#3
Napa kamot nalang ako sa ulo.
"Paano? May alam kabang daan na hindi Nila alam o baka naman pwede ka mag paalam sa kanila!?"
Tugon ko..
"Kung mag papaalam ako may maiiwan
Dapat na isa! Kaya hindi tayo pwedeng mag paalam! Dahil isa sa atin ang kukunin nila!"Paliwanag nya.
Hayyst hindi kami malalagay sa
Gantong sitwasyon kung hindi ko sya
Sinisi noon!.Lumapit ako sa kanya at niyakap sya,
Hinalikan ko ang noo nito."Patawad anna! Humantong pa tayo sa Ganito dahil lang sa katangahan ko dati!"
Yumapos ito sa akin at tumingin sa
Mga mata ko!" Matagal na kitang pinatawad!
Wag kang matakot kaya natin ito! May Plano ako"kINAGABIHAN!.
"Tawagan mona ang brgy patrol! Papuntahin mo na sila dito bilis!"
Anas ni anna!
Agad kong tinawagan ang
Patrol na nag hatid sa akin kanina.
Nag impake narin ng gamit si anna na
Dadalhin namin sa pag takas.Sana gumana ang plano! Sana
Maka alis na kami dito.."Anna! Naka usap kona ang patrol papunta na sila! At nasabi kona kung saan tayo hihintayin!"
"Mabuti eto na lahat ng gamit ko.
Hintayin lang natin si inay at tyaka
Tayo umalis."Nag nod lang ako at sumilip sa bintana!
Madaming nakaka takot na tao sa labas
Sila siguro ang aswang!.Grrrr... arrrggghhh....
Naka rinig ako ng maingay sa gilid ng bintana! Kaya pilit ko itong sinilip!
Halos umakyat ang sikmura ko sa
Nakita! Isang aswang na may nilalapang
Aso!!! Labas bituka at duguan!Matatalas ang ngipin nito at matatalim ang mata.
"Lumayo ka nga dyan!!"
Higit sa akin ni anna!
Napataob ako sa upuan!"Bakit!? Nandito lang naman ako sa loob Ah!"
Angal ko.
"Kahit na nasa kasuluksulukan kapa
Ng bahay kayang kaya ka nilang kunin Kung gugustuhin nila!"Hindi na ako naka sagot!.
Klakk!.
Bumukas ang pinto at may pumasok na matanda.
"Inay!. Si jerry po"
Mahinahong tugon nito.
"Jerry? Siya yung asawa mo hindi ba?"
"Opo. Nay, sasama na po ako sa kanya
Ulit! Gusto ko pong mabuo ang pamilya ko!At mapalayo sa lugar na ito.""Sigurado ka? Paano ka aalis?"
"Hindi ko pa alam nay tulungan mo kami!"
Lumakad ang nanay ni anna papunta sa Gilid ng bahay nila ..
"Halika kayo dito!"
Anas nito! Agad kaming nag lapitan ni anna.
May binuklat syang kahoy!.
Isa itong tagong daan! Maluwag sa ilalim pero madilim ng kaunti!."Baba na! Habang maaga pa!
Daredaretso lang at pag dating nyo sa dulo ay tanggalin nyo ang mga batong naka pader doon! Sa boundary ng delremedio ang labas nyo!. Bilisan nyo lang at wag kayong maingay! Dahil may mga tayak din na nasa ilalim ng lupa na pwedeng humabol sa inyo! Baba na dali!"Nauna akong bumaba at binitbit ang mga bag na dala ni anna!
Blaagg!!!!
Kumalampag ang bubong! Agad akong
Kinabahan!!Nabuklat ang bubong ng konte at
May sumilip na babae!. Nag iba ang
Aura nito at naging aswang!!"TUMATAKAS ANG ANAK NI LORDES!!!IWANAN NYO ANG BATA!!!!"
sigaw nito! Kaya dali dali kaming bumaba at tumakbo sa ilalim ng lupa!. Kahit natatalapid ng konte ay pinilit kong tumakbo habang maya't mayang nililingon ang mag ina kung kasunod ko pa!.
"Bilisan mo jerry! Biliss!!!"
Habang tinatahak ng mag asawa ang
Daan sa ilalim ng lupa ay nag liliparan naman sa labas ang mga aswang na sinusundan ang daan na tinatahak ng
Mag asawa!"SUNDAN MO SI ANNNAAAA!!"
sigaw ng aswang sa lalaking naka lubog ang katawan sa lupa na tinatawag nilang tayak.
May kakayahan itong mag paikot ikot sa lupa na para lamang nag nag lalangoy sa tubig , tinatahak nito ang daan papunta sa mag asawa!"Jerry! Ano nasan na tayo? Malapit naba tayo? "
"HINDI KAYO MAKAKA TAKAS!!!"
Sigaw mula sa likuran namin!.
Kaya lalo kaming napa takbo ng mas mabilis!."Ahhhhhh!!!!"
Napa lingon ako ng sumigaw si anna!
hindi!!! Hawak sya ng aswang!!
"Saan sa tingin nyo balak pumunta ha?"
Bigla namang nabutas ang pader ng lupa sa harapan ko at may lalaking lumabas doon na ngiting ngiti!.
"Hahaha! Madadagdagan na ang pag kain natin!"Tugon nito!.
*-*-*-*-*Kahit naka pikit pa ang mata ko
At may naririnig na akong maingay!
Parang ritwal! Parang isang dasal!Kaya dahan dahan napa mulat ang mata ko nasa loob ako ng kwarto at saradong sarado ng pintong kahoy na puno ng tinik.
Nasaan ang mag ina ko!??.
ANNA'S POV!!.
"Ahhh!!! Tama na! Patawad!!"
Pag mamaka awa ko sa mga namumuno sa lugar namin!
Hawak nito ang buhok ko at pilit akong pinapahirapan!."May pag takas kapa!!? Ha! Alam mo naman diba na pag aalis ! May maiiwang isa!!" Tugon nito.
At patuloy akong sinasabunutan"Eeehhhrr patawad po! Hindi na po mauulit!"
"Kahit naman hindi mo ulitin nahatulan kana!! Na ipapakasal ka kay APOH! sa ating pinuno!!"
Hindi maaari!! Hindi pwedeng ikasal ang mortal sa aswang!."Hindi maaari!!!" Sigaw ko!.
Pero humalakhak lang ang
Babae!"Inihahanda na ang damit mong susuotin. At para sa pag diriwang bukas. Ang asawa mo ang handa! Hahahhahaha!!"
"Hindi!! Hindiiii!!!"
Lumabas ng silid ang babae.
Paano ako lalabas?
May naka bantay sa pinto!
Wala namang daan dito!Nilibot ko ang paningin sa paligid!.
Anong gagawin ko! Ang anak ko nasaan? Jusko! Ano ba itong nangyayaring ito!Pag lingon ko sa kaliwa ay
May natanaw akong mahabang kahoyPwede na ito.
Kinuha ko ang kahoy at nag tumpok ng lupa pataas!. Sana hindi gumuho..
Dahan dahan kong inakyat ang lupa
At lumusot sa butas sa itaas!.Ayun ang kulungan!.
Si jerry!Lumundag ako pababa at gumapang papunta sa kulungan ni jerry!.
Sana ok lang sya!
.
.
.
"Jerry??"TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
Aswang...(SHORT STORY)
Short StoryBagong lipat si anna at jerry sa baryo katalina. maayos naman ang pakikitungo sa kanila ng mga kapit bahay.. pero isang balita na nasabing may aswang daw sa lugar, na nakakapambiktima.. at tuwing hinuhuli ng mga tao ang aswang ay laging nakiitaan...