Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

CHAPTER THREE

88.4K 2.3K 95
                                    

"I-eendorse ko na lang itong kaso sa kaibigan kong abogado. Hindi ko na kasi mahaharap," saad ng abogado ng bumalik si Jade kinabukasan matapos manggaling sa Registry of Deeds. He gave her the number of another lawyer, but a problem rose when they spoke. Kailangan nito ng acceptance fee para sa kaso. Halos kabuuan iyon ng natitira niyang pera sa bangko.

She then decided to go to the public attorney's office. Libre ang serbisyo ng mga Public Attorneys para sa mga hindi kayang magbayad ng pribadong abogado. Doon siya nagpatulong. Medyo mahaba lang ang ipinila niya pero hinarap naman siya ng maayos.

Hapon na nang maihain ang right to ownership base sa mga dokumentong ipinakita niya. She was ushered by a sheriff back to the house at around 7PM.

Kagagaling lang ni Kenji noon sa dining room nang dumating sila. He was topless but she was glad he was wearing jeans. Umakyat pa ito para magsuot ng shirt bago humarap sa kanila.

He laughed when the sheriff told him to vacate the house. Ipinakita ni Kenji ang parehong titulo na ipinakita sa kanya.

Kumunot ang noo ng sheriff nang makita ang dokumento. Ipinagtabi pa niya ang dalawang titulo.

"Parehong authentic ang dokumento," sambit ng sheriff. Doon na siya kinabahan. The sheriff is an expert on that. He knew exactly how to determine authentic titles of properties.

"Kailangan kong kumuha ng kopya nito para ipa-check sa Registry of Deeds at isumite sa korte kung alin sa dalawa ang totoong nagmamay-ari ng property," saad nito.

She wasn't able to react further. Tumango na lamang siya. Ni hindi na rumehistro sa utak niya ang huling sinabi ng sheriff. Naiwan silang pareho ni Kenji na walang imik.

Nang makahuma ay sinundan niya ang Sheriff pero nakaalis na ito. She called the lawyer instead. Pinayuhan siya nitong huwag umalis ng bahay dahil baka mag-indicate iyon ng pag-give up niya sa property kapag umusad na ang kaso sa husgado.

She was sure Kenji would do the same. Ayaw niya ng ideyang magkasama sila sa iisang bahay pero wala siyang magagawa.

"So, you are not leaving this house, huh!"

Napalingon siya nang marinig ang boses ni Kenji. She was so busy on the phone. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito. Narinig pa yata nito ang usapan nila ng abogado.

"Alam mong hindi mo pag-aari ang bahay na 'to. Why don't you just tell the truth? Saan galing ang dokumento mo?" saad niya rito.

He only smiled at her accusations. Tumingin ito ng mataman sa kanya. She was ready to argue with him.

"You know you speak English well," wika nito. Akala niya ay kung ano ang sasabihin nito. Iyon pang pagsasalita niya ang napansin nito.

"I worked in a BPO company, but that's none of your business," she told him. Tumawa ito ng mahina.

"Are you sure?" makahulugan nitong tanong. Kumunot ang noo niya pero tumawa lang ito. Umukilkil sa utak niya ang pagka-blacklist niya sa lahat ng BPO company sa Bacolod pero agad niyang sinupil ang naisip.

"Wala kang pakialam kung paano ako magsalita. Ang dapat nating pag-usapan ay kung sino ang dapat magmay-ari sa bahay na 'to, and that would be me," kampante niyang saad.

He smirked at her. She felt insulted and what he said next enraged her.

"Pareho lang kayo ng Tito mong oportunista," sambit nito.

"What?!" she glared, but he turned away without any word. Gusto niya itong habulin, sigawan at pagbabayuhin ang dibdib pero pinigilan niya ang sarili.

He was five steps away when he looked back.

"You heard me right. Opportunistic. Like a bloodsucking leech," he said with sarcasm.

Her heart raced in fury. Then, it ached for her departed uncle. Ang baba pala talaga ng tingin nito sa tiyuhin niya. Kaya pala ni minsan ay hindi niya nakita ang binata nabubuhay pa ang mag-asawa. It shows how he hated her uncle.

"Mas malala ka," mariin niyang tugon. She raised an eyebrow. She felt the need to salvage her uncle's memoir.

"Alam mong pinaghirapan ng Tito ko itong bahay kahit itanggi mo, bakit mo pilit na inaangkin?" hayag niya. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita dahil muli niyang ibinukas ang bibig.

"Patay na siya, wala nang dugo. Yet you still want to suck him. You, cadaver-sucking unnamed monster," nang-uuyam niyang bigkas.

She stepped forward quickly. Nilagpasan niya ito nang walang lingon-likod. Gaya noong nakaraan, hindi niya ito kinaringgan ng kahit na anong salita.

***

It took her few hours before she was able to sleep that night. Kinabukasan ay nagcheck siya agad ng email kung may nag-respond na sa online job applications niya. She was happy to see that a few responded.

It was around 8 AM when she went out of the room. Balak niyang mag-grocery dahil baka mamulubi na siya kung sa labas laging kakain.

Walang kaingay-ingay siyang bumaba ng hagdan. She was about to move towards the door when she heard Kenji's cough.

Napatingin siya rito.

She swallowed hard when she saw him. Pakiramdam niya ay apron lang ang suot nito. She tried hard not to imagine what's beneath that piece of cloth.

"Saan ka pupunta?" tanong nito. She was a bit disoriented. Why would he ask? The last time they spoke, they insulted each other. Bakit bigla yata itong bumait? Baka may binabalak.

"Wala na akong mga magulang. Wala rin akong asawa. Hindi ko kailangang magpaalam sa kahit na sino kapag lalabas ng bahay," tugon niya rito. She made sure he heard her, but she was annoyed when he chuckled.

"There is one way to reconcile that," he said with a smile.

"Pakasalan mo ako para puwede ka ng magsabi ng pupuntahan mo." His smile turned into a wide grin.

She looked at him in disbelief. Tumawa naman ito ng nakakaloko kaya't mas lalo siyang nairita.

"Kapag natuto kang magdamit bago mag-apron baka pag-isipan ko pa," she said smirking.

He looked at her amusedly.

"Ang galing ng mata mo ah. Paano mo nalamang wala akong damit?" nanunudyo nitong tanong. She thought of a sound reply but she wasn't able to complete a phrase in mind until she wasn't able to say anything.

Tumawa ito ng mahina.

"Wala palang silbi 'tong apron, kita mo pa rin. Tanggalin ko na lang," sambit nito.

"No!!!" she reacted violently when he held the strap on his nape. Parang na-imagine pa niya ang itsura nito kapag nakahubad.

Tumawa ito ng malakas sa naging reaksyon niya. Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya. Dali-dali na lamang niyang tinungo ang pintuan ng bahay habang naririnig ang pagtawa nito. 

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon