ASWANG ll #2

637 14 0
                                    

CONTINUATION 2 ****

May anak na sya?

"Magandang araw anna! May nag hahanap pala sayo!"

Napa kunot ng kaunti ang noo nito at tyaka ako lumapit!. Nanginginig pa akong Lumapit sa kanya!.

"Anna."

Tanging nasabi ko!.
Parang umatras ang dila ko!.
Wala akong maisip na sasabihin!.

"Jerry!? Anong ginagawa mo dito!?"

Gulat na gulat ang reaksyon nito.

"Ahm, Anna,jerry tutuloy na kami!
Kung mag papasundo ka mamaya eto ang numero ng brgy tumawag ka nalang ha!"

"Nako maraming maraming salamat po! Sige po "

"Sige tutuloy na kami."

Paalam nila at sunod sunod na silang  sumakay ng patrol at umalis ..

"Woahh!"

Naiwan ata sa pinto ang kaluluwa ko ng Bigla akong higitin ni anna!.

"Ano bang ginagawa mo dito!!? Alam mo bang delikado na pumunta ka dito!!? Pina pahamak mo ang sarili mo!"

"Teka? Ano bang meron? At bakit dito
Ka napadpad!?"

Naguguluhan kong tanong!.

"Hindi ka dapat pumunta dito!
Mapapa hamak ka lang! Umuwi kana habang maaga pa!"

"Hindi ako uuwi habang hindi mo sinasabi sakin ang lahat at habang hindi ka nasama sa akin!"

Natigilan sya. At napa upo sa upuang kawayan!.

"Lugar ito ng mga aswang!.araw araw! Nakikita ko ang pag lapa ng mga aswang sa mga taong napunta dito para sa bakasyon! Kilala ang isla ng talir na isa sa mga magagandang puntahan pag Summer! Pero hindi nila alam na mag dudulot lang ito ng kapahamakan sa kanila!"

"Pero kung alam mong madaming aswang dito!? Bakit dito ka tumira? Bakit hindi Kapa umalis!?"

"Dahil!- dito naka tira ang nanay ko!
At - isa syang -albularyo!.
Aswang, albularyo, mangkukulam,
Lahat yan nandito! Ng umalis ako sa bahay Natin! Dito na ako namalagi. Hanggang sa Nalaman kong buntis pala ako! Nag bunga ang nangyari sa atin noon! At ito na sya si baby lira!"

Hindi ako maka imik!
Para akong lilipad sa tuwa ng
Marinig lahat ng iyon!

Anak ko ang batang ito!?
Hindi ako maka paniwala!

"Totoo ba ang sinasabi mo? Ilang taon na sya?"

Mangiyak ngiyak kong tanong

"1 year and 6 months Jerry "

"Haha! My god! Pabuhat nga sa anak ko!"

Napa tayo ako at kinarga ang bata!.
Napaka ganda sya at mataba.

"Hello baby lira. Ako ang tatay mo..."

Nakaka tuwa! Nakaka lambot na
Sa tagal ng panahon ay magkikita ulit kami ni anna at nadagdagan pa ng isang anghel!.

"Gusto mo bang sumama sa akin pauwi sa catalina?"

Tanong ko. Nawala ang ngiti sa
Mga labi ni anna!.

"Paano? Hindi ako basta basta makaka alis dito lalo na't alam ko ang lahat ng nagaganap dito sa talir! Mukhang malabo ata ang sinasabi mo!"

To be continued!.

Aswang...(SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon