school ka na ay inaaya ka nang makipag-date ngayong 4th year high school ka? “Wew, ang tagal kong naghintay. Rapunzel lang ang peg, kaso wala namang tower, sa terrace lang.” Sabi ko sa sarili ko while adjusting the hem of my mint green shirt. Sabi kasi ni Randolf, simplehan lang daw ang suot pero ang tagal kong pumili. Sa huli rin pala, dito sa outfit na ‘to ako babagsak with matching white pedals and red sneakers.
Zairynn, let’s hang out tomorrow afternoon. Treat ko.
“Ugh, bakit ngayon ko ‘to naaalala? Nakakainis, ang kati!” Sabi ko sa sarili ko habang tumatawa. Hindi naman siguro masamang kiligin di’ba? Basta wag lang sa kalye, loka-loka. Nakakahiya ka. Ang tagal ko kayang hinintay ‘to kaya siguro normal lang na hindi ako mapakali.
Randolf Ian Ferrer is Sykes International High School’s table tennis ace player. 1st year pa lang niya sa Sykes ay kinakitaan na siya ng galing at nilalaban sa inter-school table tennis competitions. 3 consecutive years na champion ang Sykes University dahil sa galing niya sa paglalaro mapa-singles o doubles man ang laban.
Bakit ko siya nagustuhan? Dati kasi hindi naman talaga ako sa Sykes nag-aaral. Lumipat lang ako doon mula sa Strasse Integrated School noong 2nd grading dahil lumipat kami ng bahay at mas malapit iyon sa Sykes. Noong unang araw ko sa Sykes, naligaw ako kasi sobrang laki. Bukod sa High School Department, may University pang katabi. Hawak ko ang schedule ko noon at malapit na rin akong ma-late sa una kong klase kaya hindi na ako mapakali. Sa gate yata ng University ako pumasok kasi may mga nakita akong high school na doon din pumapasok kaya naisip kong baka may shortcut papunta ng High School Department. Ayoko namang pumunta sa isang lugar nang hindi ko alam kung ano yun kasi baka maligaw lang ako. Napansin ata ng isang lalaki na mukha akong nawawala kaya nilapitan niya ako.
FLASHBACK
“Miss, transferee ka po ba?”
“Um, o-opo.” I answered nervously while wiping my sweaty forehead with a pink handkerchief. He was eyeing me with concern, his brown eyes tinged with worry as he smiled and took the piece of paper I was clutching with my right hand.
“Hmmm.” Sabi niya habang tinitingnan ang schedule ko. “Mali ka ng pinuntahan. Doon ka sa kabila, sa may bandang kanan, yung 4-storey building doon.” He instructed continuously while pointing his hand at the right where a 4-storey building stood.
“Sige po, salamat. Pasensya na po sa abala.” Ngumiti ako at tumingin sa kanya. 13 years old pa lang siya noon pero ang gwapo na niya sa paningin ko. Tall build, fair complexion, and a pair of brown eyes that looked so serene. Lumakad na ako papunta sa direksyon na tinuro niya. Nakakahiya, unang araw ko pa lang epic fail na. I thought.
“Miss, wait!” The voice said while following me. “Samahan na kita sa room mo.” He smiled at me and I swear my heart did a somersault. Ano ba ‘to, unang araw pa lang may crush na ako kaagad!
“Okay lang po ba sa inyo?”
“Okay lang, mamaya pa naman practice ko sa table tennis eh.” Yare, Zairynn, table tennis player pala ito. Sport na pang-gwapo.
“Sige ikaw po ang bahala.” I answered like a lost puppy. Nakakaawa siguro ang itsura ko nang mga panahong iyon kaya niya ako hinatid.
“Wag kang matakot.” He said as we continued walking. “Sykes University is really big, actually naligaw din ako noong first day but I’m sure the High School Department will orient you to the facilities of the school. Pumunta ka doon mamaya ha?”
“Okay. Pasensya na talaga ha, hindi pa kasi talaga ako nakakarating dito, bukod kasi sa transferee ako, lumipat din kami ng bahay kaya medyo naninibago pa ako sa paligid.”
“Masasanay ka rin,” He told me coolly as we neared the 4-storey building with ‘Sykes International High School’ on the façade. “Ano, tara na sa room mo?” He asked while smiling at me. Ayan ngumiti na naman. May crush na ata ako na pang-forever dito.
“Tara.” I smiled back as he held my hand and guided me to the hallway and to the stairs.
END OF FLASHBACK
Hindi na ulit kami nagkausap simula noon. We exchanged names and bade each other good bye noong nakarating ako sa room. Gulat din ang lahat ng classmates kong babae dahil si ‘Randolf my loves’ daw nila ang naghatid sa akin. At dahil doon, dumami agad ang naging kaibigan ko dahil katulad nila, dream guy ko din si Kuyang naghatid sa akin sa room.
Just like what a normal fangirl would do, sinubaybayan ko ang buhay niya sa Sykes. Pinanood ko lahat ng mga practice niya. Pinuntahan ko lahat ng inter-school competitions niya. Kulang na lang gumawa ako ng kultong sumasamba kay Randolf dahil sa sobrang kabaliwan ko sa kanya, kaso hindi na ata niya ako naaalala. Until one day, noong 3rd year na ako habang kumakain akong mag-isa sa Starbucks, naki-share siya sa akin ng table at nagkausap kami ulit habang kimukwento ko sa kanya na ako yung naliligaw na musmos na tinulungan niya noong 1st year. And they lived happily ever after…
Siyempre joke lang. For a reason I don’t know what, bigla kaming naging close. Nag-uusap na kami palagi, magkatext at magkachat palagi, at magkasama palagi. Tapos one time sinabi niyang ang ganda ko daw. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon sa sobrang kilig. Kinalaunan, parang nagiging sweet na siya sa’kin. O ha ang assuming ko lang. Tapos ito na nga, inaya niya akong magdate sa isang ice cream shop! Grabe, iba ka talaga Zairynn, ang haba ng buhok mo, buti na lang tinirintas mo yan ngayon! I thought as I flipped my braided hair and smiled like a retard.
“Krinnnng!”
Randolf calling…
“Hello?” I answered the unexpected call nervously. Nakakakilig na talaga ah, magkikita naman kami pero tawag pa rin siya ng tawag. Ano ba yan!
“Zai, malapit ka na ba?”
“Um, medyo, ang tagal ko ba?” I asked while ignoring the guy that seems to be approaching me while looking at his watch. Para siyang balisa at hindi mapakali. “ Teka lang sasakay na nga ako ng pedicab.” Luminga-linga ako para maghanap ng pedicab. Naiinip na ata Zairynn, bilisan mo baka magbago isip niyan!
“Um, Zai, ano kasi—”
I ended the call intuitively as the guy faced me and said, “Shit, bahala na nga!” and held my hand to guide me through the gate of his house.
BINABASA MO ANG
A Fated Mistake
Genç KurguAko si Zairynn Kate Montero-Del Valle at hindi ko alam kung love story o gag show ba ang tawag dito dahil nagsimula ito sa isang malaking kalituhan, kalokohan at isang saltik na lalaking wala atang magawa sa buhay.