Chapter 4

11 1 0
                                    

NAGISING si Kelly sa sakit ng katawan na nararamdaman. Hindi nya maimulat ang mata at masakit ang ulo nya. Idinilat nya ang isang mata. Nagulat sya ng makitang katabi nya si Josh. Agad syang napaupo sa kama. Hinila nya ang kumot dito dahil wala pala syang kahit na anong suot.

Bumalik sa isip nya ang nang-yari kagabi. She made love with Josh. Yeah, that's right. I just gave myself to him. Ay tanga! Ah ewan!

Mukhang na istorbo ang tulog nito kaya nagmulat ito. Hindi nya tuloy alam kung magtatago o tatakbo ba.

"Good morning!" hasky pa ang boses nito. Pero still gwapo parin ito kahit bagong gising. Ngumiti pa ito. "Matulog pa tayo." Anito at hinila sya pa higa sa kama.

Wala syang nagawa kundi magpadala nalang dito kagaya ng nangyari kagabi. Isiniksik nito ang mukha sa leeg nya. Hindi nya alam kung naririnig na ba nito ang dagundong ng puso nya sa sobrang kabang nadarama. Ilang sandali lang ay hindi na ito gumagalaw. Sign na tulog na ito.

Na pa buga sya ng hangin. Hindi nya alam kung ano ang gagawin. She didn't even know what's the real score between her and Josh.

Pero hindi naman siguro masama ang ginawa nila dahil kasal naman na sila. Pero pano ka? Iiwanan ka din ni Josh, after one year. Naguluhan sya, nagdalawang isip kung tama nga ba ang ginawa nya. Bahala na, saka ko na po-problemahin iyon. And besides marami namang babae ang hindi na birhen. Napabuga ulit sya sa naisip. But I don't want to be one of them. Sa pag-iisip ay nakatulog ulit sya.

NARAMDAMAN ni Kelly ang halik na gumagapang sa kanyang leeg. Nag-mulat sya ng mata.

"Josh!" untag nya ng makita si Josh

"Let's do it again, honey." Anito at nag patuloy sa ginagawa. And it end up doing again-love making.

Alas onse na nang magpasya sila ni Josh na kumain sa labas. Masaya sila at hindi na sya nakadama ng ilang dito. Medyo sweet na din naman ito sakanya. Hanggang sa Baguio ay naging sweet ito na akala mo sya lang ang laging nakikita. And she figured out that she fall deeply to the man she was with. Hindi na sya dapat pang magkunwari. After all, they are married.

After two weeks of their honeymoon nakauwi na sila sa mansyon ng mga Bermudez.

"Welcome back!" bati ng masayang Daddy at Mommy ni Josh. Anduon din sina Angelo at Angela.

"You look radiant now Kelly, right Mom?" anang si Angela.

"Yes! You're right!" sagot ng ina. "You look blooming!"

"Thank you po!" pinamulahan ang pisngi nyang anas.

"Ohw! She's blushing!" napalingon silang lahat kay Rhianne at nag-tawanan.

Umupo sila sa sofa. Sa armrest ng sofang inuupuan nya umupo si Josh.

"How's the newly wed? How's the honeymoon stage?" tudyo ng ina.

"It's great Mom!" si Josh ang sumagot. "We both enjoy each other." at inakbayan sya. "Right honey?"

Totoo sa loob syang tumango.

"I'm so happy for you son. Finally you found the right girl for you!" anang Daddy ni Josh.

"Thank's to you Dad." Sagot naman nito.

Hindi nya mawari kung totoo nga sa loob nito ang sinabi. Malamang ay sumasakay lang ito sa ama nito. Sa tuwina tuloy ay gusto nyang itanong dito kung ano ba talaga ang meron sila. Pero takot sya at naduduwag na baka hindi ang nais nyang sagot ang makuha.

Ilang minuto din silang nagkumustahan saka sila nag-paalam ni Josh na aakyat na at magpapahinga.

Pagbaba palang ng bag nito ay nag-ring na agad ang cellphone nito.

Umaasa lang sa'yo COMPLETE (Montgomera Empire) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon