Chapter 5

21 2 0
                                    

NAKATITIG kay Kelly si Hilary. Kumunot ang noo nya. "Why?"

"Kakaiba ka. Tumakaw kana ata ngayon? Mukha kang patay gutom." nakakunot noong saad nito.

Kumunot din ang noo nya, "Nagugutom lang kasi ako. Kaunti lang ang nakain ko kaninang umaga. Ikaw kasi pinagmamadali mo ako tapos wala ka pa pala. Hindi ka parin nagbabago." Anya at sumubo.

Tumaas ang isang kilay nito. "Excuse me! I told you yesterday that I won't change. Maganda ako dati, ngayon, bukas at mananatili iyon kahit mamatay pa ako."

"Oo na kumain kana gutom lang iyan."

"Nananaba ka ata?"

She rolled her eyes, "Alam mo ang dami mong napapansin. Kumain kana nga lang. if I know na kahit sexy ka pa, halimaw naman ang nasa loob ng tiyan mo."

"Hoy tumigil ka diyan. Huwag mong pakialaman ang mga alaga ko sa tiyan. Wala naman silang naidudulot na perwisyo pagdating sayo o kahit kanino pa. Not like you, iyang tiyan mo ang palaging perwisyo. Kung parang kidney nga lang ang tiyan, pina-operahan na kita at pinaalis ko ang tiyan mo." Anito at sumubo din.

Totoo naman iyon. Ito ang isa sa babaeng kakilala nya na ubod ng takaw pero hindi naman tumataba.

"Gumaganda ka ata lalo Hilary? May inspirasyon kana ba?"

"Excuse me," anito na tumaas ang kilay hanggang bumbunan nito. "Matagal na akong ubod ng ganda. Syempre marami akong inspirasyon, ang pamilya ko at si Alexander ang pinsan ng asawa mo."

"E diba babaero din iyon?" anya dito.

"Hoy FYI, ang asawa mo din babaero. Kaya ang Alex ko may pag-asa pa. Lalo na't nakilala nya ang Diyosang katulad ko."

Again she rolled her eyes. "May kapatid si Alex diba? Dati nang nasa airline pa ako sabi ng mga co-attendant natin gwapo din daw ang kuya nya. Pero hindi ko pa nakikita iyon. Hindi sya dumalo ng kasal namin ni Josh."

"Oo nga hindi ko nakita doon ang kuya nya at hindi ko pa din nakita iyon. Pero ayos na ako kay Alex, sa kanya palang busog na ako." At tumawa ito. "Pero balita ko kasi madalas sya sa America. Nagpapaka henyong Doctor."

Tumango lang sya.

"Change topic." Anito. "Tuloy tayo sa bar mamaya ha? Balita ko may bar ang mga Montgomera. Exclusive iyon, tiyak maraming gwapo at mayayaman doon."

"Naku, baka hindi ako pwede. Hahanapin ako ni Josh, tu-"

"Tumigil ka! Don't you dare say no to me, Kelly! Minsan nalang tayo magkita ganyan ka pa. Huwag kang KJ hindi bagay sayo, nagmumukha kang pangit. Kaya kung ayaw mong maging pangit sumama ka sakin, okay?"

Bumuntong hininga sya, "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Siguradong kapag hindi ako sumama sayo kakalad-karin mo ako."

Parang nagulat ito. "Oh! Bakit alam mo? Sabi ko na nga ba salin-lahi ka ni madam Auring." At tumawa ito.

"Whatever!" sagot na lang nya dito para manahimik lang ito.

Matapos silang kumain ay nag-ikot muna sila sa mall at bumili ng mga gamit nila personal man o kung ano ang magustuhan nila.

"Bili tayo ng ice cream!" yaya ni Hilary pagdating ng alas syete ng gabi.

Sinundan lang nya ang kaibigan. Bumili sila ng vanilla ice cream. "Nagugutom na ako uli." Anang kaibigan. "Kain muna tayo bago pumunta sa bar, pwede?" anito.

Napakunot ang kilay nya. "Ang takaw mo talaga ano? Sa pagkakatanda ko kasi kakakain lang natin. Kauubos mo lang din ng kinakain mo." Tinignan nya ang tiyan nito . "Ano bang laman nyan? Baka naman buntis ka na ha at hindi mo lang sinasabi sa akin!" palabas na sila noon ng mall.

Umaasa lang sa'yo COMPLETE (Montgomera Empire) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon