Chapter 9

19 1 2
                                    

Isang linggo na ang lumipas. Hindi alam ni Kelly kung ano ang gagawin. Wala siyang ginawa kundi ang tumanga. Masyado siyang bini-baby  nang lahat ng tao sa bahay nila. Mula sa kuya niya, kay Laleng at higit sa lahat sa Nanay nila. Malayo na ang ipinagbago nito. She was happy for that. Pero ayaw niya na gawin siyang baby ng mga ito. Gusto niya ay may gagawin parin siya.

Para magkaroon siya ng ehersisyo ay sumasama siya sa Nanay niya na mag-ikot ng mga paninda nito. Ayaw siyang pakilusin ng mga ito dahil ayon sa doctor ay maselan ang pagbubuntis niya. Kung minsan nga ay bigla nalang sumasakit ang puson niya. Dala daw iyon ng stress. Kakaisip ng mga problema. Hindi naman niya kasi mapigil na mag-isip ng mga problema. Lalo na kapag siya nalang mag-isa.

Biglang nag-ring ang cellphone niya, it was Hilary. "Hello!" bati niya dito.

"Girl, kumusta kana? Alam mo hindi kita mahagilap."

Ngumiti siya, "Nandito na ako sa bahay ng Nanay Hilary."

"Bakit? Na-miss mo sila ano?"

"Hindi, dito na ako for good."

"Ah! Buti pumayag si Josh?" her friend don't have any idea.

"Wala na kami Hilary." Malungkot niyang balita dito.

"Ano!" halos matanggal ang eardrums niya sa lakas ng sigaw nito. "Why?"

"Grabi! Ang sakit ng tenga ko doon ah." Anya at inilipat sa kabilang tenga ang cellphone.

"Kailan pa iyan ha?" galit nitong anas. "Nakakatampo kana talaga Kelly. Wala man lang akong idea what was happenning to you. Anong silbi kong kaibigan sayo ha? Wala na ba akong kwenta sayo ha?" may himig pagtatampo ito.

"Okay, I'm sorry, masyado lang akong maraming iniisip. I forgot na andiyan ka pala."

"That's to much, Kelly. Ang sakit naman noon. I'm your only friend then-hay ewan ko sayo!"

"I'm sorry I said. Tommorow check-up ko. Come with me and I'll tell you everything." Anya dito para makabawi.

"Make sure of that. I'll be there tommorow morning." anito ng biglang may babaeng tumawag sa kaibigan. Naririnig niya ang galit na tinig ng isang babae sa kabilang linya.

"Ikaw ba ang naglagay ng damit ko sa madumi?" anang babae.

"Oo! Madumi naman na iyan diba? Natural ilalagay ko sa dumihan. Ikinakalat mo kasi kung saan-saan!" mataray na anas ng kaibigan sa babae. "Kelly, see yeah tommorow." Anito sakanya at pinatay na ang cellphone.

Napailing nalang siya dito. Kahit kelan talaga ay napaka taray ng kaibigan niya.

Naisip niyang lumabas sa sala. Bahagya palang ang pagbukas ng pintuan niya ay naulinigan na niya ang tinig ng ina at ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"I know she's here. Please 'Nay Elena, I want to talk to her." anang tinig ni Josh.

"Wala nga siya dito. Sumama na siya sa ibang lalaki, kay....Warren! Kaya umalis kana. Ang kapal ng mukha mo matapos mo siyang saktan ay pupunta ka dito. Alis! Hindi mo na makikita pa ang anak ko!" galit sa saad ng ina.

"Importante po ang sasabihin ko sakanya. We need to talk." Pakiusap ni Josh. "Kelly!" tawag nito sa kanya. "Please talk to me. I have something to tell you. Lumabas kana diyan."

"Hoy tumigil ka sabi diyan e. Nakakahiya sa mga kapitbahay namin. Alis!" itinulak ito ng ina.

Hindi niya alam pero nag-react ang puso niya. Gusto niya sanang lumabas at awatin ang ina pero pinigil niya ang sarili. Wala na silang dapat pang pag-usapan.

"Nay tama na po!" awat ni Laleng. Bumaling ito kay Josh. "Kuya, wala si ate dito. Sige na umalis kana."

Nanlisik ang mga mata ng binata. "Kanino siya sumama?"

Umaasa lang sa'yo COMPLETE (Montgomera Empire) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon