JERRY'S POV***
Nang maitaas nya ito ay nakita nyang wala itong galos kahit kaunti sa parteng tyan Kaya mabilis nawala ang pangamba nito..
Mabuti't mali ang aking hinala..
Mapapanatag na ako!Teka mapapa natag na nga ba ako? Paano kung kaya nya palang pahilumin ang sugat nya!? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag si anna ang aswang! Hindi ko alam kung itatago ko ba o papalayasin ko na sya!
Hayyy! Tigilan mo nga ang pag iisip ng ganyan! Hindi sya ang aswang ok!?
Bahagya akong bumangon at hinalikan ito sa noo at tuluyan na akong natulog.
ANNA'S POV..
Alas sais palang ng umaga ay bumangon na ako Upang mag linis at mag handa ng umagahan.. iniwan kong tulog si jerry sa kwarto.
(Humming) ♬♪♪♪
Nabaling ang pansin ko sa mga taong nag tatakbuhan papunta sa hardinan ng kapitbahay namin..
Anong meron??
Lumakad din ako palabas at sumunod sa kanila at tumambad sa amin ang nangangamoy nang katawan ng patay na manok at ang alagang aso ng asawa ko! Jusko!! Mulat ang mata at duguan ang pang upo ng aso at ang manok naman ay butas ang tyan..
Ang mga tao naman ay nag bubulungan lamang ang iba ay nag tataka..
"Ayan si anna hindi ba?"
Bulong ng isa na hindi kalayuan sa akin kung kaya'y narinig ko sya..
"Oo simula ng dumating sila nag karoon na Ng aswang dito sa baryo.. Siguro sya ang
Aswang! "Tugon ng isa pa..kaya umatras nalang ako at bumalik sa bahay kahit pinag titingnan ako
Ng dalwang nag uusap kanina...Pag dating ko ng bahay ay agad kong binuksan ang pinto!. Sumubsob ako sa dib-dib ng asawa ko, Inaantok pa ito na napakapit sakin.
"Anong nangyayari sa labas?"Tanong nito.
Napatingin ako sa mga taong
Nag uusap usap doon.."May mga manok na patay-"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko
Ng bigla akong hinawi ni jerry at tumakbo papunta roon.Sinilip ko nalang sya mula sa bintana..
Gulat na gulat ito ng makita ang mga manok at ang alaga nyang aso na si chuchi! Napa lingon ito sa direksyon ko at nag mamadaling bumalik dito sa loob ng bahay!
Palagabog syang pumasok ng pinto! At nag ngingitngit na lumapit sakin!"Anong ginawa mo sa alaga ko!!! "
Galit ang boses nito at hinawakan ako sa braso! Sa sobrang higpit ay napa ngiwi ako sa sakit..
"Jerry nasasaktan ako!!" Naka ngiwi kong sabi dito at pilit na inaalis ang kamay nito sa akin..
Tumaas ang kamay nito na para bang bumebwelo ng sampal! Ipinikit ko ang aking mata na halos mapaluha na ako at umiwas!
Pero tumagal ang minuto nang walang dumadampi sa aking kamay.
Kaya iminulat ko ang aking mata at tumingin sa kanya! Galit parin ang mukha nya pero hindi nya ako nagawang sampalin! Binitawan nya ako tumalikod.
"Lumayas kana dito! Wala akong asawang aswang!!"
Halos mahulog ang puso ko ng marinig ang Sinabi nya! Pinagbintangan nya akong aswang!? Pati ba naman sya?? Sya na asawa ko?! Na dapat syang mag tanggol sa akin!?
"Anong aswang ang pinag sasasabi mo!!?" Mangiyak-ngiyak kong sabi!
"Una!! Ya'ang bukol sa ulo na sabi mo Nauntog ka! Ano ako tanga!! Tapos yang pangalwa! May dugo ka sa tyan!! Paano!! Paano! mo itinago ang sugat mo!!. Tapos ngayon! Ang aso't mga manok sa labas!! Hayop k--"
PLAKKK!!! (slap)
"Tama na!!! Ikaw ang hayop!! Hindi ako aswang!! Paano mo nagawang pag bintangan ako ng ganyan! "
"Dahil nasayo lahat ng ibedensya na katulad ng sa aswang na hinuhuli namin! Sinong hindi mag iisip ng ganon!?"
"Dahil lang sa suspetsya mo!? Pag bibintangan mo na ako agad! Pagbubuhatan mo ako ng kamay!!"
Nangingiyak kong sabi! Pero agad kong pinawi ang aking luha!Lumakad ito papunta sa pinto at binuksan ito.. saglit syang pumaling sa akin at nag salita.
"Wala akong asawang aswang" huling sabi nito at tuluyan nang lumabas ng bahay!
Ang sakit!! Ako na asawa nya! ang pinag bibintangan nya!? Wala naman akong ginagawa! Bakit nagawa nya iyon!!? Napa luhod ako sa sahig at tahimik na umiyak! Hindi ko alam na gagawin nya sa akin iyon!!.
Mabuti pa ngang umalis na lang ako. .
》Mitaka_shika06 ♥
SALAMAT SA NAG BABASA PLS VOTE...
BINABASA MO ANG
Aswang...(SHORT STORY)
Short StoryBagong lipat si anna at jerry sa baryo katalina. maayos naman ang pakikitungo sa kanila ng mga kapit bahay.. pero isang balita na nasabing may aswang daw sa lugar, na nakakapambiktima.. at tuwing hinuhuli ng mga tao ang aswang ay laging nakiitaan...