#2 RN

1.5K 30 3
                                    

HALEY'S POV*****

Kahit wasakin namin ay hindi parin namin magawang buksan ang pinto! Wala namang ibang daan papunta sa kwarto ni cha! Paki usap po hwag naman sana!!

"Chhhaaa!!! Buksan mo itong pinto! Pilitin mong abutin!! Tama na please!"

Puwersa ako takbo at binangga ko ng balikat ang pinto! Bumukas ito pero sumubsob ako sa sahig!

"AAHHHH!!!" Napahiyaw ako ng makitang nasa harapan ko si cha na duguan!!

"CHA!!! CHAA!!!" nag takbuhan sila palapit at agad naman akong bumangon at tiningnan ang nangyari kay cha! Puno sya ng saksak!! Lahat kami ay napa Hagulgol nalang habang niyayakap ang katawan nito!!

Tumakbo ako papunta sa bintana at sinilip kung may iba bang tao akong makikita pero wala!! Bwiset sya!!!

"Bwiset kaaaa!!! Papatayin kita!!!" Muli akong lumapit kay cha at halos nangangatal pa ang kamay kong hawakan sya pero naka pansin ako ng isang pulang papel! Kaya sinimot ko ito at binasa .

'Ano!!? Nag taksil sa akin ang boyfriend ko!?' nagawa nya akong lokohin?

Mas lalo akong naiyak hindi ko alam kung magagalit ako o hindi! Pero hindi na ako muling lumapit kay cha. 
Hinayaan kona doon ang mga kaibigan ko at naligo na ako, doon ako umiyak dahil doble yung sakit, yung sakit na nawalan ako ng kaibigan tapos ngayun may nalaman pakong mas masakit! Parang gusto ko nalang isumpa lahat!!

-*-*-*-

Nang gabi rin iyon ay nag sama sama na kami sa isang kwarto para doon matulog..
Hindi na namin kayang mag hiwa hiwalay pa. Baka mamaya may susunod nanamang mawala...

Kami nalang nila ryza at clarence ang natitira
Sana umabot pa kami ng kinabukasan!.

BOOOGGSHH!!!.

lahat kami napa bangon ng mabasag ang salamin sa tapat namin, ilang minuto din namin itong tinitigan!. Nag yakap yakap kami sa takot..

Baka kami na ang susunod...

Isang kamay ang sumulpot sa gilid ng bintana at
Umaakyat ito!. Naka itim lang sya at natatakloban ang mukha nya...
Nang tuluyan itong maka pasok sa loob ng bahay ay nag sigawan na kaming lahat!!.
Wala kaming nadala na pang protekta man lang.

Pero hindi sya nag iisa! May kasama syang
Isa pa. Naka taklob din ang mukha nya ng mascara!. May hawak silang tali pinilit naming lumabas ng kwarto pero naka lock ang pinto!! Bakit ganun!!!?

Anong gagawin nila samin!!.
Jusko poooo!!!.

"Sino ba kayo!!! Mga hayop kayo!!.
Tama na! Hindi ka namin kilala!!! "

Sigaw ni ryza! Pero humalakhak lang
Ang isa sa naka itim.

"Oo hindi nyo kilala!! Pero kilalang kilala ko Kayo! Mga freaks!!! At ngayon!? Mag mamaka -awa kayo sakin na mamatay na lang at pag sisisihan nyong isinilang pa kayo sa mundo!! "
Humalakhak ng malakas ang babaeng naka itim!

"Hayop kaaa!!! "

Nagulat nalang kami ng sugurin ni clarence ang
Dalawa Pero walang naging reaksyon ang dalwang killer na nasa harapan namin!.

"Clarence!!!!" Sigaw ko! Bakit sya sumugod!!

Agad nitong inambahan ng
Suntok si clarence at bumagsak ito sa sahig.

"Mas malakas parin ako sa inyo.. Kaya mag lalaro tayo. Patulugin na yan! "

Huling sabi nito!. Bago kami nilapitan at pilit ng ipinamoy sa amin ang panyong hawak nila-

-- --
Haley's pov....

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at
Nakita kong lahat kami ay naka kulong sa isang
Kwarto walang bintana kundi iisang pinto lamang. At mukang selyadong selyado.. Wala Kang lulusutan!.

Naramdaman ko ding nagigising na ang Mga kasama ko..

"Clarence!? Ok kalang ba? May masakit ba sayo? "

Tanong ko sa kanya.. Umiling lang sya
At tumingin kay ryza. Tinapik namin ito
Para magising sya!. Nang makita nya kami ay
Napa yakap ito ng sobra sa amin!.

"Haley!? Rence!? Paano tayo tatakas dito?
Ayoko pang mamatay!. "

"May plano ako!. Ganito! "

Lumapit sila sakin at doon ko ibinulong sa
Kanila kung paano kami tatakas.. Kahit isa lang sa amin ang successful na maka labas dito ok na!.

"Sana epektib! Basta tulong tulong ha!. "

Saad ni clarence..

- -

"Oh!! Gising na pala kayo!?? Mabuti naman makakapag laro na tayo! "

Boses mula sa kung saan!.

...
To be continued.

Aswang...(SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon