Chapter 2: Zairynn Kate

26 3 0
                                    

“Teka lang! Ano ba, bakit mo ba ako kinakaladkad papasok sa bahay mo?! Sino ka ba ha?” I shouted as he continued walking while holding my hand.

“Pasensya na, Miss kung naabala kita but I need you to cooperate. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Ano ba ‘to?! Ano bang gagawin mo? Bakit ako? Wala ka bang ibang pwedeng pagtripan?” I spat continuously, angry at the thought na hindi matutuloy ang date namin ni Randolf. Pwede naman akong makasalamuha ng saltik sa ibang araw, bakit ngayon pa kung kailan makakasama ko ang Randolf na minimithi ko?

“Hindi ko pa masasabi sa’yo kasi baka umayaw ka, pero malalaman mo rin.” Eh kahit naman hindi mo sabihin mo ayaw ko naman talaga ano! “Parating na sila in 10 minutes and I need to know you bago natin sila harapin.” Teka, anong pinagsasabi nito? Sinong sila? Sindikato ba ito? Diyos ko, ang aga ko pa atang mamamatay eh date lang naman ang pupuntahan ko dapat ngayon. I thought with fear. “I am Zion Keith Avecilla. Ikaw?”

“Pag ba sinabi ko ang pangalan ko hindi niyo ako papatayin o gagawan ng masama o kung ano man?” I asked back, my voice broken as my tears started to well up. Lord please sana po makauwi pa ako ng bahay ng buo ayoko pa pong mamatay madami pa po akong pangarap sa buhay. Magiging successful pa po ako sa aking soon to be chosen field, makakahanap ng trabaho, mapapangasawa si Randolf Ian Ferrer, magkakaroon ng pitong anak, tatanda, mamamatay. Yun po muna bago mamatay, Lord please!

“My God, sorry, I didn’t mean to scare you.” He hugged me to his chest as we sat on a bench in their garden. “Sorry. Sorry. Sorry.” He chanted as he held me to his embrace.

“Na-Wow Mali po ba ako?” I innocently asked and laughed when he started laughing but his eyes went back to its worried aura again. Mukha naman siyang mabait ah, pero bakit bigla na lang niya akong hinila rito na parang kidnapper? Ano kayang kailangan nito?

“Hindi naman. I promise walang mangyayaring masama sa’yo dito. You just have to go with the flow kapag dumating na sila, okay?” He replied. “So, what’s your name?”

Huminga ako ng malalim. “Zairynn Kate.”

He smiled upon hearing my name. “Zairynn Kate what?”

“Zairynn Kate Del Valle.”

“Hi, Zairynn Kate Del Valle. I am Zion Keith Avecilla. Notice something?” Tanong niya habang patuloy akong tinitingnan sa mata nang nakangiti.

“Pareho tayong ZK ang initials ng name.” I answered casually. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako kinakabahan sa kanya ngayon. Does it have something to do with his sweet gesture kanina o yung fact na pareho nga kami ng initials ng pangalan? Pwede ba yun? Pareho lang ng pangalan palagay na agad ang loob mo?

Ngumiti ulit siya at na parang may sasabihin pero biglang nag-ring ang phone niya at sinagot niya iyon.

“Hello, Ma?” Sabi niya nang sinagot niya ang tawag. “Yes. Opo. Opo. Okay po. Sige po, bye.” Sunod-sunod niyang sagot at saka ibinaba ang phone niya. “Tara na sa loob ng bahay, parating na ang Mommy at Daddy.” Sabi niya sa’kin saka siya tumayo.

“Okay.” I answered with a sad smile. Wala na, hindi na talaga matutuloy yung date namin ni Randolf. I thought as I swiped through the screen of my phone and saw no sign of Randolf texting or calling me.

“Naabala kita ano? Saan ka ba pupunta dapat?” Tanong niya habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.

“Date lang naman kasama ang crush ko nang tatlong taon.” Sagot ko at bigla akong napatakip ng bibig when he looked at me in surprise. “Ah, wala.”

A Fated MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon